Trauma

297 9 0
                                    

Godbless

:)

Keep Reading!

###########################
Chapter 42

Ayesha's POV

Ah! I'm so confused! Ano ba talaga ang nangyari ha?! Hindi naman ako nalasing para wala akong matandaan. Ang huli ko lang na naalala ay nakatulog ako sa couch ni Greg pero bakit nasa kama niya na ako kanina? At katabi ko pa siya?!

Ahmm..siguro te kasi,
A.binuhat ka niya?
B. hinila? or
C. hinagis.
Ppili ka lang te, libre lang. Sabi ni Left brain.

Gusto ko yung A. Hihihi.

Ay! Ano ba yan! Huwag ka nga munang magulo dyan at windang pa ako!

Nandito na ako sa bus at pauwi na. Wala akong pasok ngayon kaya pagkababa ko galing 30th floor kanina dumiretso na ako ng locker ko sa baba at mabilis na nagbihis. Mabuti na lang walang tao doon at nasa trabaho na ang iba.

Naisip ko na naman ang nangyari kanina. First time ko yun. Na matulog na may katabing lalaki.

At si Greg pa!

Ano ba yan! Nakakahiya pa kasi inakala kong unan ko siya tapos niyakap yakap ko pa! Huhu.

Aru! Gustong gusto mo naman! Sabi ni Left brain.

Oo putek! Impokrita ako kapag sinabi kong hindi! Badtrip!

Nakarating na ako sa bahay nila Myrna. Pagpasok ko pa lang nakita ko na siya sa may salas at nagkakape. Napalingon siya sa akin at nanlaki ang mata niya.

"Hoy, babae! Bakit hindi ka umuwi kagabi?! Talaga bang ganoon mo kamahal ang sira ulong lalaking yun ha?" Sita niya sa akin. Senenyasan ko siya na tumahimik at inaya sa kwarto. Nahihiya kasi ako na marinig ni Tita Ann yun.

"Ayaw mo akong sagutin kasi guilty ka? Anong nangyari sayo ha? Text ako ng text sa'yo pero hindi ka nagre-reply. Sa sobra kong pag-alala ay napatawag ako kay Aki kahit ayoko siyang makausap at sinabi niya, kasama mo nga daw yung baliw mong ex! Oy Ayesha! Kailan ka ba titigil ha? Saan yung move on na sinasabi mo?" Sabi sa akin ni Myrna. Naguluhan ako.

Bakit alam ni Aki na kasama ko si Greg? Nagkita ba ang mga ito kagabi?

Ano na ba yan?! Wala akong kaalam-alam!

"Myrna, sorry naman. Hindi ko na nabasa ang mga text mo. Nakatulog kasi ako, hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nagising na lang ako kanina na nasa kwarto na ako ni Greg." Sabi ko at napayuko pagkatapos.

"Ano?! Bakit ka nandoon ha? At huwag mong sabihin na may nangyari na sa inyo? Ano ba yan Ayesha! Nagpaka-tanga ka na naman, alam-" Hindi na natuloy nito ang sinasabi kasi tinakpan ko na ang bibig niya.

"Myrna! Ano ka ba! Walang nangyari! Natulog lang kami. Umalis kaagad ako doon kanina pag gising ko saka inutusan niya akong turuan yung bago niyang sekretarya kaya nandoon ako. Kaya huwag kang assumera dyan!" Sabi ko sa kanya. Pinalis niya yung kamay ko at hinarap niya ako.

"Bakit parang nanghihinayang ka pa ha? Gusto mo din yun noh?" Sabi niya pa. Nginusuan ko siya at pinandilatan.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan Myrns ha? Nakakainis ka na. Kung ano ano na lang lumalabas sa bibig mo!" Sabi ko.

Bravo! Mamatay na ang mga sinungaling! Sabi ni Left brain.

Oo na! Eto na nga nakabulagta na ako oh! Shemay! Malandi na kung malandi pero gusto ko din yung nangyari kanina! Syempre sa isip ko lang yun.

Tiningnan niya ako na parang nagdududa sa sinasabi ko.

"Myrns, maniwala ka na oh. Walang nangyari at hindi ko expected na ganoon yung kalalabasan nun. Sobrang pagod lang ako at sumasakit ang ulo ko kaya nakatulog ako sa couch niya at wala akong matandaan kung bakit nasa kwarto niya na ako kanina." Paliwanag ko ulit. Huminga ito ng malalim.

