The Lies

291 9 0
                                    

Keep Reading

Godbless.

########################
Chapter 29

Ayesha's POV

Dalawang araw ng hindi pumapasok si Greg simula ng nangyari ang eksenang yun.

Kahit galit ako sa kanya pero gusto ko pa din marinig ang side niya. Kung bakit niya nagawa sa akin yun at kung alam na ba nito na magkakilala kami ni Ren sa simula pa lang.

Oo, inamin ko na din kay Myrna na mahal ko pa din siya kahit na ganoon ang nangyari. Ayaw na nga niya akong payagan na magtrabaho na dito pero hindi ako pumayag.

Una, kailangan ko ng pera para mabuhay kasi ayaw ko na umasa kina Myrna habang buhay saka gusto ko ngang makita si Greg at kausapin ito.

As usual nagalit ito. Kesyo tanga daw ako at minamahal ko pa din si Greg kahit na niloko ako nito.

Tama siguro siya.

Tanga ako, kasi hindi ko siya makayang hindi mahalin.

Ang tanga ko ulit kasi miss na miss ko na siya.

Kaya hanggang ngayon hinihintay ko pa din siya pero dalawang araw na itong wala. Tinanong ko si Aki. Hindi niya din daw alam. Pumunta kasi ito sa condo ni Greg pero wala daw yung lalaki doon.

Ganoon pa din naman ang pakikitungo ko kay Aki. Sinabi ko din sa kanya na may tampo ako sa kanya sa ginawa niyang paglilihim sa akin at ang sabi niya naiintindihan niya daw ako.

Sa ngayon focus na muna ako sa trabaho ko at napakadami na ng cancel appointments si Greg at ako lahat ang gumagawa ng excuses para dito.

Nasaan na ba kasi siya? Magkasama ba sila ni Ren ngayon?

Sa isiping yun gusto ko ng umiyak.

Greg's POV

It's been two days since I last saw her.

Hindi pa ko handang harapin si Ayesha. Pagkatapos ng lahat ng nalaman ko ay hindi ko na alam kung kaya ko pa siyang harapin.

Naputol ang pag-iisip ko ng mag-ring ang phone ko.

'Honey' calling.

I took a deep breath first before I answered the phone.

"What do you want Lori?" Malamig na tanong ko.

"Honey I miss you na. When are you coming back? Kahapon pa ako pumupunta sa condo mo but your not there. Where are you anyway?" Tanong nito.

Yeah, wala ako sa condo ko. Wala ring nakakaalam kung nasaan ako.

Nandito ako ngayon, somewhere na malayo sa mga taong ayoko munang makita.

"None of your business. Saka hindi pa ba malinaw sa'yo? Ayoko na Lori. I said this two days ago and I'm saying it again. I'm breaking up with you. I don't love you anymore. So it's useless to pursue me. Because my decision is final." Sabi ko sa kanya at bawat salita ko doon ay mariin.

"No, you're not! Why are you being like this huh, Greg? It's about Ayesha again? I told you already about her! So move on, and come back to me!" Sigaw nito.

Natahimik ako. Wala na akong masagot kasi wala na talaga.

"Just stay away, Lori." I finally said then I ended up the call. In-off ko na din ang phone ko.

Sumakit bigla ang ulo ko ng maalala ko na naman ang nangyari two days ago.

FLASHBACK TWO DAYS AGO..

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon