New Job

261 10 2
                                    

Happy 2k reads to this!

:*) Thanks guys!

##########################
Chapter 34

Ayesha's POV

Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papasok ng building.

Ang aga kong pumasok ngayon. Syempre alam na. Bago na ang trabaho ko at hindi na ako isang office girl. Kaya maaga pa lang gumayak na ako.

Hindi ako excited noh? Hehe.

Pumasok na ako at lumapit nasa information area. Nakita ko ang babaeng receptionist na tiningnan ako ng paibaba.

Malamang kilala niya ako at nagtataka siya siguro kung bakit ako nandito. Hindi ko na lang siya pinansin at sinabi ko na lang agad ang pangalan ko at ang sadya ko. Pagkatapos nun dinala niya na ako sa isang opisina doon sa dulo. Nasa first floor pa din kami. Ilang sandali pa nakarating na kami sa may harap ng pinto na may nakalagay na "Utility Head Office"

"Miss Florencio dito na lang kita iiwan. Katukin mo na lang si Miss Liza at siya na ang bahala sayo." Mataray na sabi nito. Tumango lang ako at umalis na siya.

Kumatok na ako at may narinig akong nagsalita sa loob.

"Pasok." Sabi nito.

Pumasok na ako pagkarinig ko nun. Bumungad sa akin ang hindi kalakihan na office. Nakita ko sa office table nito ang isang may katabaang babae na busy sa pagsusulat. Napaangat ang tingin niya sa akin at tumayo na siya. Ngumiti ako sa kanya pero hindi niya sinuklian iyon.

"So ikaw pala si Ms. Florencio. Ako nga pala ang head mo. Ako si Liza Guzman. Tawagin mo akong Ma'am Liza. Na briefing na din ako ni Mr. Chandlier tungkol sa'yo at ito lang ang masasabi ko sayo bawal dito ang petiks katulad sa ginawa mo dati na dahilan ng pagkaka-demote mo naiintidihan mo ba ako?" Mataray na saad niya.

Hindi ko mapigilan ang pag kunot noo ko.

Ako? Petiks? Kelan pa? Eh halos ako na gumagawa ng lahat ng gawain ng letcheng lalaking yun! Nuknukan talaga ng sinungaling! Tsk!

Hindi na lang ako nag-react. Bahala na sila kung ano man ang isipin nila sa akin. Ang pokus ko ngayon mag-ipon at makaalis na dito sa impiyernong lugar na to.

Tumango na lang ako. Nakita kong naglakad ito palapit sa akin.

"Sumunod ka sa akin, dadalhin kita sa quarters ninyo." Utos nito.

Sumunod naman ako. Nag lakad kami ng ilang metro lang simula sa office nito at may binuksan siyang kwarto doon. May nakalagay sa pinto na "female quarters". Napalingon ako sa kabilang side na kaharap nung kwarto na yun. Nakalagay naman doon "male quarters".

Ah, magkahiwalay ang babae sa lalaki. Parang CR lang ah. Napapitlag ako ng magsalita si Ms. Liza.

"Pumasok ka na dito at bilisan mo. Saka marami pa kayong gagawin ngayon. Ipakilala lang kita sa mga kasamahan mo at pagkatapos nun magsisimula ka na sa pagta-trabaho." Sabi nito.

Nagmadali na akong sumunod sa kanya. Pumasok na kami at nakita ko doon ang mga bago kong kasama. Busy sila sa mga sarili nila. May nagbibihis, nag-aayos, at may nagme-make up?

Ayos ah! Maglilinis lang, nagme-make up pa si ate!

Pansin ko sa kanila parang halos ka-edaran ko lang sila. Tumikhim si Ms. Liza kaya napatingin sila sa amin.

"Eto si Ayesha, bago ninyo siyang makakasama dito. Turuan niyo na siya sa mga routine niyo at kayo na bahala mag-assign sa kanya kung saan siya pwede." Paliwanag nito.

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon