I was at the office of Jeffer pero wala siya sabi ng secretary niya na si Cristy.
Actually naging close ko na rin ang secretary niya. May ikinikwento pa nga sa akin si Cristy about sa isang babae na parati na lang raw pumupunta sa office ni Jeffer pero hindi ko na lang tinanong kung sino ito dahil gusto ko manggaling na mismo kay Jeffer yung sagot. Ayaw ko rin naman tawagan si Jeffer sa phone niya kasi nga alam ko di rin niya naman ako sasagutin. I don't know why he keeps avoiding me.
May photoshoot raw si Jeffer na ginagawa sa isang magazine.
I can't wait to see him because I miss him so much sana ganun din nararamdaman ni Jeffer sa akin.
Dahil close kami ni Cristy ang secretary ni Jeffer kaya binigay niya sa akin ang exact venue kung saan ang photoshoot ni Jeffer.
Nagtaxi lang ako dahil ang pagkakaalam ko ibeninta nila mommy yung kotse ko dahil inakala nilang magtatagal ako sa NY.
Sa isang resort ginanap yung photoshoot agad ko tinanong sa frontdesk kung saan banda yung may photoshoot. Nasa poolside daw kaya agad ko itong pinuntahan tapos napansin ko rin yung madaming lights sa paligid. Nakita ko si Jeffer na may kausap na babae tapos sinusulat nung babae yung sinasagot ni Jeffer sa mga tanong niya.
Siguro tapos na yung photoshoot niya at interview na lang ang ginagawa.
Nasa gilid lang ako nakatingin kay Jeffer pero hindi niya ako nakita.
Pagkatapos nung interview ni Jeffer may lumapit na isang babae kay Jeffer tapos pinupunasan niya yung mga pawis ni Jeffer.
Hindi naman ako nagselos kasi feeling ko P.A lang yun at trabaho niya talagang alagaan si Jeffer pero nabigla ako nung inaayos nung girl yung collar ni Jeffer.
Nakangiti si Jeffer sa ginawa nung babae. Biglang nag-iba ang tingin ko dun sa babae.
"Okay, pack up na!" Sigaw nung lalaki.
Hanggang sa nabaling ang atensyon ni Jeffer sa akin. Nagtapat ang aming mga mata.
His smiles fade away. Why? Is he not excited to see me? Why you can't show me your perfect smile Jeffer.
Hindi niya ako nilapitan at nakatingin lang siya sa akin.
"What's wrong? May problema ba?" Tanong nung girl na kasama niya.
"May pupuntahan pa ako mauna na kayo sa restaurant ako na ang sagot sa pagkain make sure pakainin mo ng masasarap yung staff." Tapos inabot ni Jeffer yung credit card niya sa babae.
Biglang naglakad si Jeffer palayo hindi na niya hinintay pa yung sagot nung babae tapos sinundan ko si Jeffer hanggang sa napadpad kami sa parking lot.
"What are you doing here Miu?"
"Are you not happy to see me?" I answer him with a question.
Alam ko sa sarili ko na miss na rin ako ni Jeffer.
"Miu wala na tayo kaya wag ka ng magpakita sa akin pwede ba."
"May iba ba? Tell me?"
"What? Miu hindi lang talaga tayo para sa isa't-isa."
I hug him tight then he push me gently.
"Mahal mo ba siya?"
I look him in his eyes alam ko sa sarili ko kahit papaano may puwang pa rin ako sa puso ni Jeffer.
"Miu please don't make me a terrible liar."
"Do you still love me?"
I know his heart and mind is fighting kung anong isasagot niya sa akin. If he said "no" na hindi niya ako mahal alam ko nagsisinungaling lang siya.
"Yes, I still love you! Masaya ka na?!"
"Then what's the problem? Bakit mo ba ako iniiwasan?" I cupped his face.
"Miu we are not meant for each other." Tapos tinanggal niya ang mga kamay ko sa mukha niya.
"Ano bang pinagsasabi mo? Are you still mad at me because of my decision na ipagpatuloy ko yung ballet at manirahan sa NY?"
Hindi siya umimik parang ang lalim ng iniisip niya pero bakit di niya masabi sa akin.
"Miu, masasaktan lang kita."
"What? Sa ginagawa mong pag-iwas sa akin sa tingin mo hindi ako nasasaktan?"
"Miu I'm engaged with someone else."
"Nagbibiro ka di ba?"
"I want you to be happy Miu."
"But Jeffer you are my happiness."
Biglang dumating yung babaeng kasama ni Jeffer.
"Yara?" Parang nabigla rin si Jeffer sa pagsulpot nung babae napatingin kaming dalawa ni Jeffer sa kanya.
"Pinauna ko na yung mga staff akala ko kasi may problema ka kaya sinundan kita, sorry kung nakadisturbo ako sa inyo maiwan ko na kayo." I know she can feel the tension kaya nagmamadali siya tumalikod sa amin ni Jeffer.
"Yara wait!" Pinigilan ni Jeffer yung babae.
"Miu she is Yara may fiance."
"Jeffer bakit mo ba sinasabi yan?" Sabi ni Yara at halatang nabigla rin siya sa pagpapakilala ni Jeffer sa kanya.
Tapos lumapit si Jeffer kay Yara habang ako nakatingin lang sa kanila.
"Miu nakita mo na ang babaeng pakakasalan ko pwede ba huwag ka ng umasang magkakabalikan tayo."
"You mean ex girlfriend mo siya?"
"Oo ex girlfriend ko si Miu."
Para akong tangang nakatayo sa harapan nilang dalawa umiiyak at hindi makapaniwala.
"Jeffer hindi totoo yang sinasabi mo nagsisinungaling ka lang hindi ba?!"
"Miu tama na please! Yara tara na!"
Tapos umalis na silang dalawa sa harapan ko.
Totoo ba ito? Nanaginip lang ba ako ng masama? Parang sasabog na yung puso ko sa sobrang sakit.
Kahit anong pilit kung maniwala pero ayaw tanggapin ng puso ko.
He still love me pero bakit niya ginagawa sa akin ito ang saktan ako.
Kahit kailan hindi pa ako umiyak sa isang lalaki ngayon pa lang kay Jeffer.
Inaamin ko marami akong mga lalaking ginago noon pero kung ito yung karma ko sa panggagago ko sa kanila malamang di ko matatanggap ito.
Ang sakit pala sa pakiramdam na inawanan ka sa ere ng taong mahal mo."Miu? Saan ka ba galing kanina?"
"Miu?"
"Huh?"
"Saan ka pumunta kanina?" Tanong ni DP nasa condo niya ako nakikisiksik katulad ng ginagawa ni LJ. Ayaw ko rin kasing umuwi sa amin.
"Oo nga Miu saan ka ba nagpunta? Para yatang namamaga yang mata mo umiyak ka ba?" Tanong ni LJ.
"May kukunin sana ako sa bahay kaso dumating si daddy kaya nagtago ako tapos umalis na lang." Pagpapalusot ko.
"DP pwede bang dito muna ako mamalagi."
"Oo naman mabuti nga may kasama ako dito sa condo." Nakangiting sagot ni DP.
"Sa couch ka matulog Miu." Sabat ni LJ.
"Ikaw ang sa couch matulog tabi kami ni Miu sa kwarto."
"Ano? Pati dito sa couch pa rin ako? Prey ako ang asawa mo hindi si Miu." Reklamo ni LJ.
"Huwag muna siyang pansinin Miu basta tayo ang magtatabi."
"Okay."
Tapos pumunta si DP sa kitchen.
LJ glared at me.
"Miu basta huwag mong aagawin sa akin mag-ina ko." He pout like a child.
"Pag-iisipan ko." I teased him.
"Ano?"
"Relax sayo na si DP basta alagaan mo siyang mabuti." I smiled.
Ayaw ko na masira ang mood ni DP at LJ kapag nalaman nilang broken hearted ako. Gusto ko munang isekreto sa kanila yung nangyari kanina. Kahit masakit gusto ko maging masaya kapag kasama ko sila.
YOU ARE READING
One Night Surprise
De TodoThe story is all about Divine Prey Monte in short DP when she got frustrated when her boyfriend Russel John Castel(RJ) forgot there anniversary and the birthday of DP its a double celebration at hindi sinipot ni RJ ang inihandang date ng dalaga. She...