"Okay, pero umayos ka na Ayesha. Tandaan mo yung mga sinabi mo sa amin ni Aki. Two months Sha, at aalis ka na doon. Sana huwag mo ng hayaang guluhin niya pa ang mga plano mo. Kasi kapag hinayaan mo siya, ikaw din naman ang mahihirapan sa huli. Sana maisip mo yun." Parangal niya sa akin.

Napatungo ako. Tama si Myrna. Dapat hindi na ako magpapa-apekto kay Greg. Kailangan ko na talaga siyang iwasan bago pa ako bumigay ulit. I took a deep breath and held my head up. Tumango ako at ngumiti kay Myrna. Tinapik niya lang ako sa balikat.

"Sige na, magpahinga ka na. Lumabas ka na lang mamaya pag kakain na." Sabi nito bago lumabas ng kwarto. Naiwan pa din ako doon na nag-iisip.

NEXT MORNING...

Ayesha's POV

Balik trabaho na ako ngayon. Hindi pa din ako makapag-isip ng maayos. Late na nga akong natulog kagabi sa kakaisip ng kung ano talaga ang nangyari. Buti ginising ako ni Myrna kaninang umaga at hindi nag-alarm ang cellphone ko. Hindi ko din mahanap iyon.

Nadukutan ba ako? Pero parang hindi naman. Walang damage yung bag ko at kompleto pa naman ang mga gamit ko. Pero nasaan na yung cellphone ko?

Nagtutulak ako ng cart ko ngayon. Nandito na ako sa may third floor para maglinis ng CR. Inuna ko muna yung sa pambabaeng CR. Nang ilang oras pa natapos ko na yun at pumunta na sa panlalaking CR. Pumasok na ako at nagsimula ng maglinis.

Nasa isang cubicle na ako at nagkukuskos na, ng may narinig akong pumasok.

Hala? Sino yun? At hindi ko ba ni-lock yung pinto?

Shemay naman oh! Sa sobrang dami ng iniisip ko nakalimutan ko ng gawin yun.

Okay, hihintayin ko na lang siyang matapos tapos ilo-lock ko na yung pinto agad. Bibilisan ko na lang din ang ginagawa ko para makalabas na agad ako dito. Kausap ko sa sarili.

Naririnig ko yung lakad niya at nanlaki ang mata ko ng palapit siya sa akin!

Ano ba yan! Ang dami namang available na cubicle dito. Ba't dito pa siya lumalapit?

Nagulat ako ng bigla niyang binuksan ang pinto kung nasaan ako, napalingon ako sa kanya at kumunot ang noo ko saka nanlaki din ang mga mata ko ng hindi ko siya makilala.

Sino ba tong lalaking to?! At bakit parang ako talaga ang sadya niya?

Napasigaw ako ng bigla niya akong tinulak. Napaupo ako at napasandal sa toilet bowl. Sabay tinukod niya ang mga braso niya sa gilid ko. Now, I'm being trapped.

"Ah! Ano ba?! Umalis ka nga! At sino ka ba ha?!" Sigaw ko sa kanya.

Shit! Ngumisi lang ito ng parang demonyo. Doon na ako natakot. Lalo na ng hinawakan niya na ako sa mga braso ko at nilapit niya na ang mukha niya sa akin at sinimulan na niya akong halikan.

"Ahhhh! Ano ba?! Bitiwan mo ko! Tulong!!!" Sigaw ko sabay iwas sa mga halik niya.

Umiiyak na din ako at nanginginig na sa takot. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Lalo na ng pinunit niya na ang damit ko. Napaiyak ako lalo habang nagpupumiglas sa kanya pero wala akong magawa at malakas siya sa akin.

"Ah! Maawa ka please! Tama na!" Sigaw ko ulit. Pero parang bingi ito. Nawawalan na ako ng pag-asa at lakas para lumaban.

"What the fuck is this huh?! Sino ka?! At bitiwan mo si Ayesha!" Sigaw ng isang boses na nagpabalik sa akin ng pag-asa.

Nakita kong hinatak niya ang lalaki palayo sa akin at sinuntok niya ito ng paulit-ulit hanggang sa puro dugo na yung nasa mukha ng lalaki.

"Tama na, please." Naiiyak na sabi ko. Nanginginig na din ang boses ko pati ang buong katawan ko. Doon lang siya tumigil at tumingin sa akin. Ilang sandali pa, nakita ko siyang lumapit sa akin at niyakap niya na ako. Lalo akong napaluha sa ginawa niya.

##########################

Sino kaya yun?

Keep Reading guys!

:-)

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon