Faithful friends are the medicine in life.
Keep Reading.
#########################
Chapter 33Ayesha's POV
Napatingala ako sa langit. Makulimlim iyon ngayon, katulad din ng nadarama ko. Parang nakikisabay at nakiki-simpatya din ito sa akin.
Napangiti ako ng mapait. Ayaw ko man alalahanin ang mga nangyari sa akin kanina ay hindi ko magawa. Parang pirated CD lang na paulit-ulit na nagpe- playback sa isip ko.
Yumuko na ako. Ayoko na din sanang umiyak.
Tama na.
Naputol ang pagsesenti ko ng tumunog ang cellphone ko. May text galing kay Myrna. Agad kong binuksan iyon.
Myrna:
Oy sha, OT ka? Anong oras ka uuwi? Ingat!
Sabi niya sa text.
Ayun! Hindi ko na napigilan yung luha kong naglandas na sa pisngi ko. Hindi yun luha dahil sa lungkot kundi luha yun dahil sa galak at saya.
Sina Myrna.
Sila dapat ang naiisip ko. Hindi yung mga taong walang kwenta at nanakit sa akin.
Nag-reply na ako sabay punas ng mga luha ko.
Me:
Pauwi na ako Myrns. Wait mo ko sa labas ng bahay niyo. Ite-text kita kapag malapit na ako.
Send.
Myrna:
Okay..:)
Reply niya kaagad.
Napangiti na ako at umayos na ng upo. Nandito ako ngayon sa sakayan ng bus pauwi at hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakaupo dito.
Four? Five Hours? Hindi ako sigurado basta matagal. Hindi ko na nga din namalayan na marami na palang dumaang bus na pinalampas ko. Sa sobrang dami kasi ng iniisip ko wala na akong pakialam sa paligid.
Tumingin ako sa relo ko. Kaya pala nagtext na si Myrna kasi late na talaga.
Nakita kong may paparating ng bus at agad na akong sumakay. Sa dulo ako pumwesto. Kasi yung mukha ko namamaga.
Hehehe. Alam na kung bakit.
Nang nasa bus na ako napag-desisyunan kong sasabihin ko na din kay Myrna ang lahat. Hindi ko kasi maatim na maglihim sa kanya at saka gusto kong may maka-usap ngayon para mabawasan ang mga hinanakit ko.
Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko ang kantang pinapatugtog sa bus.
"At kung sino pa, ang siyang marunong magmahal, ay siyang madalas maiwan ng di alam ang dahilan...
Sayang lang ang pagmamahal, na inalay ko sayo. Bakit ikaw ngayon ay biglang nagbago."
Ah! Lintek! Nananadya ba talaga to? Bakit ganito naman ang kanta? Patamang patama talaga sa akin!
Pinigilan ko ng umiyak.
Putek! Tama na oy! Mauubusan ka na ng tubig sa katawan! Sigaw ko sa sarili.
Huminga na lang ako ng malalim. Mabuti na lang patapos na yung kanta. Ayokong ngumawa dito sa bus at nakakahiya!
Sa wakas dumating na ako sa bahay nila Myrna. Nakita ko kaagad siya sa labas ng gate nila at sa gulat ko ay hindi siya nag-iisa!
BINABASA MO ANG
My Enemy's Boyfriend
General FictionPaano kung ang taong mahal mo ay may mahal ng iba? Saklap no? Pero wala ng kasing saklap kung yung taong mahal niya ay kaaway mo pa! Mag-bigti ka na! Joke lang😜 Tungkol ito sa isang babae na ang gusto lang sa buhay ay mahalin ng taong mahal niya..