Keep Reading!
:-)
##########################
Chapter 39Ayesha's POV
"Ang halik mo! Namimiss ko! Ang halik mo! Namimiss ko! Bakit iniwan mo ako!
Oh..oh..!"
Kanta ko habang todo ako sa pag-eemote. Si Myrna ang dapat kakanta nun pero inagaw ko yung mic sa kanya. Feeling ko kasi sa akin bagay yun at relate na relate ako.
Nami-miss ko kasi siya.
Hay! Ano ba yan! Gusto ko na agad-agad sana maka-move on!
Oy inday, FYI. May stage yun. Wag kang excited at nasa una ka pa lang. Denial stage. Sabi ni Left brain.
Really? Hindi ko alam yun ah. Sorry first time ko kasi magmove-on. Hehehe.
Binalik ko na kay Myrna ang mic pagkatapos ng kanta at sabay inom sa beer ko. Medyo lasing na ako pero malinaw pa sa akin ang nangyayari sa paligid. Nandito kami ngayon sa isang KTV bar. Nasa loob kami ng isang videoke room. May isang table sa gitna at nandoon yung mga inumin at pagkain namin. Tiningnan ko ang mga kasama ko. Si Myrna nakasandig sa upuan nito at napapahalukipkip lang, nakasimangot pa din ito dahil kay Aki. Ewan ko ba dito kay Myrna at bakit inis pa din ito kay Aki.
Samantalang si Aki seryoso lang ang mukha habang nakatingin sa screen ng TV. Hindi ito masyadong umiinom at sabi niya siya daw ang magda-drive sa amin pauwi.
Ilang sandali pa at hindi pa ako kontento kaya kinuha ko ulit yun mic kay Myrna.
"Myrns, ako ulit ha? Pahanap nung kay Michael V." Sabi ko kay Myrna. Tiningnan niya muna ako sa nagtatakang mukha pero naghanap na din sa songbook at pinindot yung number. Nag-intro na yung kanta. Tumuwid ako ng upo at pinuwesto na ang mic sa bibig ko.
"Di ko akalaing magagawa mo sakin ito. Matapos kong maibigay ang lahat lahat sayo. Iniwan mo akong nag-iisa't nagdurugo. Kinabukasan kaya'y mabubuhay pa ako."
Shit! Eto yun! Eto yung nararamdaman ko ngayon.
Putek na pag-ibig to oh!
Aki's POV
I can't help but not to laugh. Kinakanta ngayon ni Ayesha yung favorite song niya.
I thought that song is something but I never expected that it will be this ridiculous!
Ballad nga iyon, but the lyrics is different. Ngayon ko lang to narinig. Natatawa pa din ako sa kanya habang todo bigay ito sa pagkanta. Hindi ko din maiwasang mapasulyap kay Myrna. Tumaas ang mga kilay ko sa kanya at nakita ko siyang salubong din ang mga kilay nitong nakatingin sa akin. Natawa ako lalo.
Oh fuck! She's cute. Actually dalawa sila ni Ayesha kapag ganoon ang mga reaksyon ng mukha. Nagtataka na din ako kay Myrna kung bakit hanggang ngayon ay galit pa din siya sa akin, na parang sa kanya ako may kasalanan.
Bigla akong may naisip. Kinuha ko ang cellphone ko at may isi-net doon. Tawa pa din ako ng tawa sa ginagawa nila. Kumakanta si Ayesha at si Myrna naman ang uma-acting sa bawat lyrics nung kanta.
Naputol ang ginagawa ko ng mag vibrate ang cellphone sa kamay ko. May incoming call ako. Nangunot ang noo ko ng makita ko kung sino ang tumatawag.
Why is he calling me, huh?
Napatingin ako kina Ayesha at Myrna. Who's both oblivious on what's happening.
I am thinking if I'm gonna answer it or not but I chose the first. Nag-excuse ako sa kanila at lumabas ng room.
BINABASA MO ANG
My Enemy's Boyfriend
General FictionPaano kung ang taong mahal mo ay may mahal ng iba? Saklap no? Pero wala ng kasing saklap kung yung taong mahal niya ay kaaway mo pa! Mag-bigti ka na! Joke lang😜 Tungkol ito sa isang babae na ang gusto lang sa buhay ay mahalin ng taong mahal niya..