Waiting In Vain

607 12 1
                                    

Chapter 2

Ayesha's POV

Ayoko sa manloloko,

Magnanakaw,

Sinungaling,

Pakialamera o Pakialamero,

Mayabang,

Bintangero o Bintangera,

pero ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung,

PINTOR!!!!

Yung magaling mag-DRAWING?!

PAASA!

Dapat sa mga taong ganoon kinakalbo!

Badtrip!

Tsk!

Anak ng tupa naman talaga oh!

Nandito pa din ako sa airport. 6:30 na ng gabi.
Ala singko ng hapon kami kanina dumating at mahigit isang oras na akong nag-aantay dito sa labas. Isang oras na din akong pinipindot ang cellphone ko na paulit-ulit lang din naman ang sagot.

"The number you have dialed.."

"Putek, hindi ikaw ang gusto kong makausap!" Sigaw ko sa pobreng operator sabay tapat ng cellphone sa bunganga ko, mixed emotions na ang napi-feel ko.

Alam kong pinagtitinginan na din ako ng mga tao sa paligid. Nakaupo kasi ako sa maleta ko habang pindot pa din ng pindot sa cellphone ko, gusto ko sanang umupo sa may gutter doon sa gilid kaya lang baka masita ako at alanganin pa ang suot ko, naka dress kasi ako na above the knee.

Oh diba?!

Hehehe.

Baka mamaya mabosohan pa ko.

Shet. Gutom na ko.

Inhale...

Exhale...

Nasaan na ba kasi ang babaeng yun at bigla-bigla naman na hindi makontak! Mamamatay na ang baterya ng cellphone ko!

Pak-shet naman oh. May nangyari kayang masama dun?

Oy, oy, wala naman sana.

Be positive...

Be positive...

Pero hindi ko na talaga kaya. Kaya napag-desisyunan ko ng mag-hotel na lang muna tutal may pera pa naman ako.

Yung huling na sahod ko kasi pinadala ko na sa kanya at para ma-convert na peso para may pang gastos na ako agad pagdating ko.

Tiningnan ko na ang wallet ko.

1...2...3...4...5....1/2....

Hihi..

In short 5,500 pesos pa ang pera ko. Pwede na muna ito pansamandali.

Pumara na ko ng taxi at nagpahatid sa malapit na hotel.

THE HOTEL...

7:20pm

Charge phone...

Ligo...

Bihis...

Check ng pagkain na dala...

Kain...

Check ng cellphone...

Oy! May nagtext!

0__0 Click!

Myrna:

Oi asan ka na? Nasundo ka ba? D2 na ko haus as usual dami tao. Tsk..Tsk. Ang ingay nila, puro 'pasalubong ko asan?' eh!

Natawa ako sa messenge niya. Si Myrna talaga.

Reply ko siya..

Type. Type...

Me:

Busangot kna nmn! Buti ka nga may warm welcome ka jan. Saka normal na tlg sa mga ganyan. Smile ka lng.hihi. b pocitiv ok?
Me? ala sumundo sa kin. Hotel muna ako.

SEND...

Myrna:

y? Saka auko mgpaka plastic noh. Bhala cla sa buhay nila. Dto nko bed ko auko muna mkipagbonding sa kanila.

Me:

Di siya nasagot e. I'm worried n nga. Pro try ko tom pmnta dun s add n bngay nya skin. Cge phinga kna. Ako din ttulog n. Nyt. Txt2 nlng. Hihi.

SEND...

Bukas pupuntahan ko na lang yung address na ibinigay sa kin ni Ren at baka nandoon lang ang babaeng yun. Naiinis na ako sa kanya, promise!

Pero sa isang banda hindi ko pa din maiwasan na mag-alala sa kanya.

Ano kaya ang nangyari sa kanya?

Naalala ko pa yung huling mensahe niya sa akin sa facebook, isang linggo na ang nakakaraan.

"Bff.. See u soon. Ito ung add nung store natin...

#23 achuchu etc..

miss u! :((("

Bakit kaya may sad face ano? May problema kaya siya?

Tsk...Tsk..Tsk..

Bawal ang negative thinking!

Erase! Erase!

Humilata na ko sa kama.

"I will find the answer's tomorrow." I said before getting into sleep.

MORNING...

Nagising ako sa alarm ko ng mga alas otso ng umaga.

"Fantastic baby ng Bigbang"

(*sino mga VIP jan?* hihihi)

Bumangon na ako at naghanda. Hindi na ako kumain at excited na talaga ako makita ang bestfriend ko at ang bago naming bahay at negosyo!

Naligo na lang ako at gumayak na. Pumara kaagad ako ng taxi pagkalabas ko ng hotel.

"Kuya dito nga po sa address na to. Salamat." Sabay pakita ko kay kuya yung address. Tumango lang si kuya at pinaandar na yung taxi. Habang nasa biyahe ay sinusubukan ko pa din kontakin si Ren pero bigo pa din ako.

"Hays! Ano ba ang nangyari sa babaeng yun?" Nasambit ko ng hindi ko talaga siya makontak.

Nang mga ilang sandali pa.

"Miss, nandito na." Sabi nung taxi driver.

Napatingin ako sa kanya at tinanong kung magkano tapos inabot ko na yung pera at lumabas na. Umalis kaagad yung taxi pagkababa ko.

Nang.......

Napalingon ako sa kaliwa at kanan.

Ano to?

Nasaan ako?

Ba't puro lupa lang nakikita ko?

Sa totoo lang mga kababayan puro bakanteng lote lang ang nakikita ko.

Shet! Dito ba talaga? O, nadugas ako ni manong taxi driver?

Shet!

Litong lito na ako. Napatingin ulit ako sa paligid.

Anong gagawin ko?

Feeling lost..?__?

#########################

-___-

Medyo slow ba ang story? Gusto ko kasi detailed e. Excited na ba kayo makilala ang bidang guy?Lol. Patience. Malapit na siya...

Please comments and suggestions.
xie xie ni...:)

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon