Realization

304 10 0
                                    

Keep Reading Guys!

Thanks!

#########################
Chapter 22

Ayesha's POV

Pagdating namin sa beach resort agad kong inasikaso ang mga empleyado. Binigay ko na sa kanila ang kani-kanilang susi ng mga cottage.

By department ang grupo ng mga ito. Inarkila namin ng isang araw ang buong resort ngayon, kaya bukas ng hapon ang balik namin sa maynila.

Pagod na ako ng matapos ko ang gawain. Mabuti na lang at nandyan si Myrna.

Sila Aki at Greg naman busy na din sa pakikipaghalubilo sa mga managers ng iba't ibang department. Nagulat ako ng kalabitin ako ni Myrna.

"Oy, tapos ka na? Punta na tayo sa cottage natin at nakakapagod na eh. Magpahinga muna tayo bago maglibot at maligo sa dagat." Sabi niya.

Tumango ako at binitbit ko na ang bag ko. Pero bago kami umalis doon sa may reception area sinulyapan ko muna si Greg. Nakatingin din siya sa akin. Nakangiti.

Sinuklian ko din ang ngiti niya at umalis na kami ni Myrna.

"Akala mo hindi ko yun nakita? Naku! Saka yung bulungan ninyo sa kotse? Ayesha, umayos ka ha. Hindi mo pa kilala yang boss mo. Sa gwapo niyan baka may girlfriend na yan." Sabi ni Myrna sa akin.

Napatingin ako sa kanya at napaisip.

Oo nga pala. Hindi ko alam kung may girlfriend nga ba siya o wala. Saka ano bang ginagawa namin?

M.U ba kami? Hindi naman siya nanliligaw. Puro siya salita. Pa-utos pa, ako naman bigay na bigay lang din.

Tsk!

Nalilito na ako. Masyado yatang mabilis ang nangyayari sa amin. Anong gagawin ko? Tatanungin ko ba siya?

Pero baka magalit siya at ang masaklap umaasa ako sa wala. Napatingin ako kay Myrna. Hindi ko na namalayan na nasa cottage na kami.

"Natahimik ka na dyan. Napapaisip ka ba sa sinabi ko?" Bumuntong hininga siya.
"Basta nandito lang ako, kung naguguluhan ka pwede mong sabihin sa akin." Sabi niya.

Hindi pa din ako makapag-salita. Pumasok na kami at nilapag ang mga gamit namin. Two bed ang set up doon. Tig isa kami ni Myrna. Humiga na ako. Nakita ko siyang pinagmamasdan ako.

"Gusto ko siya, Myrns. O baka nga mahal ko na siya. Masyado bang mabilis?" Tanong ko kay Myrna. Mukhang hindi na ito nagulat sa sinabi ko.

"Sa pagmamahal Sha, walang mabagal, walang mabilis, basta mo na lang mararamdaman yan. Sa kaso mo nalulunod ka pa sa atensyon na binibigay niya sayo na hindi mo na iniisip kung anong mangyayari sa susunod. Kaya ang masasabi ko lang sayo ngayon huwag ka munang bumigay agad. Kilalanin mo pa siya ng mabuti." Sabi ni Myrna.

Tama ito.

Masyado akong nagfocus lang sa mga pinapakita ni Greg at ako naman sunod lang ng sunod. Kaya ngayon ko lang naiisip yung mga posibilidad na yun. Basta na lang akong napadaloy sa agos.

"Anong gagawin ko Myrns?" Tanong ko kay Myrna.

"Kilalanin mo muna siya. Saka mo itanong kung anong meron kayo. Kung anong nararamdaman niya para sayo. Huwag mo munang ipahalata na mahal mo na siya. Kung hindi ka pa sigurado sa nararamdaman niya para sayo." Sabi niya.

Tumango ako. Tama ulit ito. Kikilalanin ko muna siya.

Sa sobrang pagod nakatulog kami. Mga alas tres na kami nagising at lumabas na papuntang dining area. Alam kong may mga buffet doon and since arkilado namin ang buong resort libre lahat.

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon