15(RJ)

558 9 0
                                    

Ang pinakamasakit na makikita mo ay yung kinakasal ang taong mahal mo sa iba.
Durog na durog na ang puso ko ng sabihin mo na  I..do.

Binalak ko na pigilan ang kasal pero huli na ang lahat. Bakit pa kasi kailangan mangyari to? Naguguluhan ako. Kung malabangungot na panaginip lang ito sana naman magising na ako.
Sana akong nandyan sa tabi mo pero ngayon iba na ang katabi mo.
Bakit ba kasi hindi ko siya pinahalagahan noong una. Hindi sana aabot sa puntong nasasaktan ako ng sobra.

Nagkita kami ni DP at ipinaalam niya sa akin ang nangyari sa kanila ni LJ.
Yung araw na paalis ako at papuntang America ay sobra siya nasaktan kaya naglasing siya..
Bagay na pinagsisihan ko ng sobra.
Nandoon si LJ at ako wala sa tabi niya. Sabi ni DP sa sobrang kalasingan nilang dalawa ay nangyari ang hindi dapat na mangyari at ngayon nabuntis siya.
Masakit pakinggan at mahirap unawain. Ang galit na aking naramdam ay tila kinakain ang aking katinuan. Nasabihan ko siya ng hindi magandang pakinggan na ngayon labis ko ng pinagsisihan.
Hindi tama na idamay ko ang bata sa sinapupunan ni DP sa galit ko.
Hindi tama na pagsabihan ko siya na ipalaglag ito.
Ilang araw ang dumaan na pinag-isipan ko ng mabuti. Hindi ako nagpakita kay DP at sa mga taong may kinalaman sa kanya.

(Flashback)
"Pwede naman tayo magsimula ulit hindi ba?!" Ang mga mata ko ay nakatuon lang sa kanyang mga mata. Sa totoo lang desperado na ako. Ayaw ko na mawala siya sa akin.

Tumango si DP at nakikita ko na sang-ayon siya sa akin.
"Tayo at si baby."  Ang mata niya ay puno ng katuwaan. "Baby?" Salita na biglang nagpaalala sa akin ng sakit at galit. Napatingin ako sa tiyan ni DP.

"Not the baby." Nilamon na ako ng galit.

(End of flashback)
Kung maibabalik ko lang ang araw na yun. Kung maaga ko na pagtanto na gaano ka kahalaga sa akin sana ito ang isinagot ko. "Ako na ang magiging ama ng baby mo."
Pero huli na ang lahat. Nasaktan kita ng labis at nasaktan mo rin ako. Kaya ba pinili mo na ikasal na lang sa traydor na kaibigan ko?!

Sa araw ng kasal mo nandun ako pero hindi mo ako nakita mahal. Nasaksihan ng aking mga mata na ikaw mismo ang unang lumapit kay LJ para halikan ito sa labi.

Masaya ang mga tao pero hindi ako.
Nakita ko ang mga ngiti sa labi niyong dalawa habang humaharap kayo sa bisita. Totoo kayang masaya ka na? Sa piling niya? Bago pa kayo makalabas ng simbahan tuluyan na akong naglaho.

Bakit ngayon ko lang naisip to kung kailan huli na ang lahat na ikaw ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.
"My mistake is I was taking you for granted babe!"

Divine Prey Monte is my blue crayon, the one I never have enough of, the one I use to color my sky.
But now, she is married to someone I knew and he is my bastard bestfriend!

One Night SurpriseWhere stories live. Discover now