Sa mga hindi ma gets yung ibang scene sa ibang chapters. Pwede niyo pong balikan na. Nae-edit ko na po yung mga errors na yun.Hihihi.
Sorry. Isang chapter lang update ko yesterday. Busy ako kahapon e.Malapit ko na masilayan ang pinas.Hahaha.
Ganbate Kudasai!
Keep Reading!
Thanks!
#########################
Chapter 20Ayesha's POV
Para na akong baliw sa pagkaka-upo sa table ko. Sabay hawak sa pisngi ko.
Ayi! Ang sarap ng feeling!
Nakakangisay!
Hahaha.
Pagkatapos ng ginawa ni Greg, tinanong ko siya kung bakit niya ako hinalikan. Eto ang sagot niya.
"I just want to, kanina pa, but I hold it, pero ngayon hindi ko na talaga mapigilan. Saka thank you in advance na din kasi ipagluluto mo ako next time."
Ayun oh! Gusto niya daw! Hahaha!
Oh ayan na. Siguro convince ka na, na totoong may gusto sayo si Greg. Sabi ni Left brain.
Hehehe. Slight pa lang brain. Syempre konting push pa ng effort in his side. Maniniwala na ako. Sagot ko dito.
Oo, aaminin ko, medyo naniniwala na ako. Pero parang imposible kasi. Sigurado akong ang daming babae na mas maganda, sexy, at higit sa lahat mas mayaman na katulad nito na nakakalamang sa akin.
Pero bakit ako?
Naalala ko tuloy ang sinabi niya kahapon.
"Bakit pinapangunahan mo ang nararamdam ko? Eh ako ang nakakaramdam nito."
Ah! Ewan! Sa ngayon gusto ko ang mga pinapakita niya sa akin. Yung mga paglalambing niya. So, e-enjoy ko na muna 'to.
Hehehe.
Naputol ang pag mumuni-muni ko ng tumunog ang intercom.
Bigla akong nataranta.
Shit! Alam kong si boss 'to. Siya lang naman tumatawag sa linya na to eh.
Eh ano naman? Araw-araw naman tumatawag yan sayo ba't ka ganyan? Sita ni Left brain.
Oo nga, Pero iba na ngayon. Hehehe. May malisya na. Hahaha.
Landi lang. Sagot nito.
"Yes, Sir?" Sagot ko sa phone.
"Yesha." Sabi niya. Parang nagbabanta.
Ay! Oo nga pala. Yung demand niya. Sorry naman.
"Sorry, ano yun G-Greg." Sabi ko.
Putek! Kailangan nauutal?
"Good. Well anyway, I called you to remind about Mr. Lin's arrival. Mag-aalas tres na, so be ready. Ihanda mo na yung mga proposals and the conference room for the location. Okay?" He said.
Ay! Oo nga pala! Nawala na sa isip ko yung meeting!
Shemay! Bongga ang epekto ng kiss ni Greg. Nakakawala sa sarili.
"Ah. Okay, I'll do it." Sagot ko na lang.
"Thanks, Yesha." Malumanay na sabi nito binaba na ang phone.
Hayyy. Kakakilig!
Hahaha.
Oy! Umayos ka na! Saway ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
My Enemy's Boyfriend
General FictionPaano kung ang taong mahal mo ay may mahal ng iba? Saklap no? Pero wala ng kasing saklap kung yung taong mahal niya ay kaaway mo pa! Mag-bigti ka na! Joke lang😜 Tungkol ito sa isang babae na ang gusto lang sa buhay ay mahalin ng taong mahal niya..