"Psst!"
Napalingon si DP.
"Gotcha!"
Nakangiting sabi ni RJ na agad namang niyakap ang girlfriend sa likuran.Halatang nasiyahan si DP na makita si RJ at nakita niya rin na kasama ni RJ si LJ na bestfriend nito.
"Akala ko ba may practice kayo ng basketball ngayon?" Sabi ng dalaga.
"Actually babe tumakas lang ako." Sagot ni RJ na nakangiti.
"Anong ikaw lang?! Loko dinamay mo ako!" Singit ni LJ.
"Thanks nga pala bro sa pagsama." Added by RJ.
"Sira! Bakit naman kayo hindi sumipot sa practice." Napatingin si DP kay RJ at LJ.
"Ayaw ko kasing umuwi ka ng mag-isa DP." Sagot ni RJ.
Natouch naman si DP sa narinig niya. Dahil parati na lang siyang inuuna ng boyfriend niya higit sa lahat.
"Talaga babe." Hinawakan ni DP ang pisngi ni RJ.
"Yuck! Ano ba! Ito lang ba ang itanakas ko sa practice para lang makita kayong naglalambingan?! Tara na!" Basag na sabi ni LJ na inakbayan pa si RJ.
"Tara na!" Tapos inilayo ni LJ si RJ kay DP at naglakad na.
"Hoy! Minsan nga naiisip ko Lou John na bakla ka ba?!" Inis na sabi ni DP.
Napahinto sa paglalakad si LJ at nilingon si DP.
"Ano!" Gulat na sabi nito.
Napatawa na lang ng malakas si RJ.
"Nice one babe!" Sabay thumbs up.
"Kasi panira ka ng moment!" Nilapitan ni DP ang boyfriend niya sabay linking arms dito at naglakad at iniwanan si LJ.
"Sira ulong babae. Ako bakla?! Nagpapatawa ba siya." Mahinang sabi ni LJ.
"Bro tara na lilibre kita ng ramen." Sigaw ni RJ at sumunod naman sa likuran si LJ sa paglalakad.
................................
8 Years later."What do you mean DP? Ang ibig mo ba na sabihin na mas inuuna pa ni RJ yang paglalaro niya ng online games kaysa makasama ka." Sabi ni Miu.
Hindi kasi sinipot ni RJ ang planong date nila ni DP kagabi.
Halatang nainis si Divine Prey sa katotohanan na mas inuuna pa ni RJ ang paglalaro nito online.
"Hindi naman sa ganun Miu alam mo naman diba na yun na talaga ang trabaho niya." Pagtatanggol ni DP kay RJ.
"Trabaho ba yun? Fine, I get it na professional gamer yang boyfriend mo na mas inuuna pa talaga ang DOTA kaysa sa gf niya. Wow ha! Nakakaproud!." Inis na sabi ni Miu.
"Baka lang nakalimutan niya."
Pag-iintindi ni DP."Pwede ba DP huwag muna siyang ipagtanggol dahil isa siyang Jerk! Kung mahalaga ka talaga sa kanya sana inuuna ka niya katulad nung dati at kung may plano siya sa future niyo sana naman ay humanap na siya ng matinong trabaho hindi puro laro inaatupag niya." Sermon ni Miu. Nagmistula na nga itong ina sa pagsesermon.
"Miu isa siyang professional gamer at kumikita siya doon." Sagot ni DP.
"Kumikita nga, pero parati ba kayong nagkikita?! Hindi naman diba. Jusko naman Divine Prey gumising ka na nga 8 years na kayong on/off relationship pero ni singsing wala siyang naibigay sayo."
Hindi na sumagot pa si DP dahil alam niya na tama naman lahat ang sinasabi ng bestfriend niya. Masyado na siyang nagiging martir sa pagmamahal niya kay RJ. Dahil parang siya na lang ang kumakapit sa relasyon nilang dalawa.
(Divine Prey POV:)
I feel tired of this relationship nakakasawa na ako na lang palagi ang umuunawa sa kanya. Mahal niya pa ba ako? Mahalaga pa ba ako sa kanya? Actually hindi ko alam ang kasagutan. Siguro nga sagabal na sa amin dalawa yang paglalaro ni RJ ng online games.........................
Naglalakad si DP papunta sa inuuwian na condo niya ng makita niya si RJ na naghihintay sa labas ng building."Hi babe." Bungad nito.
Hindi siya pinansin ni DP dahil nagtatampo siya dito.
"Galit ka ba? Pasensya ka na kung hindi kita sinipot kagabi." Sabi ni RJ.
"Hulaan ko dahil ba naglalaro ka na naman ng DOTA?!" Inilayo ni DP ang tingin sa boyfriend.
"Alam mo naman babe na may sasalihan kami na international competition next month at kailangan talaga na magpractice pa kami lalo sa paglalaro." Pagpapaliwanag ni RJ.
"Babe, million ang prize ang pinag-uusapan doon at isa pa para sa atin dalawa ang ginagawa ko." Dagdag ni RJ.
"Para sa atin? Para sa atin din ba yung hindi na halos tayo nagkikita? Pera lang ba ang mahalaga RJ?
Ang gusto ko lang naman yung walang masabing masama ang mga tao sayo, yung tipong maging huwaran ka naman na boyfriend. Ang gusto ko humanap ka ng matinong trabaho." Namumuo na ang luha sa mga mata ni DP."Hindi mo talaga ako naiintindihan. Alam mo naman na ito lang ang kaya kung gawin. Bakit hindi ba matinong trabaho ang pagiging professional online gamer DP tell me!" Nairita si RJ sa narinig sa girlfriend niya.
"Kung gusto mo magtrabaho ka sa kompanya ni dad alam ko tutulungan ka niya dun RJ. Ang gusto ko lang naman na makasama ka at magkaroon ka ng time para sa atin."
"Hindi! Hindi mo talaga maiintindihan ang gusto ko." Umalis na si RJ at iniwanan si DP.
Nakatapos naman ng college ang binata pero ayaw talaga nito na maghanap ng ibang trabaho bagkus ay pinainting pa lalo nito ang hilig niya noon pang highschool sa paglalaro ng mga online games. Dahil dito naging professional online gamer si RJ na lumalaban sa online game competition abroad.
........................."May problema ba bro? Nag-away ba kayo ni DP." Tanong ni LJ na katabing nakaupo sa counter ng bar si RJ.
"Hindi niya talaga ako maintindihan bro. Sa paglalaro ako nagkakaroon ng pera at ito na ang trabaho na gusto ko bro. Nag-iipon ako para sa amin dalawa pero hindi niya maintindihan yun." Sabay inom ng alak.
"Bro, nag-iipon ka nga sa future niyo pero time mo ang kailangan niya." Sabi ni LJ na umiinom na rin ng alak.
"Marami ka na rin na panalunan sa competition maybe it's time for you to stop this bro." Payo ni LJ.
"Pero I want to join this big international competition bro.
5 million ang prize! Ito na siguro ang pinakamalaking mapapanalunan ko kapag nagkataon. I need to get that bro para sa future namin ni DP." Sagot ni RJ na halatang lasing na."Pero bro DP doesn't need that money she is already rich all she wants is your time." Sabi ni LJ.
"Are you siding her?! Are you still my bestfriend since college?! I know she doesn't want that money pero ang gusto ko lang naman na may mapatunayan ako sa daddy niya sa lahat ng mga taong nakapalibot sa kanya. Gusto ko na umuwi ng bansa na isa ng millionaryo. Ayaw ko na maliitin ako ng mga tao nakapalibot kay DP dahil lang sa mahirap lang ako." Naging emosyonal si RJ.
"Fine do whatever you want, you know that I will always support you!." Tinapik pa ni LJ ang balikat ni RJ.
YOU ARE READING
One Night Surprise
RandomThe story is all about Divine Prey Monte in short DP when she got frustrated when her boyfriend Russel John Castel(RJ) forgot there anniversary and the birthday of DP its a double celebration at hindi sinipot ni RJ ang inihandang date ng dalaga. She...