Getting Married

304 11 0
                                    

Guys sorry na-erase ko po ang aking draft ng chapter na to. Eto na ulit siya.

Sorry again. Badtrip na din ako.

T_T

#####################################################################
Chapter 31

Ayesha's POV

"I die everyday waiting for you. Darling don't be afraid I have love you. For a thousand years. Love you for a thousand years..."

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak sa naririnig kong background music.

Nandito ako ngayon sa bus at papasok na ako sa trabaho.

Katulad nga ng sabi sa kanta naghihintay pa din ako sa lalaking mahal ko.

Si Greg.

Pangatlong araw na itong hindi pumapasok sa trabaho. Sa tatlong araw din na yun ay wala akong alam kung nasaan siya at hindi ko na maiwasang mag-alala na baka may nangyari na sa kanyang masama.

Sinabi ko na din kay Aki ito at ayaw niya naman na magsabi sa mga pulis na nawawala si Greg. Malalaman kasi ng family ni Greg at siguradong mag-alala ang mga ito. May sakit daw kasi sa puso ang mama ni Greg at baka iyon pa ang maging sanhi ng atake nito.

Dagdag pa niya sigurado siya na walang nangyaring masama kay Greg.

Pero ayokong mag-pakasiguro.

At tungkol sa issue namin ni Greg nakapag-desisyon na din ako.

Papatawarin ko siya.

Oo, kahit ano pang maging eksplenasyon niya. Masakit man yun. Tatanggapin ko pa din. Mahal ko siya kaya ko gagawin yun.

Kahit magalit sina Myrna at Aki sa akin.

Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila ang desisyon ko.

Si Myrna malamang magagalit iyon at baka hindi na ako payagan na magtrabaho sa kompanya ni Greg.

Si Aki naman hindi ko alam ang magiging reaksyon.

Siguro sasabihin ko na lang sa kanila ito pag naging okay na kami ni Greg.

Paano si Ren? Tanong ng isip ko.

Kung kailangan kong mag-makaawa kay Ren gagawin ko.

Sabihin man ng iba na katangahan yun at kabaliwan ay wala na akong pakialam.

Mahal ko talaga si Greg at hindi ko kayang mawala siya.

Dumating na ako sa kompanya pero bago ako umupo sa desk ko ay sumulyap muna ako sa saradong pinto ng opisina ni Greg.

Wala pa din siya. Sabi ko sa isip.

Pumuwesto na ako sa table ko at hinarap na ang trabaho. Napakadaming tambak na gagawin kaya naging busy na ako. Hindi ko na namalayan na may paparating na pala. Narinig ko na lang ang tunog ng sapatos nito kaya napaangat ako ng tingin at nanlaki ang mata ko.

O_O

Si Greg! Nandito na siya!

Nakita ko siyang napahinto sa harap ng pinto ng opisina nito at tumingin siya sa akin. Napatayo na ako at nakatingin lang din sa kanya. Wala akong mahagilap na sasabihin sa sobrang gulat ko.

Nang maka-buwelo na ako ay binati ko na siya.

"Good mor-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng pumasok na ito sa office niya.

Bakit ganoon siya makatingin sa akin? Parang galit? Nang-uusig yung mga titig niya.

Napaupo na ako.

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon