Nagkita kami ni Jeffer dahil may gusto raw siya sabihin sa akin.
Hindi ko alam kung bakit nagagalit si Jeffer nung biglang sumulpot sa harapan ko ang pinsan niya na si Justin.Nakakunot ang noo ni Jeffer habang nagsasalita ito. Naintimidate na nga akong magsalita.
Pagkatapos namin kumain ng lunch ay ihahatid na sana ako ni Jeffer sa LiCorp ng biglang nagbago ang isipan niya pagkatapos niyang tingnan ang phone niya. Ang alam ko may nagtext sa kanya.
Napangiti si Jeffer sa nabasa niya.
His mood change quick kanina nakakunot siya and now nakangiti? Sino naman kaya ang nagtext sa kanya.
"Yara I don't think mahahatid kita pabalik ng LiCorp magtaxi ka na lang."
"Mukha may lalakarin ka pa."
"Dito ka lang hahanapan kita ng taxi."
Hindi niya sinagot tanong ko sa kanya.
Nang mapasakay na ako ni Jeffer sa taxi ay umalis na rin ito.
"Maam saan po tayo?" Tanong nung driver sa akin.
Bakit tila masaya si Jeffer at nagmamadali pang puntahan ang taong nagtext sa kanya.
"Maam? Saan po tayo?" Ulit na tanong ng driver.
"Manong sundan niyo yung itim na kotse."
Out of curiosity ay sinundan ko si Jeffer.
Pinark ni Jeffer ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada at may babaeng sumakay dito.
Pinaandar ni Jeffer ang kotse niya.
"Maam susundan pa rin ba natin yung itim na kotse?" Tanong ng driver .
"Huwag mong ialis ang tingin sa itim na kotse sundan mo pa rin manong."
Sa kakasunod namin kina Jeffer napadpad kami sa hospital.
"Anong gagawin nila sa hospital."
Nakita ko na bumaba na sila Jeffer ng kotse at inaalalayan yung babae.
"Manong dito na lang ako." Bumaba na rin ako ng taxi.Nakita ko na pumasok na yung babae sa room. Hindi ko alam kung anong room yun dahil wala namang nakasabit sa labas. Dumaan yung isang nurse.
"Excuse me, anong room yung pinasukan nung babae? Wala kasing nakalagay."
"Yun po ba? Nasira po kasi yung sign hindi pa napapalitan. OB po yung pinasukan ng babae." Sagot nung nurse.
"OB? You mean buntis yung babae?"
Hindi na sinagot nung nurse ang tanong ko dahil nagmamadali na ito.
"Maam, mauna na ako." Sagot niya.Buntis yung babae at bakit si Jeffer ang sumama sa kanya? Ang ibig bang sabihin nito si Jeffer ang ama.
Nakita ko si Jeffer naghihintay sa labas ng room at nakaupo hinihintay niya yung babae.
Umalis na ako at baka malaman pa ni Jeffer na sinusundan ko siya.
Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko.
May girlfriend si Jeffer at buntis ito kaya ba nung umpisa ayaw niya tanggapin ang arrangement.Bakit hindi pinaalam ni Daddy sa akin na may girlfriend pala si Jeffer sana nung umpisa pa lang hindi ako pumayag sa arrangement at sana pinigilan ko ang sarili ko na maexcite kapag kasama siya.
"Yara? Why are you not eating your food." Napansin ni daddy na di ko pa nagagalaw pagkain ko.
"Sorry dad may iniisip lang ako."
"Pinapasakit ba ni Jeffer ulo mo?" Tanong ni mommy.
"Po? Hindi naman naging mabait naman siya sa akin these past few days na magkasama kami."
"Yara gusto ko kilalanin mo pa ng mabuti ang mapapangasawa mo." Dagdag ni daddy.
I don't know kung kaya kung ishare yung nakita ko kanina kina daddy at mommy about kay Jeffer. Gusto ko rin kasi marinig ang side niya kung nagkakamali lang ako sa nakita ko.Kinabukasan tinext ko si Jeffer na magkita kami pero hindi siya nagrereply sa akin. Kaya naman pinuntahan ko na lang siya sa office niya.
"Maam, bawal po kayong pumasok may bisita po si Sir Jeffer." Sabi nang secretary niya.
"Babae?"
Biglang nagsmirk yung secretary sa akin.
"Sa tingin mo sasabihin ko sayo?" Pabalang na sabi niya.
Sa inis ko biglang ko pinasok ang office ni Jeffer.
"Sabing bawal po." Sabi nang secretary.
Nakabukas na ang pinto at tumambad sa akin yung babaeng nakita ko kahapon na kasama ni Jeffer sa hospital nakaupo ito.
"Cristy di ba sinabi ko huwag ka muna magpapasok sa office ko." Nagulat si Jeffer sa pagpasok ko.
"Sir mapilit po kasi siya."
I glared to his secretary.
After what she said sa tingin ba niya di ako maiinis.
Hinihila ako ng secretary niya palabas.
"Hayaan mo siya Cristy makakalabas ka na."
His secretary nod at tumingin pa talaga ng masama sa akin.
"Yara bakit nandito ka?"
Seryoso ba siya? Hindi man lang niya ako inalok na umupo.
"Nagtext ako sayo."
"Nagtext ka? Hindi ko nabasa abala lang kasi ako." Rason ni Jeffer.
Tiningnan ko yung babae at nakatingin rin ito sa akin.
Kung magtatabi kami sa malamang siya unang mapapansin. Maganda, matangos ang ilong at napakaelegant niya.
"Hello, I'm DP." Pagpapakilala niya at ngumiti pa ito.
I can see Jeffer looking away from me.
"Maupo ka muna." Dagdag nung babae.
Sa tingin ko mukhang mabait naman siya.
Napatingin si DP kay Jeffer.
"DP kaibigan ko lang si Yara."
Napakadefensive naman yata ni Jeffer.
"Ganun ba siguro mauna na ako Jeffer at salamat na rin kahapon." Lumabas na ito.
"Sino siya?" Unang tanong ko kay Jeffer.
"Kaibigan ko."
"Kaibigan?"
Gusto ko sanang sabihin na sinundan ko siya kahapon kaso naunahan ako ng kaba.
"Seriously do you want me to explain?"
"Yes I want you to explain about her. Sino ba talaga siya? Is she your girlfriend?"
Jeffer facepalm.
"I don't need to explain myself to you!" Halatang naiinis na siya sa akin.
"Sorry Jeffer sa arrangement na ito! I don't want to ruined your life at masira kayo nung babae mo." Gusto ko ng magwalkout when Jeffer grabs my hand.
"Yara what the hell are you talking about after I sacrifice all for this bullshit arrangement. Gusto mo kumalas? Go on! I dont need you! I don't need a partner whose not trusting me a hundred percent."
Biglang tumulo ang luha ko.
His anger soften ng makita akong umiiyak then suddenly he hug me.
"Yara its your choice to kill me in your hands."
What is Jeffer talking about? I'm confused. Did he means he needs me more than I do. Why?
YOU ARE READING
One Night Surprise
RandomThe story is all about Divine Prey Monte in short DP when she got frustrated when her boyfriend Russel John Castel(RJ) forgot there anniversary and the birthday of DP its a double celebration at hindi sinipot ni RJ ang inihandang date ng dalaga. She...