Hello sa mga silent readers nito!
Sana magparamdam din kayo pag my time. Hahaha. Thanks!
Keep Reading!
###########################
Chapter 45Greg's POV
"Sir, letter po para sa inyo." Bungad sa akin ng secretary ko at napatingin ako sa kanya. Hindi ko na namalayan na pumasok na pala siya. Natutulala na kasi ako sa dami ng iniisip ko.
"Just put it there and don't let anyone disturb me." Malamig na sabi ko at senenyasan na siyang umalis. Tininingnan ko yung sulat at alam ko na kung ano ang nilalaman nun. Napabuntong hininga ako bago ko inabot ang papel.
It's Ayesha's resignation letter.
Ganoon ba talaga niya ako kaayaw makita? Na pati resignation niya pinadala niya na lang imbes na siya ang mag abot nito sa akin. Hindi ko mapigilang tumawa ng pagak at umiling.
Nanghihina akong binuksan ang sobre at binasa ang nakasaad doon at ng matapos ko ng basahin iyon hindi ko muna pinirmahan at kinalma ko muna ang sarili ko saka napasandal ako sa upuan.
Ang sakit sa dibdib sobra at hanggang ngayon ay hindi ko pa din matanggap lahat. Kahit anong pilit ko na intindihin ang mga rason niya ay ayaw ng utak kong tanggapin yun. Mahal namin ang isa't isa pero mas pinili pa din niya ang naging desisyon nito na makipag hiwalay sa akin.
Napatingala na ako at nagbabadya na ang mga luha kong papatak. Ayoko ng umiyak.
Isang linggo matapos ng huli naming pag uusap ay wala na akong ginawa kundi maglasing at tahimik na umiyak sa gabi, hindi ko akalain na magiging ganito ako dahil lang sa isang babae, siguro karma ko na ito sa dami ng pinaiyak at pinaasang babae ko noon.
Tang ina yan! Minsan na nga lang ako makaramdam ng pagmamahal tapos ganito lang ang magiging resulta?
Kaya sa sobrang gusto ko ng mawala na siya sa sistema ko, I decided to go clubbing one time, para makalimutan ko muna ang sakit na nadarama ko, kasi sa tuwing nag iisa ako mas lalo ko lang siyang naiisip.
Noong nasa bar na ako, I tried to flirt with some women and they're willing to accompany me at alam nilang ako si Brandon Gregory Chandlier, one of the richest bachelor in town. Well, who can resist me?
Si Ayesha lang. Sabi ng isip ko.
Fuck! Yes! Siya lang at wala ng iba! At hindi lang niya ako ni-reject in a normal way kundi halos ipagtulakan niya na ako para mawala na sa buhay niya!'
So that time, I once like to go back to my old self again, being a womanizer. Pero lahat ng mga balak ko sanang gawin sa mga babaeng yun ay hindi ko na magawa. Siya pa din kasi ang naiisip ko habang nakikipag make out ako sa kanila.
Isang beses pa, nasampal ako ng pangalan ni Ayesha ang nabanggit ko habang nakikipaghalikan ako sa isang babae.
Kaya simula noon tinigil ko na ang pagpunta sa club. Useless lang ang ginagawa ko at hindi ko pa din siya kayang kalimutan.
I just ended up to my usual ritual everynight, to get drunk so hard, hanggang sa mamanhid na ang buong katawan at utak ko para makatulog ng hindi siya ang iniisip ko.
Naputol lang ang pagmumuni muni ko at napatingin sa pinto ng opisina ko ng may biglang pumasok. Kumunot ang noo ko ng makilala ito.
"Honey, bakit ayaw akong papasukin ng secretary mo ha?" She pause. She intently look at me.
"And what happened to you? Bakit ganyan na ang hitsura mo? Wala ka na bang time para mag-shave? At yung mga mata mo! Gosh! You need a make-over and you should come with me, I'll bring you to a spa so you can relax." Maarteng sabi ni Lori sa akin.
Napabuga na lang ako ng hangin at ayaw ko na ng ganitong eksena.
In short, ayoko ng makita si Lori sawang sawa na ako sa mga ginagawa niya na parang feeling niya pa din na may relasyon pa kami.
Problemado na ako sa ngayon at wala akong oras para sa mga taong katulad niya at lalo lang nadadagdagan ang sakit ng ulo ko.
"Lori, I instructed my secretary na walang sinuman na pwedeng um-istorbo sa akin ngayon. I have a lots of work to do. So you better get the hell out of here now." Seryosong balik ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya at namewang pa. Nakita kong napatingin siya sa papel sa mesa ko. Particularly sa resignation letter ni Ayesha.
"Oh really? And what's that? Resignation letter? Kanino? Kay Ayesha ba yan? Well it's about time na umalis na siya dito. After all ng ginawa niya sayo, dapat noong una pa lang niya yan ginawa. Pero alam kong makapal talaga ang mukha ng babaeng yun at talagang nag-stay pa siya dito." She said. Napahawak na ako sa sentido ko.
Shit! Hindi ko maiwasang alalahanin yung mga nangyari dati na ayoko na sanang balikan pero pinipilit pa ring sabihin ni Lori ngayon.
Fuck! I don't want to hear this anymore! I'm so sick of it!
"Just shut the fuck up and leave Lori. I don't have time for your bullshits." Sabi ko sa kanya. Nagtitimpi na talaga ako.
"What? Pinapaalis mo na naman ako?! What's wrong with you?! Talagang nagpa baliw ka na ba talaga kay Ayesha ha! Sige ituloy mo pa yan!" She pause. Naglakad na siya papunta ng pinto pero bago yun may sinabi pa siya.
"Humanda ka Greg. May araw din kayo." She said before going out.
I didn't mind it at all. Mas madami akong importanteng iniisip kaysa intindihin pa ang sinabi niya.
Napabaling na ako sa resignation letter, kinuha ko na ang ballpen ko at mabigat ang kamay kong pinirmahan iyon saka ko pahagis na nilapag yun sa mesa ko. Napasandal ulit ako sa swivel chair ko kasi nanghihina ako.
Naiisip ko kasi, once I sign that paper, that means only that I will never get to see her again and it hurts so damn much!
Nang ilang sandali pa naputol ang pagdaramdam ko ng tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ang pangalan sa screen. I didn't expect this call from him, pero sinagot ko na din at baka importante.
"What do you want Aki?" Malamig ko sagot sa tawag niya.
"Magkita tayo ngayon. May sasabihin ako sayo." At sinabi na nito kung saan pagkatapos binaba na ang phone.
Bakit? What does he want to say to me?
Nag isip pa ako saglit pero sa huli tumayo na ako at umalis ng office ko.
Ren's POV
"Darling, I need you now. Walang wala na akong pera, please. Greg push me away, at ayaw niya na akong bigyan. Can you come over? May sasabihin din ako sayo. I need you to help me." Nagsusumamong sabi ko sa kausap ko sa telepono.
I'm talking to Julio, my lover.
Hinintay ko ang sagot niya at napangiti na ako. He's coming over.
Dali dali na akong naligo at nag robe lang. Wala akong isang saplot sa loob. I want to have sex with him bago kami mag usap. I miss him so much, ilang linggo na kaming hindi nagkikita.
Ilang oras pa at narinig ko na ang doorbell. I know it's him, kaya agad ko ng binuksan iyon at ng makapasok na siya I immediately strip my robe and clung to him and we ended up to bed.
"Darling, I want you to help me into something." Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin. We're now at my bed. Katatapos lang namin mag sex, he's now sniffing his cigarette.
Tinitigan ko muna siya at sinimulan ko ng sabihin sa kanya ang gusto kong mangyari.
##########################
:-)
Keep Reading!
BINABASA MO ANG
My Enemy's Boyfriend
General FictionPaano kung ang taong mahal mo ay may mahal ng iba? Saklap no? Pero wala ng kasing saklap kung yung taong mahal niya ay kaaway mo pa! Mag-bigti ka na! Joke lang😜 Tungkol ito sa isang babae na ang gusto lang sa buhay ay mahalin ng taong mahal niya..