60(RJ)

257 8 1
                                    

"Bakit mo pa kasi sinutok si Jeffer?" Miu is annoyed.
"Ako pa ang may kasalanan? Pasalamat ka tinulungan kita kanina Miu."
"Sira ka ba? Wala naman siyang ginagawa na masama dapat hindi mo na siya sinuntok. Nakita mo ba yung dugo sa labi niya?!" Bulyaw ni Miu.
"Hay naku Miu! Sa susunod wag kayo sa sidewalk ng kalsada magdrama at sa susunod wag ka ng sumigaw ng bitawan mo nga ako!" I tried to copy her voice.
"Kung ayaw mong may makialam sainyo malay ba ng mga tao dumadaan na kagaya ko na baka hinaharass ka na." I added.
She rolled her eyes.
"Ewan ko sayo RJ!"
"Bakit ako pa yata ang may nagawang mali ngayon."
"Di ba kinukulit mo ko dahil gusto mong uminom tara na! Ngayon ko gustong uminom." Anyaya ni Miu tapos nauna na itong maglakad.
Actually wala sa plano ko ngayon ang uminom pupunta lang sana ako sa grocery store para bumili ng mga pagkain bahala na nga.
"Bilis kumag ang bagal mo maglakad." Sigaw ni Miu.
"Oo na nandyan na!"

Napadpad kami sa 711 ang affordable na inuman namin ni Miu.
"Ba't ang dami naman yata ng beer ang kinuha mo."
"Para sa akin to kumag."
"Ano? Grabe mauubos mo yan?! Babae ka ba talaga?"
She smirked.
Tapos nakapwesto na kaming nakaupo sa 711 store sa labas.
Biglang tumunog ang cellphone ko.
Napalunok ako ng laway ng makitang si Miss Yara ang tumatawag.
"Kailangan ko lang sagutin to." Sabi ko kay Miu.
"Sino ba yan kumag? Tara na hayaan mo na yan!" Sabi ni Miu na atat na atat ng magpakalasing.
Sinagot ko tawag ni Miss Yara.
Kailangan niya ng bodyguard ngayon, haist! wrong timing naman.
"Miu maiwan muna kita."
"Ano?? May nangyari ba?" Tanong niya.
"May trabaho pa akong pupuntahan."
"Trabaho?? Natanggap ka na ba sa LiCorp?" Tanong niya ulit.
"Oo, kaso hindi nga lang sa opisina pero salamat na rin." Tumayo ako at nagmadali ng umalis.
"Sandali lang kumag!." Sigaw ni Miu.

Bakit ngayon pa talaga kailangan niya ng bodyguard. Nasayangan tuloy ako sa beer na pinamili ni Miu.
Sa kabilang kanto ako dadaanan ni Miss Yara. Nakakahiya ako pa yung susunduin.
A minutes later may pumaradang sasakyan sa harapan ko.

"Sakay na!" Utos ni Miss Yara.
"Ako na po ang magmamaneho."
"Nope, sumakay ka na." Sagot niya wala akong magawa kundi sundin utos niya.
"Matanong ko lang Miss Yara saan po tayo pupunta?"
"Basta samahan mo na lang ako."
Napatingin ako kay Miss Yara habang nagmamaneho ito infact ang cool nga niyang tignan kaso she looks upset.
"May dumi ba ako sa mukha?" Biglang tanong niya.
"Ha? Dumi?"
"Oo, dumi kasi kanina mo pa ako tinitignan."
Nilayo ko ang tingin sa kanya.
"Wala po."

