6

815 10 0
                                    

"Look who's smiling." Sabi ni Miu.
"I'm so happy dahil after all ipinaglaban ako ni RJ kay daddy." Sagot ni DP.
"Sa anong paraan?"
"Sinabihan lang niya naman si daddy na may balak siyang pakasalan ako. Di ba alam mo naman na hindi boto si dad kay RJ. Ang saya ko dahil pinatunayan ni RJ sa akin na kaya niya harapin si daddy na hindi siya natatakot dito." DP smiled.
"Okay." Not impressed na sagot ni Miu.
Buti na lang mas malakas ang good vibes ni DP dahil wala siyang time mainis at kahit iniinis pa siya ni Miu.
Napatingin si DP sa lalakeng papalapit sa kinauupuan nila.
Namukhaan niya ito at ito ay walang iba kundi si Jeffer.
Biglang tinakpan ni Jeffer ang mga mata ni Miu at mukhang alam na ni Miu kung sino ito.
Napangiti si DP sa ginawa ni Jeffer dahil ang sweet nitong tignan.
"Pwede ba tumigil ka na!" Halata ang galit sa boses ni Miu at hindi ito nasisiyahan sa ginawa ni Jeffer.
Biglang tinanggal ni Jeffer ang pagtakip nito sa mata ni Miu.
Halata ang inis sa mukha ni Miu ng makita si Jeffer.
"Nag-away ba kayo?" Tanong ni DP.
Walang sumagot sa dalawa.
Umupo si Jeffer sa tabi ni Miu.
Tumayo si Miu at dinampot ang bag nito pagkatapos iniwanan sina DP at Jeffer.
"Miu saan ka pupunta." Sabi ni DP pero hindi siya pinansin ni Miu.
"May pinag-awayan ba kayo ni Miu?"
Jeffer show DP the saddest smile.
"At least you can tell para naman maayos natin ang problema niyo ni Miu."
"Natanggap kasi si Miu sa audition niya sa isang play sa New York."
"That's good." Masayang sabi ni DP.
Her smile faded ng mapagtanto ni DP ang consequences.
"You mean magkakahiwalay kayo. I'm sorry!"
Napatingin si Jeffer kay DP.
"It's okay." Malungkot na sabi ni Jeffer.
"Pwede ka naman sumunod kay Miu di ba."
"Yun na nga ang hindi ako sigurado DP dahil hindi ko pwedeng iwanan si mommy alam mo naman na malubha na ang sakit ng mommy ko."
"Yeah, I know Jeffer siguro naman maiintindihan ni Miu iyon."
"Nagtatampo siya dahil hindi ko raw masuportahan ang pangarap niya but how about my mom.Gusto kasi niya na samahan ko siya sa New York at doon na kami tumira."
"Don't worry ipaiintindi ko na lang kay Miu ang lahat." DP gave Jeffer a reassurance smile.
"Salamat DP."
.................................................

"Inom pa! Cheers!" Tumama na ang alak sa katinoan ni Miu.
"Are you alone baby?" Tanong ng isang lalaki.
"Alone? Hindi na ngayon kasi nandyan ka na."
Lumapit na rin ang mga kasamahan ng lalaki.
Ngumiti si Miu pagkakita sa apat na lalaki.
"Let's enjoy the night baby cheers!" Sabi nung lalakeng naka-black polo.
"Gusto ko sumayaw." Naglakad si Miu but then she trips pero naalalayan siya nung lalaki.
"Careful."
"Yeah I will." Tumawa ng malakas si Miu.
Pagkatapos ng ilang minutong pagsasayaw ay bumalik na si Miu at ang lalaki sa table.
"You know what, I like you." Sabi ni Miu.
The guy flashed his smiled at mukhang na flattered ito sa sinabi ni Miu.
"Bro I think makakascore ka na niyan." Sabi nung kasamahan ng lalaki.
"Iuwi muna yan." Dagdag pa nung isa.
"I want to drink more!" Sigaw ni Miu.
Unti-unting hinahalikan ng lalaki sa leeg si Miu.
"Ano ba nakikiliti ako." Angal ni Miu na patuloy sa pag-inom ng alak.
"I know you want it too baby."
"Tigilan mo nga ako." Inilalayo ni Miu ang sarili pero pilit siyang pinapalapit ng lalaki.
"Hindi mo ba narinig ang kaibigan ko sabi niyang tigilan mo na siya!" Biglang dumating si DP at sinampal bigla sa mukha ang lalaki.
"Let's go Miu kailangan mo nang umuwi." Inalalayan ni DP si Miu.
"You bitch! Saan ka pupunta!" Sigaw nung lalaki.
"Bitch?" DP gave the guy a death stare.
"Yeah! You bitch!" Inulit pa ng lalaki ang sinabi niya.
Biglang uminit ang tenga ni DP sa narinig kaya binalikan niya ang lalaki at tinuhod niya lang naman ang basehan ng pagkalalaki nito. The guy groaned.
"Shit! I'll gonna kill you bitch!"
Buti na lang at hindi sumali ang kasamahan ng lalaki at tumatawa lang ito sa nangyari sa kaibigan nila.
"How's your wiener bro." Pang-aasar nila dito.
"Shit! Shut up man help me get up!"
Tinulungan naman siyang ipatayo ng mga kaibigan.

