9

631 12 0
                                    

Linggo ng umaga at nasa ancestral house si DP namalagi. Ayaw niya pa muna matulog sa condo niya dahil sumasagi pa rin sa isipan niya na may nangyari sa kanila ni LJ at doon pa sa purity bed niya.

"How's your birthday?"
Hinagkan ni Conrad ang anak sa pisngi.
"It's not fine dad." Disappointed face of Prey.
"At bakit naman." Pagkatapos hagkan ni Conrad sa pisngi si Prey ay inilapag niya ang suitcase na dala niya sa empty chair kararating lang kasi nito galing office.
"Because you are not there." Palusot ni Prey para wala ng isiping masama pa ang ama niya at baka mas lalo lang itong magalit kay RJ kapag nalaman nito na hindi na naman siya sinipot.
"I'm sorry Prey alam mo naman na nasa Thailand ako at hindi ko kasi pwedeng ipostpone ang nasabing meeting Prey."
"Alam ko naman yun daddy namiss lang talaga kita." Paglalambing ni Prey.
Tumayo si Conrad sa pagkakaupo at lumapit sa anak para yakapin ito.
"I miss you too, Prey."
Pagkatapos na mahigpit na yakapin ni Conrad si Prey ay bumalik na ito sa upoan niya.
"Maalala ko lang diba tumawag ka sa akin nung isang araw sabi mo pa nga na magkikita kayo ni RJ kaya huwag na akong mag-alala kung may kasama ka sa birthday mo. How's your date?"
Hindi umimik si Prey.
Mukha alam na ni Conrad ang kasagutan.
"I hate that man! He is taking you for granted!" Nadagdagan ang disappointment ni Conrad kay RJ.
"Dad may rason naman siya para magawa niya yun."
Conrad pressed his lips together but said nothing.
"Dad dito muna ako magstay sa bahay mo." Prey said.
"Anytime you want you can stay here at isa pa bahay mo rin ito. I remember nung umalis ka ng bahay para manirahan mag-isa dahil you bought a condo alam mo ba na sobrang lungkot ko nun anak but then inisip ko na lang na para rin yun sa ikabubuti mo but now you are back welcome home my princess!"
"Thank you dad you're so sweet!"

...............................
Lumipas ang isang buwan hindi pa rin nagpaparamdam si RJ kay DP. Kahit pa may tampo si DP kay RJ hindi pa rin maiaalis sa dalaga ang mag-alala dito.

Lately napapansin rin ni DP na wala siyang ganang kumain dahil sa kaiisip niya siguro kay RJ at parati rin siya inaantok.

Dahil sa madaming nang naiisip si DP hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya when suddenly she wakes up when her phone ringing.

She check her phone at tumatawag si Jenny ang head barista sa cafe niya.

"Hello, napatawag ka Jen."

"Are you not coming boss? May problema kasi tayo."

"Problema. Anong problema?"

DP check her watch and its 2pm.

"Boss we need you."

Hindi na sinabi ni Jenny ang problema pero nararamdaman ni DP na malaki ang problema na sinasabi ng barista niya.

"I'm on my way."

Agad tumungo si DP sa Cafe.

Pagkarating ni DP sumalubong kaagad si Jenny.

"Ano ba ang sinasabi mong problema?" Her face become worry.

"Nasa loob po."

"Huh? Pinagloloko mo ba ako Jen."

"Boss, basta pumasok na po kayo."

Pagkapasok ni DP sa Cafe niya tumambad sa kanya ang mga staff niya na nakalinya isa-isa at pagkatapos isa-isa rin siyang inaabotan ng mga sunflowers at sa pinakadulo nito nakatayo si RJ na may bitbit na gitara habang pinapatugtog ito at kinakantahan si DP ng Just the way you are.

Her emotion was mix gusto niyang yakapin si RJ at the same time ayaw niyang makita ito.Naguguluhan na si DP sa nararamdaman niya.

Huminto si DP sa harapan ni RJ habang patuloy pa rin sa pagkanta ang binata nang matapos na itong kumanta ay inilapag nito ang gitara sa sahig at kinuha ang bouquet of sunflowers at iniabot kay DP. Kinuha naman ni DP ang bouquet at pagkatapos biglang lumuhod si RJ at may inilabas na maliit na box sa bulsa nito.

One Night SurpriseWhere stories live. Discover now