Pinark ni Miss Yara yung saksakyan sa tapat ng isang wedding gown store.
"Actually magpapasama lang sana ako para magpasukat ng wedding gown."
"Ganun po ba Miss Yara."
She smile.
"Magtatanong lang ako ng opinion sayo okay lang ba?"
"Hindi ba makakarating ang fiance niyo Miss Yara?"
"Oo, mukhang busy siya sa office ngayon." Her smile fade away.
"Hello kayo po ba si Miss Yara Lim?" Tanong nung babae tapos nagnod lang si Miss Yara.
"Wow ang ganda niyo namang bride bagay kayo ng groom." Tapos tumingin yung babae sa akin.
"Actually hindi siya ang groom bodyguard ko siya." Sagot ni Miss Yara.
Halatang nahiya yung babae.
"Sorry po Miss Yara akala ko kasi siya yung groom anyway pumasok na po tayo sa loob para masukatan na po kayo."
Nagkaupo at naghihintay ako sa couch tapos ilang minuto yung lumipas lumabas na si Miss Yara.
Napalunok ako ng laway ng biglang tumabi ito ng umupo sa akin.
"Take a look at this ano sa tingin mo ang gustong style ng wedding gown ng mga lalaki?" Biglang tanong niya sa akin actually may binuklat siyang parang brochure ng mga iba't-ibang klase ng desenyo ng mga wedding gowns.
"Sa tingin mo bagay ba sa akin tong off shoulder?" Pangalawang tanong niya.
"Po? Sa tingin ko Miss Yara lahat ng yan babagay sayo." Ang totoo hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya at hindi ko rin alam ang mga gowns.
She chukles when she look at me.
"You look awkward." She said.
"Anyway nagbibiro lang ako ang totoo may napili na akong design ng gown."
"Ganun po ba Miss Yara." I smile awkwardly.
"Kailangan ko lang ng sukat mo kasi sa tingin ko kasing katawan kayo ng fiance ko." She smiled.
"Ho?"
"Sukatan niyo na siya." Utos ni Miss Yara doon sa babae.
"Yes po Miss Yara."
"Ano pang hinihintay mo? Sumama ka na sa kanila." Sabi ni Miss Yara.
Tumayo ako at sumama dun sa dalawang babae tapos pumasok kami sa room at sinukatan na niya ako tapos yung isa taga lista ng sukat.
"Akala ko talaga ikaw yung groom.". Sabi nung babaeng sa akin.
"Nagkakamali kayo."
"Alam mo, yan talaga ang mahirap sa arranged marriage ang babae ang napag-iiwanan sa ere." Sabi ng isang babae. Nasa loob kami ng isang room kaya hindi maririnig ni Miss Yara na pinag-uusapan na siya nung mga babae.
"Busy lang ang fiance niya." Sabi ko para tumigil na kakaintriga yung mga babae.
"Talaga lang ha? Busy? Kaya ang bodyguard na lang yung sinusukatan ng suot ng groom."
Nainis ako sa sobrang tsismosa nung babae.
"Hindi lang pagsusukat ng suotin ang ginagawa niyo pati ba ang buhay ng nga clients niyo pinakikialaman niyo rin? Gusto mo ba isumbong kita kay Miss Yara?"
Biglang natakot yung babae sa sinabi ko kaya nagmadaling matapos na sukatan ako.
"Pasensiya na kayo sir." Sabi nung isang babae.
Nang lumabas na ako ng room nakita ko na nakaupo pa rin sa couch si Miss Yara tapos ngumiti siya ng makita ako. Sumagi tuloy sa isipan ko yung mga sinabi nung mga babae bigla tuloy akong naawa kay Miss Yara.