Nang na sa parking lot na ay panay suka si Miu.
"What did you do to yourself."
"You need to sober para naman masermonan na kita!" Tinapiktapik pa ni DP ang likuran ng kaibigan.
"We should go home." Pagkatapos inalalayan na ni DP si Miu pasakay ng kotse niya.
"Huwag mo akong iuwi sa amin please baby alam mo naman nandun si daddy at mommy sa bahay I need to be alone." Hinawakan pa ni Miu ang mukha ni DP.
"Tigilan mo nga ako Miu! Anong baby ka dyan?! Lasing ka na nga dahil ang tingin mo na sa akin ay yung lalakeng ka fling mo."
"Huwag ka nang magalit baby." Tumawa pa ng malakas si Miu.
Akmang hahalikan pa ni Miu si DP.
"Tigilan mo ako Miu Miyagi ibalik mo yang katinoan mo." Inilayo ni DP ang sarili niya kay Miu at nilagyan ng seatbelt ang kaibigan.
"Wow I can't imagine na ganyan ka kagwapo baby can I kiss you."
"Hindi ko alam kung magagalit ba ako sayo because you flatter me so much. Grabe ka Miu mukha ba talaga akong lalaki sayo kapag nalalasing ka."
Inayos ni DP ang buhok ng kaibigan dahil sa natatakpan na nito ang mukha.

Inuwi ni DP si Miu sa condo niya.
Pagkatapos ay ipinahiga niya sa couch. Buti naman at nakatulog na ito at wala ng mga weirdong sinasabi kay DP.

Tumunog ang cellphone ni DP dahil tumatawag si Jeffer.
"Kasama mo ba si Miu ngayon? Out of coverage kasi ang phone niya."

"Yeah, actually nandito siya sa condo ko at lasing na lasing."

"Gusto mo ba na sunduin ko siya dyan at iuwi sa kanila?"

"Nope, it's better kung nandito siya. Isa pa ayaw niyang umuwi muna sa kanila."

"Okay. Basta tawagan mo lang ako DP kung may kailangan ka."

"Yeah, sure. Bye!"

"Bye!"
...............................................................
Nagising si Miu dahil sa sumasakit na ang ulo nito.
"Aaah!" Napatingin si Miu sa paligid.
"Nasaan ako?" Mahinang usal nito.
Nang mapansin ni Miu ang pamilyar na couch na hinihigaan niya. It's DP's couch.
"Good Morning baby!" Pang-aasar na bati ni DP kay Miu.
"Baby?!" Biglang kumunot ang noo ni Miu sa narinig sa kaibigan.
"Di ba nga we are officially on simula kagabi ang sweet mo pa nga sa akin kasi panay ang tawag mo nga sa akin ng baby." DP giving Miu a flirt wink.
"Tigilan mo nga ako Divine Prey Monte hindi ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo."
"Anyway your breakfast is ready kaya bumangon ka na dyan!" Sabi ni DP.
"Pwede ba na dalhin mo na lang dito." Utos ni Miu dahil sa tinatamad itong tumayo at maglakad.
"Wow ha?! Kung makautos wagas?!"
"Please!!"
"Sige na nga kung hindi lang talaga kita mahal." DP smiled.
Since highschool ay magbestfriend na sina DP at Miu kaya ang turing na nila sa isa't-isa ay parang magkapatid na.
Pagkatapos kumain ni Miu ng breakfast ay agad naman itong naligo.
While si DP ay nasa living room watching tv.
"Anong pinapanood mo?" Nakalugay ang basang buhok ni Miu habang lumalapit kay DP.
"I'm watching Netflix."
Biglang tumunog ang cellphone ni Miu at dinampot niya ito, nakapatong kasi ito sa center table. Nag-iba ang mukha ni Miu ng makita kung sino ang tumatawag at napansin ito ni DP.
"Si Jeffer ba ang tumatawag?"
Miu nod.
"Bakit hindi mo sagutin."
"I don't want."
"Miu you need to understand Jeffer's side."
"Are you siding with him?"
"I'm in the middle okay. You know that Jeffer loves you and he loves his mom too kaya mahirap sa kanya na pumili sa inyong dalawa."
"Are you believing that her mom is sick? Nagkukunwari lang yun! First of all hindi niya ako gusto para sa anak niya second she's a good actress para mapaniwala si Jeffer na may sakit talaga siya."
"Nagkukunwari man siya o hindi dapat patunayan mo sa mom niya na karapat dapat ka sa anak niya. Natatakot lang yun na ilayo mo si Jeffer sa kanya alam mo naman na only child si Jeffer."
Tumayo si DP sa pagkakaupo at lumapit kay Miu giving her a hug.
"That's why I need you right now." Usal ni Miu.
"So, haharapin mo na ang problema mo?" DP said then Miu nodded.

One Night SurpriseWhere stories live. Discover now