Favorite Song

324 10 0
                                    

Hahaha.

May ending na tong story na to sa utak ko. Hihihi.

Keep reading!

#########################
Chapter 21

Ayesha's POV

DAY OF TOUR...

Busy ako ngayon, kaya maaga pa lang gumayak na ako kasama si Myrna papuntang kompanya namin at doon kami magtitipon tipon bago umalis papunta sa beach resort na pupuntahan namin.

Nasa biyahe na kami ni Myrna ng mag-flashback sa utak ko ang nangyari two days ago.

TWO DAYS AGO...

Pagkatapos ko siyang halikan sa pisngi dali-dali na akong umalis sa conference room. Samantalang siya parang naestatwa pa doon at hindi pa gumagalaw.

Bumalik na ako sa mesa ko at tiningnan ang relo. Uwian na pala. Napaangat ako ng tingin ng may tumabi sa akin. Nginitian ko siya.

"Uwian na Sir." Asar ko sa kanya.

Lumukot ang mukha niya.

"Ayesha." May pagbabanta sa boses niya. Imbes na matakot ay natawa pa ako.

"Why did you kiss me?" He asked.

"Bakit ayaw mo?" Tudyo ko sa kanya. Lumambot ang ekspresyon niya.

"It's not that, that I don't like it. Gusto ko syempre, pero akala ko ba ayaw mo yung pabigla biglang mga kilos? Bakit mo yun ginawa ha?" Gagad nito.

Humarap ako sa kanya. Bitbit ko na ang bag ko.

"Secret." Sabi ko. Hahaha.

Bahala kang mag-isip dyan. Pero ang totoo, na cute-tan kasi ako sa kanya kanina. Hehehe.

Pagkatapos kong sabihin yun umalis na ako sa harap niya at nagpaalam na.

"Bye! Sir Greg!" Sabi ko bago sumakay ng elevator. Nakita ko pa ang hindi maipintang mukha niya. Natawa na lang ako.

Sa mga sumunod na araw busy na ako sa kaka-organize ng outing at siya naman busy din lalo't may bago silang investor. Kaya hindi na ako kinulit nito. Pero walang mintis pa rin na nagsasabay namin tuwing lunch break.

BACK TO PRESENT...

Nakarating na kami ni Myrna sa kompanya. Ang daming tao. Siguro mga nasa 500 person lahat ang mga ito. Busy na ako sa pag a-acommodate sa ilan. Si Myrna naman yung taga assist ko. Sinabihan ko siyang mag relax na lang pero makulit ito at sinabing mabo-bore lang siya pag wala ako sa tabi niya. Wala pa naman daw siyang kakilala dito. Kaya pumayag na ako.

Isa-isa ng nagsipag-alisan ang mga bus ng may dumating na kotse.

Oy! Ang laki ng kotse. Hummer na kulay itim. Nakita kong lumabas yung sakay nun.

Si Aki! Ang pogi nito ngayon!

Napangiti ako sa kanya at kumaway. Nabigla ako ng may lumabas ulit galing sa passenger seat.

Si Greg! Mas pogi ito!

Hahaha. Bias lang.

Lumapit siya sa akin.

"Bakit ka nakangiti at kumaway pa kay Aki ha? Akala mo ba hindi ko nakita yun?" Sita niya. Wala akong masabi.

Napatingin siya sa katabi kong si Myrna. Na natulalang nakatingin dito. Siguro nagtataka na itong si Myrna kung bakit ganun yung sinabi ni Greg sa akin. Hindi ko pa kasi naku-kwento sa kanya eh.

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon