The Truth

308 8 0
                                    

Hehehe. Thanks sa pinsan ko.

Keena Jane Tribo.

Enjoy mo pa Keen ha.

Salamat!

Keep Reading.

#########################
Chapter 28

Ayesha's POV

Kanina pa ako nakaupo dito sa table ko. Napatingin ako sa relo ko at napabuntong hininga.

8 PM na.

Apat na oras na akong naghihintay kay Greg dito.

Mali pala. Kaninang umaga pa pala. Simula ng umalis ito kasama si Ren.

Si Ren.

Shit! Si Ren!

Ang bestfriend ko dati na niloko ako, na sumira sa pagkakaibigan namin.

Nakalimutan ko na eh. Hindi ko na siya naiisip, pero ngayon? Bigla bigla na lang itong susulpot at kilala pa nito ang boyfriend kong si Greg, na sa gulat ko ay boyfriend din daw niya?

Kinurot ko ang sarili ko.

"Aray." Daing ko.

Masakit. So, totoo pala to lahat. Sana kasi panaginip na lang to, na sana magising na ako, na sana.

Ang daming sana!

Lintek!

Napasubsob na ako sa desk ko.

Anong gagawin ko? Litong lito na ako, pero mas nangingibabaw ang sakit. Grabe.

"Ayesha." Tawag sa akin ng isang boses.

Napaangat ako ng tingin.

Si Aki.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

Ano naman ang sasabihin ko sa kanya kung saka-sakali? Naisip ko.

Ah. Alam ko na. Bakit bigla bigla na lang itong susulpot at papansinin ako pagkatapos niya akong iwasan?

Iisipin mo pa ba yun Ayesha? Eh mas may matindi ka pang problema ngayon.

Ah! Ewan!

Baliw na yata ako.

Tumawa ako ng pagak at tumingin ako sa kanya napansin kong parang hindi ito mapalagay. Na may pag-aatubili sa mga kilos nito.

"Bakit Aki? May kailangan ka? May sasabihin ka?" Malamig kong tanong sa kanya.

Tumingin siya sa akin.

Hindi ko na mabasa ang nasa mukha niya.

"Umuwi ka na Ayesha. Gabi na at ihahatid na din kita." Sabi nito. Walang emosyon.

Tumingin lang ako sa kanya.

"Wala pa si Greg, sabi niya hintayin ko daw siya at mag-uusap kami." Sabi ko. Napailing ito.

"Hindi na siya darating, kaya umuwi ka na." Sabi pa nito. Nainis na ako.

"Ayoko! Bakit ba ang kulit mo?! Kung gusto mong umuwi mauna ka na! Hihintayin ko si Greg hangga't dumating siya!" Sigaw ko sa kanya. Humihingal na ako. Pigil ko na kasi ang galit ko at iniisip ko pa din kasi na si Aki 'to. Isa sa mga kaibigan ko.

"Huwag ka ng umasa kay Greg, Ayesha. Niloko ka lang niya." Sabi nito. Napatingin na ako sa kanya. Kunot noo na.

"Anong sabi mo Aki? Niloko ako ni Greg? Paano mo nasabi yun ha? May alam ka ba?" Tanong ko sa kanya.

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon