Maling Akala

537 12 0
                                    

A/N:

(Anyare?? Feeling lost na si bidang girl. Let's see if what will happen to her next..;))

#########################

Chapter 3

Ayesha's POV

Lumingon ako sa kanan at kaliwa ulit.

0__0

Ayun! May bahay!

Shemay!

Ang layo nga lang pero wala akong choice kundi sumugod doon.

In fairness ang laki ha saka napansin ko lang may mga bahay din palang iba na medyo natatanaw ko at ngayon ko lang napansin kasi nag-panic na ako kanina. Wa pakels na ko sa paligid. Hahaha!

Mukhang subdivision ng mayayaman at ang lalaki ng mga bahay pero magkakalayo ang mga ito kaya todo lakad na ako.

Habang naglalakad ako at bitbit ang mga bag ko sa gitna ng mainit ng sikat ng araw nag-dial ako sa cellphone ko.

Calling Ren....

The number you have dialed...

Shet!

Ganun pa din. Hindi ko na maiwasang mag-isip ng masama. Niloloko ba ako ng bestfriend ko? Kaya hindi niya sinasagot ang mga tawag ko?

Pero bakit?

Ano ba yan! Litong lito na ko!

Niloko ba ako ng bestfriend ko o nung taxi driver lang talaga?!

Shemay! Hindi na ako makapag isip ng ayos dahil sa gutom at uhaw.

Ikaw ba naman maglakad sa init at wala pang laman ang tiyan. Yung hiram kong kulay malamang agad na babalik sa pinagagawa ko ngayon.

On the other thought...

Iisipin ko pa ba yon?

Tsk..tsk..

Ngayong hindi ko na alam kung nasaan na ako?

Pero nang sa wakas at makarating na ako sa pinakamalapit na bahay doon nag-doorbell na ako at habang hinihintay ko na may lumabas ay sumusubok pa din ako na kontakin si Ren.

Walang sukuan!!!

Pero wala talaga eh.

Nabigla ako ng bumukas ang gate.

"Sino sila?" Sabi ng maid na medyo nakasimangot.

"Ako si Sha-sha. Naligaw kasi ako. Magtatanong lang po sana ako kung alam niyo po ang address na to?" Sabay pakita ko sa papel na may address ng bahay ko.

"Eto na po yun, ate. Tingnan niyo yung number sa gilid ng gate. Number twenty- three yun." Kumpirma ni ateng maid.

Napatingin ako sa gilid ng gate.

Oh? Number twenty-three nga!

O_O

Nanlaki ang mata ko nung may na realize ako!

Parehong address..

Parehong may bahay..

Malaking bahay sa totoo lang.

Hihihi..(evil smile sa loob loob ko)

Kitam!

Niloko at niligaw ako nung taxi driver!

Sira- ulo yun ah! Grr!

Napatingin ulit ako sa bahay. Ang laki talaga at ang ganda. As in!

Back to ateng maid ang face ko.

"Ahm,nandyan ba yung ma'am-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may umepal sa likod nung maid.

"Day, sino yan? Ba't ang tagal mo pumasok? Kanina pa ko tawag ng tawag sayo ah!" Sabi nung epal. Este nung babae.

Napatingin ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Eye to eye ba. Tapos biglang kumunot ang noo ko.

Ang laki naman yata ng itinanda ni Ren. Ba't ganito na itsura niya? O, nagpa- plastic surgery ba siya kaya ganito na ang hitsura niya?

Ang nasa harap ko kasi ngayon ay isang babaeng na nasa edad kwarenta na yata pero maganda at mahusay magdala ng damit base sa suot niyang  floral dress ngayon.

Teka? Si Ren nga ba to? Limang taon lang akong nawala ang laki na ng pinagbago niya naman yata? Natupad na kaya yung panagarap nita na makapag asawa ng mayaman kaya ganito siya ngayon? Tsk! Ano ba talaga, men!

Naputol ang aking pag muni-muni ng magsalita ulit ang babae at take note, sa mataray na tono.

"What do you need, miss? Magso-solicit ka ba? Bawal yan dito sa village namin. Umalis ka na." Sabi ni epal/supladita.

Teka? Ako? Magsosolicit?

Haha..(sarcastic laugh)

Nasa mukha ko ba? Ha? Ha?

Shit.

Sino ba kasi to?

Gusto ko na siyang patulan, pero kailangan ng isang kilo pa ng pasensya at ako ang may kailangang malaman na impormasyon, at syempre matanda siya sa akin kaya, RESPETO ang kailangan.

"Hindi po ako ganoon Mrs. May hinahanap lang po ako at nandito po siya sa address niyo-" Hindi na ulit ako natapos sa sasabihin ko ng bigla niya na lang akong sinabunutan.

"Ouch! Shit! Ang buhok ko!" Sigaw ko.

"Leche ka! Kapal ng mukha mo magpakita sa akin at dito pa sa pamamahay ko! KABET ka!" Sigaw niya sa akin.

Whaaat? Kabet?! Ako?!

Hindi na ko nakapag-react sa sobrang gulat ko at siya ay patuloy pa din ang paghila sa buhok ko.

Ang buhok ko! Oh no?!

O*O

Kaka-parebond ko pa lang niyan!

########################

A/N:

Hahaha kawawa naman ang ating bidang girl. Sino kaya yung babaeng yun at anong konek niya sa buhay ni Ayesha?? Find out sa mga susunod pang chapters!!!

Comments and suggestions pls. sankkyou!!!!

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon