Bidang Girl

1.5K 22 8
                                    

CHAPTER 1

Ayesha Florencio

"Hays! Thank you Lord! Finally I'm back! Tssupp...tssupp..!" *flying kiss*
Sambit ni Ayesha ng nasa labas na siya ng NAIA airport.

Kulang na lang halikan ko ang kalsada sa sobrang tuwa ko at nakabalik na ako dito sa pilipinas.

Oo at hindi.

Hehe.

Oo kasi galing ako ng ibang bansa, pero hindi kasi hindi ako nag-bakasyon or whatsoever doon kundi isa akong OFW and I'm proud of it.

"5 years." Sambit ko ulit with matching pahid sa invisible tears ko.

Natigil lang ang pagmumuni-muni ko ng may kumalabit sa akin. Napalingon ako at napangiti.

"Hoy! Mukha kang baliw dyan. Kulang na lang maglumpasay ka dyan sa sahig. Pinagtitinginan ka na ng mga tao o!" Sita sa akin ni Myrna habang abala din ito sa bitbit nitong bagahe.

Si Myrna ay kasamahan ko sa trabaho sa Taiwan bilang factory worker. Siya lang yung naging matalik kong kaibigan doon kasi yung ibang pinoy doon ay masasama ang ugali. Well, hindi naman sa nilalahat ko pero talagang may mga attitude lang talaga. Konting improve mo lang sa work sisiraan ka na.

Pero iba si Myrna. Talagang starting day one sila na talaga ang magkasanggang dikit. Kaya thankful talaga ako kasi may mga ganoon pang tao sa mundo. Kahit na medyo opposite sila. Ako kasi positive and masayahin. While Myrna is like a loner type and nega sometimes. Kaya balance lang yung friendship nila.

BACK TO PRESENT...

"Grabe ka na man Myrns. I'm so happy lang kasi finally we're here na again. Smile naman dyan!" Pang li-lift up ko sa kanya. Sabay kiliti dito.

"Ewan ko sa'yo." Sabi niya na napapangiti na din.

"May susundo ba sa'yo? Saka may tutuluyan ka na ba? Nandito na kasi sila mama nagtext na. Kung wala kang sundo ihahatid ka na lang namin kung saan ka magse-stay." Offer niya.

Naks! Sweet talaga ng friend ko.

"Merong susundo sa kin. Si Ren-ren kaya lang hindi pa siya nagre-reply wait ko na lang siya. Saka nakakahiya naman kina mama mo. Mag-bonding muna kayo." Sabi ko sa kanya, although tempting yung offer niya kasi makaka-libre ako.

Hihi.

Doon ako very good. Sa libre.

Hahaha...

Joke lang.

"O siya, Sige. Text-text na lang." Paalam niya ng dumating na yung sundo niya. Pinakilala niya muna ako sa mama niya at bunsong kapatid bago umalis na sila.

"Ingat po!" Paalam ko sa mga ito.

SAMANTALA...

Nag-try ako ulit tawagan si Ren-ren. Ang bestfriend ko.

"The number you have dialed is not in service."

"Eh? Ba't ganun?" Sambit ko. Nag-try ako ulit. Ganun pa din.

"Hanu ba yan Ren! Uugatan na ko dito. Shemay naman. Sagot naman oh." Sambit ko habang hinihintay na may sumagot. Pero ganun pa din.

Si Ren-ren ang bestfriend ko. Since childhood days namin sa ampunan.

Oo, ako'y ulila na at wala akong kaalam-alam tungkol sa mga magulang ko.

Lumaki kami ni Ren-ren ng may malaking pangarap sa buhay.

AKO...

Makapagtapos ng pag-aaral para yumaman pero hindi ko natupad kasi wala akong pantustos eventhough nag-working student ako noon pero talagang di ko na kaya. Kaya nagtrabaho na lang siya sa mga factory.

Samantalang si Ren ang gusto lang nun ay makapag-asawa ng mayaman para makaahon sa hirap.

Pagkatapos kasi naming mag-high school nagpaalam na kami sa bahay ampunan na magbubukod kami ng tirahan. Pinayagan naman kami ng namamahala doon kasi nasa tamang edad naman na kami at kabawasan na din sa gastusin sa doon.

Ayun nag sariling sikap kami ni Ren-Ren. Nagtrabaho ako habang nag-aaral samantalang si Ren-ren nagtrabaho lang. Tamad na daw siyang mag-aral katwiran nito lagi.

Hanggang sa yun nga hindi ko na din kinaya ang gastusin sa pag-aaral kaya 2years lang ako sa course na BS in Information Technology.

Pagkatapos nun nag-work ako sa factory at makalipas ng ilang buwan sumubok na akong mag-abroad. At pinalad naman ako tuwang-tuwa ako noon ganun din si Ren-ren. Nangako ako sa kanya na papadalhan ko siya ng pera pag nandun na ko at magtatayo kami ng negosyo.

Lumipas ang 5 taon at nakapag-ipon ako at pinadala ko sa kanya para makapagsimula na kami ng negosyo namin. Ang "Fashion Boutique".

Mahilig kami ni Ren sa fashion at may tiwala naman ako sa kanya na mapa-palago niya ang negosyo namin.

Ina-update niya naman ako lagi at nagpo-post pa siya sa facebook ng mga tinitinda niya.

Ang sabi pa niya two-storey building daw yung nabili niyang space kasi boutique daw sa baba and apartment daw nila sa taas.

Oh, diba bongga! Iba talaga ang friend ko no?
Wala na kong masabi.

Sa ngayon, sobrang excited na ako na makita lahat ng na-ipundar ko. Kahit na konti na lang ang na-iuwi kong pera, okey lang kasi may negosyo naman na kami.

Happy lang ano?!

Kulang na lang lovelife.

Achehe...

Pero wala pa yan ngayon sa isip ko.

26 pa lang ako at pagpapa-yaman muna ako bago magpakabaliw sa pag-ibig. Hindi naman ako man hater o sa babae din ang gusto ko (alam niyo na..😜), pero hindi pa kasi yun ang priority ko sa ngayon.

Wala din akong pakialam kung NBSB ako na laging tukso sa akin ng mga 'so called' friends ko.

Ako, si Ayesha Florencio

a.k.a Sha-sha,

26 years old,

NBSB,

Proud to be an OFW

at ang motto ko ay

"Expect the Unexpected."

Oh ano!?

Walang konek no?

Pero meron...meron...meron..!!!!

hihihi...

--------------------------------------------------------

INTRO pa lang guyss sa bida nating girl.

So medyo boring? Pasensya na po first time ko to.
So bear with me. Try ninyo mag comments and suggestions. I'm willing to read your criticisms.

Chos! pis....:)

P.S

Guys! Support niyo po ang isa ko pang novel.

"Love so Sweet" ang title.

Thanks!

:)

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon