Haha! Sorry ang daming errors ng chapter 45. I'll try to fix it later!
Peace! :)
Keep Reading!
###########################
Chapter 47Ayesha's POV
Nagising ako ng may tumapik sa akin. Mabibigat ang mga talukap kong dumilat at masakit pa ang mga mata ko sa kaiiyak.
Hindi ko na din maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ko pa ginagawa yun, ang umiyak tuwing gabi at alam kong nagsasayang lang ako ng luha at lakas kasi hindi na talaga maibabalik ang mga nangyari na. Kaya kailangan ko na talagang simulan ang paglimot sa mga iyon at lalong lalo na sa kanya. Kasi kapag hindi ko pa yun ginawa alam kong mababaliw lang ako at mawawalan ng direksyon sa buhay at ayaw kong mangyari yun. Walang silbi ang sakripisyo ko kung yun lang ang mangyayari sa akin.
Kaya simula ngayon babangon ako na handa ng harapin ang mga bagay at pangyayari na magaganap pa sa akin.
Dumilat na ako at napabangon na ng tuluyan. Napatingin ako sa taong nakangiti sa harap ko. Sinuklian ko yung mga ngiti niya.
"Happy Birthday Ayesha! Bangon ka na at mag ayos na. May inihanda kaming sorpresa sayo." Nakangiting sabi ni Myrna sa akin.
Napaluha ako sa saya. Pumikit muna ako at umusal ng maikling pasasalamat sa Diyos para sa araw na ito, nagdasal din ako para sa mga magulang kong hindi ko na nakilala, na kung nasaan man sila ngayon sana masaya na sila. Pagkatapos nun binalingan ko na si Myrna.
"Maraming salamat Myrna. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa lahat ng kabutihang ginawa mo sa akin. Isa ka sa dahilan kung bakit may lakas pa ako sa araw araw. Sana walang magbago sa atin at sana habang buhay na itong pagkakaibigan natin." Madamdaming sabi ko sa kanya. Nakita ko siyang napaiyak na din. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako, yumakap na din ako sa kanya.
"Ano ba yan Sha, para namang nagla-last will of testament ka na. Syempre joke lang yun pero puwera biro. Ako din, pinapanalangin ko din na sana tumagal pa forever ang friendship natin at sana maging maligaya na tayo, lalo na ikaw." Sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim.
Oo, magiging maligaya na ako basta nandito sila. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti.
"Sige na bihis ka na. Nga pala ayun oh. Gift ko sa'yo, yan yung isusuot mo kasi special ang birthday mo ngayon." Sabi niya sabay nguso sa damit na naka hanger sa labas ng aparador namin.
Napatingin ako doon. Ang ganda ng damit. Dress iyon na hanggang tuhod, kulay yellow na medyo hapit sa taas at nagbo-bloom sa baba. Floral ang design nun. Napansin ko din sa sahig na may kulay itim na doll shoes, siguro ka-partner nung dress. Lalo akong napaluha na napatingin kay Myrna.
"Oy tama na yan. Hindi ka pa ba nagsasawa ha? Tingnan mo yang mukha mo. Namamaga na talaga oh. Sya sige na mag ayos ka na dyan. Hihintayin ka namin sa labas. Bilisan mo ha. Nagugutom na ako eh." Sabi niya at humakbang na papuntang pinto pero bago siya makalabas tinawag ko pa siya.
"Myrna salamat ulit." Sabi ko.Ngumiti siya sa akin.
"Your welcome. Sana pagkatapos nito maging masaya ka na Ayesha." Makahulugang sabi niya at umalis na.
Kumilos na ako at naligo na.Pagkatapos nun nagbihis na ako at sinuot ko na ang damit na bigay ni Myrna. Kasyang kasya lang sa akin. Humarap na ako sa salamin at nag ayos na. Hinayaan ko lang na nakalugay yung buhok ko at yung mga mata ko tinadtad ko na lang ng concealer para hindi halata ang pangingitim nun.
At ng sa wakas ay makontento na ako sa ayos ko lumabas na ako at dumiretso na sa bakuran nila Myrna at doon nakita ko na sila. Nagulat pa ako at nandoon ang hindi ko inaasahang iimbitahan ni Myrna.
BINABASA MO ANG
My Enemy's Boyfriend
General FictionPaano kung ang taong mahal mo ay may mahal ng iba? Saklap no? Pero wala ng kasing saklap kung yung taong mahal niya ay kaaway mo pa! Mag-bigti ka na! Joke lang😜 Tungkol ito sa isang babae na ang gusto lang sa buhay ay mahalin ng taong mahal niya..