11(LJ)

608 12 2
                                    

Tumungo ako sa condo ni Prey para formal na humingi ng sorry sa kanya.
Marahil isang kamalian yung pinagsaluhan naming sandali nung gabi ng birthday niya. Siguro galit na galit yun sa akin dahil sa kanina pa ako nagdodoorbell sa pintuan ng condo niya pero hindi niya ako pinagbubuksan.
I try to call her phone pero naka-off ang phone nito.

Actually nitong mga nakaraang araw ay hindi ako masyadong nakakatulog sumasagi pa rin sa isipan ko ang mga nangyari sa amin ni Prey. Sa totoo lang nahihiya akong makita si tito Conrad at baka malaman niyang may nangyari sa amin ni Prey hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon niya. Baka nga mapatay pa ako nito.

Lumipas ang isang buwan at wala pa rin akong balita kay Prey. Hindi muna ako pumupunta kina tito Conrad.
Pinuntahan ko ang Cafe de Monte para ipagtanong kung kumusta na ang may-ari nito na si Prey at inakala ko na makikita ko si Prey doon pero tanging ang manager at mga staff lang ang nandoon dahil hindi na raw parating pumupunta si Prey sa Cafe dahil busy raw ito.

Paalis na sana ako ng Cafe ng marinig ko ang dalawang staff ng Cafe na nag-uusap.

"Bakit kaya hindi tinanggap ni boss yung proposal ni sir RJ?" Takang tanong nung isang staff.

"Oo nga noh! May problema kaya silang dalawa?" Sagot nung isa.

Tumigil lang sa pag-uusap ang dalawa ng mapansin na nakatingin ako sa kanila.

Tama ba ang narinig ko nagproposal si RJ kay Prey at hindi tinanggap iyon ni Prey. Hindi pa kaya niya napapatawad si RJ sa pag-iwan nito sa kanya marahil yun ang rason.

Lumipas pa ang ilan pang mga araw nang wala akong balita kay Prey at kay tito Conrad. Hindi rin kami nagkikita ni RJ all I know ay nakabalik na ito.

Isang umaga pinapunta ako ng daddy ko sa company nila dahil may mahalaga raw kaming pag-uusapan.
It's all about the company kaya?

Pagkapasok ko sa office ni dad nakita ko si tito Conrad nandoon rin.
Ngumiti ako pagkakita kay tito Conrad pero hindi siya ngumiti sa akin. Biglang kinabahan ako alam na kaya niya ang nangyari sa amin ni Prey?

"Maupo ka John." Sabi ni dad.
"Ano po ang pag-uusapan natin dad?" Hindi na ako nagpaligoyligoy pa dahil ramdam ko na ang tensyon sa aming dalawa ni tito Conrad parang anytime susuntukin ako nito kung wala lang si daddy.

"Kailangan mong pumunta kina tito Conrad mo." Sabi ni dad.

Papupuntahin ba ako ni daddy doon para formal na humingi ng tawad kay Prey mukhang alam na nga nila ang nangyari.

"Pupunta ako doon dad para saan?" Nagmaangmaangan ako baka naman sabihin nila kung anong rason.

"Kailangan niyong mag-usap ni Prey. Sige na sumama ka na kay tito Conrad mo at pumunta na sa bahay nila."

"Conrad pasensiya ka na sa nangyari." Dagdag ni dad na humarap kay tito Conrad.

Hindi nga ako nagkakamali alam na nila na may nangyari sa amin ni Prey.

"Kailangan lang talaga itama ni Lou John ang pagkakamali na'to!" Sagot ni tito Conrad na seryoso kung makatingin sa akin.

"Oo alam ko pare." Pagsang-ayon ni daddy.

Isa lang ang sasakyan na sinakyan namin papunta sa bahay ni tito Conrad yun ang dala niyang sasakyan.

Halos walang nagsasalita sa aming dalawa nakikita ko rin na paminsan-minsan ay lumilingon si tito Conrad sa akin.

"Tito Conrad I'm sorry sa nangyari sa amin ni Prey lasing lang talaga kaming dalawa nun." Sabi ko inunahan ko na siyang magsalita.

Biglang inihinto ni tito Conrad ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"LJ don't be sorry! I need you now to be more responsible! Nangyari na kaya, hindi na natin yun maibabalik pa!" He look into my eyes and managed to control his anger.

Si Tito Conrad na siguro ang masasabi ko na makikinig ka talaga kung ano man ang sasabihin nito.

Hanggang sa umabot na kami sa ancestral house nila tito Conrad.

"Nasa garden si Prey puntahan mo na siya doon." Sabi ni tito Conrad.

Agad na akong tumungo sa garden.
Nakita ko si Prey na nakaupo sa lumang fountain kaya agad ko siyang nilapitan.

Nang makita niya ako ay agad siya tumayo at kita ko sa mukha niya ang galit niya sa akin. Hindi pa man ako nakasalita ay sinampal na niya ako.
Pero wala siyang sinabi kundi sampal lang ang inabot ko sa kanya.

"Prey, I'm sorry alam mo naman na lasing ako at lasing ka rin kaya hindi natin alam ang nagawa natin."

Napatingin ako sa mga mata ni Prey pero pinilit ni Prey na huwag akong tingnan.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Prey sa akin.

"I'm pregnant LJ and you are the father."

"You are pregnant."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Prey. Pregnant? Nabuntis ko siya.

"You heard it clear I'm pregnant!"

Nakatingin lang ako kay Prey at inuunawa ang mga nangyayari.

"Ano? Tutunganga ka na lang dyan! Wala ka bang sasabihin?!"

Totoo ba itong naririnig ko?! Nabuntis ko si Prey?! Sa isang one night stand lang nagbunga agad yun! Alam ko sa sarili ko kung hindi ko pananagutan si Prey malamang itatakwil ako ni daddy or worse mapapatay ako ni tito Conrad.
Paano na ang mga naggagandahang babae kung magiging daddy na ako! Hindi!!!! Panaginip lang ba ito? Lord gisingin mo ako! 

"Fine, I will decide what to do. Pupunta ako ng America para makalayo sa eskandalo na ito at sana sa pagbalik ko sa pilipinas huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin!"

Make up your mind Lou John! Wake up! I snapped the thought.

"Sa tingin mo ba papayagan ka ni Tito Conrad o ni Daddy? Manganganak ka mag-isa at magiging single mom?"

"If that is the only solution bakit hindi. Bakit may binabalak ka bang iba?"

"Sa mata ni Daddy at sa mata ni Tito Conrad kailangan ko itama ito. Prey I need to marry you."

"Sira ka ba! As if we are inlove to each other para magpakasal."

"It's a contract marriage okay?
Kung hindi kita pakakasalan tiyak akong itatakwil ako ni daddy at mawawalan ng mana or worse mapapatay ako ng daddy mo."

"You spoiled brat! I don't need you to be part of my life!"

"Okay fine! I will tell your dad na nagdecide ka na, na ikaw na lang mag-isa ang magpapalaki sa baby siguro naman tatanggapin niya ang rason na yun."

She gave me death stare.

"Aalis na ako. Goodluck sa pagpapalaki sa baby!" I smile dahil sa parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Finally she shoulder the problem.

"You asshole! Let's get married!"

My smile fades away.

"Lets make our lives miserable!"
She glared at me.

One Night SurpriseWhere stories live. Discover now