Palabas na kami ng shop ni Miss Yara ng biglang may humarang sa amin na tatlong lalaki.
"Bata sumama ka muna sa amin." Sabing nung lalaking malaki ang katawan. Sa tingin ko ako ang pakay nila.
"Sino ba kayo?" Tanong ni Miss Yara.
"Miss huwag kang makialam dito may utang lang na kailangan bayaran ang boyfriend mo."
Napakunot ang noo ko. Hay naku! Hinaharass na naman ako ng loan shark na inutangan ko.
"Sinusundan niyo ba ako? Alam niyo ba na pwede ko kayong kasuhan?" Pagbabanta ko pero tumawa lang yung tatlong lalaki.
"Oo kanina pa kami nakasunod sayo at yun ang van namin." Tinuro niya yung itim na van sa di kalayuan.
"Nandoon din si boss kakausapin ka lang.". Hirit nung isang lalaki.
"Kaya bata sumama ka na sa amin mag-uusap lang kayo ni boss at kung hindi ka sasama mapipilitan kaming idamay ang girlfriend mo."
Napatingin ako kay Miss Yara wala akong choice kundi sumama sa kanila kahit alam ko na bugbog aabutin ko mamaya kaysa madamay pa si Miss Yara.
"Miss Yara mauna ka ng umalis." I calmly said to her para hindi siya mag-alala.
"Huwag kang sumama sa kanila." Sabi ni Miss Yara.
Kung hindi aalis si Miss Yara malamang madadamay siya.
"Miss Yara mga kaibigan ko sila di ba boys?" Pangungumbinse ko doon sa tatlong tukmol.
"Miss sinungaling yang boyfriend mo at mangungutang pa." Tumawa pa yung tatlong tukmol hindi na lang makisabay naku naman.
"Hindi ko siya boyfriend." Miss Yara glared at those three idiots.
"Magkano ba utang niya? Sa tingin ko mga loan shark kayo at alam ko rin na hinaharass niyo siya." Biglang sabi ni Miss Yara.
"Ano naman kung mga loan shark kami? Baka gusto mong tamaan Miss."
"Tinatakot mo ba ako?" Patuloy na sagot ni Miss Yara. Umiral na naman katigasan ng ulo niya.
"Miss Yara ako na ang bahala sa kanila umuwi na po kayo."
"Miss pumapatol ako ng babae."
Halatang umiinit na ang ulo ni Miss Yara.
"Boys huwag niyo na siya galitin pwede ba lalo lang hahaba." Bulyaw ko doon sa tatlong kumag.
Sa tingin ko kasi si Miss Yara ang klase
ng taong hinding-hindi magpapaapi lalo na kung alam niyang nasa tama siya kaso nga lang ako naman ang mapapahamak.
"Gusto ko makausap ang boss niyo." Utos ni Miss Yara.
"Miss ginagalit mo ba talaga kami?? Gusto mo talaga madamay."
"Okay ako na lang pupunta." Sabi ni Miss Yara tapos pumunta doon sa itim na van tapos bigla niyang binuksan yung pinto.
Nataranta ako di ko alam gagawin kaya pilit ko siyang pinipigilan pero matigas talaga ang ulo niya.
Nagulat yung mga tao na nakasakay ng van.
"Ikaw ba boss nila?" Tanong ni Miss Yara.

...........

Thank God nakauwi rin ng buhay.
Kinabahan ako sa ginawa ni Miss Yara kanina. Nakakatakot siya magalit.
"RJ nag grocery ka ba kanina?" Tanong ni Donny tapos binuksan niya yung refrigerator.
"Hay naku! RJ di ka naman yata nag grocery kanina ibalik mo pera ko. Hoy! RJ nakikinig ka ba?"
"Donny alam mo ba na wala na akong utang sa loan shark."
"Ano? Binenta mo ba kidney mo sira ka ba!"  Bulyaw niya.
"Hindi at hindi pa ako nasisiraan ng bait para gawin yun!"
"Wee?? Knowing you RJ tupak ka kaya. So? Sino nga nagbayad?" Usisa ni Donny.
"Binayaran ba naman ng boss ko yung 2million agad-agad."
Tumawa ng malakas si Donny di makapaniwala sa sinasabi ko.
"Huwag ka ngang magbibiro RJ! Sinong siraulong boss ang maglalabas ng ganung kalaking pera para lang bayaran ang utang ng iba."
Tumawa ulit ito ng malakas.
"Seryoso nga!" Sigaw ko.
"Tumahimik ka nga RJ itulog muna yan." Tapos pumasok na ng kwarto si Donny tapos lumabas ulit.
"Akin na muna yung pera sa pang grocery."
Minsan naiisip ko rin na ang sarap sakalin ni Donny.
"Ito na!" Tapos inabot ko yung pera.
"Good! Matulog ka na!" Tapos pumasok ulit ito sa kwarto niya.
Hindi ako makapaniwalang babayaran ni Miss Yara ang utang ko dahil lang sa sinamahan ko siya kanina. ?! Tama si Donny sinong tao ang magbabayad ng utang ng iba knowing na malaking halaga ang 2 million. Bakit niya kaya ginawa yun.
Masaya ako na wala na akong utang sa loan shark at lalong-lalo na masaya akong hindi na nila ako haharassin kaso nga lang. I messed my hair sa mga naiisip ko. I decided na magiging mabait at loyal na akong bodyguard kay Miss Yara makabawi man lang sa ginawa niya kanina.

One Night SurpriseWhere stories live. Discover now