Rage

288 10 0
                                    

Writing while listening to music.

Keep Reading!

###########################
Chapter 43

Greg's POV

Lakad takbo ang ginawa ko para makalabas ng front gate ng building. Nakita ko kaagad si Aki na may kausap na pulis sa labas. Agad akong lumapit sa kanila.

"Where is he?" Tanong ko kay Aki. Napalingon siya sa akin. Blangko ang ekspresyon niya.

"Greg." Sambit nito.

"Answer me Aki! Where the fuck is that asshole?!" Sigaw ko na.

Sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon baka makapatay na ako. Bumuntong hininga si Aki bago ako sinagot.

"He's inside the police car. Gre-"

Hindi ko na pinatapos ang pagsasalita niya at mabilis na akong pumihit papunta sa kotseng sinabi niya. Mabilis ang nga hakbang ko. Yung ibang pulis sinubukan akong pigilan pero hinawi ko lang sila at ng makalapit na ako sa kotse agad kong binuksan ang pinto ng backseat niyon at hinatak ko sa damit ang lalaking sakay nun. Nakita ko siyang nagulat ng makita niya ako. Nilabas ko na siya ng kotse at doon pinagsusuntok ko na ang namamaga na niyang mukha.

"You fucking asshole! Mapapatay kita sa ginawa mo! P*tang *na mo!" Sigaw ko habang patuloy pa din ako sa pagsuntok sa kanya.

Lupaypay na ito at hindi na siya makalaban sa panghihina at dahil nakaposas ito. Naramdaman ko na ang pagpigil ng mga pulis sa akin pero hindi nila ako kaya.

Nang ilang sandali pa ng may malakas na brasong humatak sa akin palayo sa kanya. Lumingon ako at nakita kong si Aki yun. Nagpumiglas ako ng pilit sa kanya pero malakas si Aki.

"Ano ba Aki?! Bitiwan mo ako! Hindi pa ako tapos sa gagong yun!" Sigaw ko kay Aki.

"Stop it Greg! Mapapatay mo na siya kapag hindi mo tinigil ang pambubugbog mo sa kanya!" Balik niya sa akin.

"Yun talaga ang gagawin ko sa kanya! At bakit parang kalmado ka lang ha?! Aki! He tried to raped Ayesha! Kung hindi pa ako dumating baka natuloy niya na yun!" Sigaw ko.

Binitiwan niya na ako at nakita kong tumiim ang bagang niya. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.

"Hindi mo siya pwedeng patayin Greg. Hindi pa siya nagsasalita sa ngayon kaya kailangan pa natin ng statement niya. So, we need him alive, at galit din ako pero pinipigilan ko lang." Sabi ni Aki sa akin. Kinalma ko na ang sarili ko at napayuko.

"He's not an employee here in the company. Wala pa kaming alam kung anong motibo niya para gawin yun at kung anong connection niya kay Ayesha." Inform sa akin ni Aki. Napakunot noo na ako at tumingin sa kanya.

"Bakit siya nakapasok dito ha? Diba security protocol ninyo na i-check ang lahat ng lumalabas at pumapasok dito sa kompanya? Bakit siya nakalusot ng hindi ninyo nalalaman?" Gagad ko sa kanya. Nag-init na ang ulo ko sa narinig.

"Nagpakilala siyang isang agent at may mga dala din siyang mga supporting papers na magpapatunay sa kanya ng ganoon. Hindi din kahina-hinala ang mga kilos niya that time. Kaya pinapasok na siya ng security." paliwanag ni Aki. Galit na napailing na lang ako. Di pa din ako satisfied sa paliwanag niya.

"You will join the investigation together with the police Aki, at huwag na huwag mong hahayaan na makapag piyansa ang gagong yun. Torture him if necessary para magsalita na siya. Wala na akong pakialam basta I want a fast result about this case. Ikaw ang magbabalita sa akin kung ano na ang progress dito. You get me?" Utos ko kay Aki. Tumango lang ito. Sumulyap muna ako sa lalaking isinakay ulit sa police car bago ako umalis pero napahinto ako ng magsalita si Aki.

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon