4

1.1K 16 0
                                    

"How's your cafe?" Bungad na tanong ni Conrad sa anak.
"Fine dad infact next week opening ng new branch ng Monte Cafe."
"Wow! That's good!" Nakangiting sabi ni Conrad.
"Pang-ilang branch mo na ba yan Prey?" Conrad curiously asked.
"Panglima dad." DP smiled.
"I'm proud of you my princess nagmana ka talaga sa akin."
"Thanks Dad!"
Nasa hapagkainan sila DP at Conrad na nag-uusap saktong dumating naman si LJ.
"Sir nandyan po si sir LJ sa labas." Sabi ng major domo.
"Papasukin mo."
"Yes sir."
"Ano naman kaya ang ginagawa niya dito." Sabi ni DP.
"Actually Prey I invited him."
"Jeez dad you know I hate that guy!"
DP rolled her eyes.
"Good afternoon Tito Conrad." Bungad na sabi ni LJ.
"Oh, boy I missed you! Sit down kumain ka na rin." Tumayo pa si Conrad to hug LJ. Mapagkakamalang mag-ama talaga ang dalawa dahil sa closeness nito.
"Tumabi ka na ng upo kay Prey." Conrad added. Napatingin pa si LJ kay DP bago umupo at halata naman ang inis sa mukha ni DP.
"Go on, she's not gonna bite you." Biro ni Conrad.
"I think you're wrong tito because she's ready to bite me." Sagot na biro rin ni LJ.
"Are you kidding me? I'll kill you!" Sagot ni DP.
Tumawa naman ng malakas si Conrad.
"I missed this scene." Sabi nito.
Ngumiti lang si LJ.
"Seriously bakit ka pa ba bumalik sa pilipinas LJ kung aasarin mo lang naman ako parati!" DP glare to LJ.
"Kaya nga ako bumalik sa pinas kasi I missed teasing you!" He smirked.
"Sira ulo!" DP mumbled.
"Kailan ka pa bumalik?" Asked Conrad.
"Last month lang po tito."
"Last month? But still hindi mo man lang ako binisita."
"Pasensya na po tito I was busy practicing."
"His not that important dad!" DP smirked.
"Don't say that Prey." Hindi nagustuhan ni Conrad ang sinabi ni DP.
"It's okay tito nagbibiro lang si Prey." Sabi ni LJ at kinurot ang magkabilaang pisngi ni DP.
"Ang cute mo talaga Prey!" LJ added.
"Aaah.. Ikaw din ang cute mo Lou John!" Gumanti rin si DP ng kurot sa magkabilaang pisngi ni LJ.
"Aaah.." iling ni LJ dahil napalakas ang pagkurot ni DP.
Pagkatapos kumain ay agad naman sila pumunta sa garden para doon na mapagpatuloy sa pag-uusap. Ayaw pa nga pumunta ni DP dahil didiretsyo na sana ito sa kwarto niya ng pigilan siya ni Conrad.

"Are you staying here for good LJ? O babalik ka pa ba sa America?" Tanong ni Conrad.
"Siguro dito muna ako tito."
Ang isa kasi sa rason kung bakit umuwi ng Pilipinas si Lou John dahil sa kanya na ipamamahala ng ama ang mga businesses nila sa Pilipinas. Siguro panahon na rin na maging aktibo siya sa negosyo ng pamilya.
Halatang nasiyahan si Conrad na narinig niya kay LJ samantalang si DP nakaconcentrate lang sa pag-inom ng tea. Dahil magbestfriend si Conrad at Ramon na ama ni LJ simula pa noong college days nila at itinuring na rin ni Conrad si LJ bilang isang anak. Marahil sabik rin si Conrad na magkaroon ng lalaking anak at nakita niya ang katangian ng pagiging anak na lalaki kay LJ.
"Wow! Time is so fast. I still remember dito kayo naglalaro ng hide and seek ni Prey noong mga bata pa kayo." Conrad smile and then drink his tea. Ipinalibot naman ni LJ ang mata sa garden. Hanggang sa nabaling ang atensyon ni LJ sa lumang fountain sa garden naalala niya ang paghalik niya sa pisngi ni DP noong mga bata pa sila.
"Daddy." Bigkas ni DP na nagpapahiwatig ng pagtutol sa pagpapaalala ng ama sa kanilang childhood memories ni LJ.
"What? Did I say something wrong? What happened to you guys dati rati sobrang close naman kayo noong mga bata pa kayo." Dagdag pa ni Conrad.
"Dati yun dad nung hindi pa jerk ang isa dyan!" Sabi ni DP.
Hindi umimik si LJ bagkus nakatingin lang siya kay DP at halata ang lungkot sa mga mata nito. Ilang segundo silang nagkatitigan ni DP.
"Ahem!" Singit ni Conrad.
Inilayo na lang ni LJ ang tingin kay DP at si DP naman ay napalingon sa daddy niya.
"Prey balak ko sanang palitan ng bago ang lumang fountain kapag nakahanap na akong ng new design." Sabi ni Conrad. Napatingin si DP sa lumang fountain na nakatirik sa gitna ng garden.
"If that's what you want dad."

Biglang bumalik sa alaala ni Lou John ang pagproposed niya noong mga bata pa sila ni Prey sa lumang fountain.

Naghahabulan sila ng biglang madapa si DP at dahil sa mga bata pa sila noon na madaling masaktan ay umiyak si DP.

One Night SurpriseWhere stories live. Discover now