Lunch Issue

355 11 0
                                    

600 reads na po!

Salamat ulit sa mga nagbabasa nito.

Mataba po ako, pero mas mataba na po ang puso ko dahil sa inyo.

Naks! Hehehe.

Salamat :)

Keep reading.

#########################
Chapter 17

Ayesha's POV

Lumipas ang mga araw sa buhay ni Ayesha at nakabalik na din sa totoong mundo nito si Sir Greg.

Sa ngayon, sa mismong building ng kompanya nito ako ngayon pumapasok araw-araw.

Katulad ngayon.

Nasa table ko na ako at ang daming gagawin.

Sagot sa tawag.

Encode sa computer.

Sunod sa mga utos ni boss.

In short, sobrang busy ko, na minsan nakakalimutan ko ng kumain.

Pero hindi na ako makakapayag na hindi kumain ngayon.

Putek! Ang dami ko ng gutom! At hindi ako nakapag-agahan kanina kasi late na akong nagising.

Twelve PM.

Niligpit ko muna ang mga kalat ko sa mesa at lumakad na papuntang canteen.

Nasa 30th floor ako, sa top floor kami nag-ooffice kaya kailangan ko pang mag-elevator pababa. Ang canteen kasi namin nasa gitnang floor pa.

CANTEEN...

Pansin kong ang daming tao ngayon at galing sila sa iba't ibang Department dito sa kompanya.

Naputol ang pagmamasid ko ng tumunog na ang tiyan ko.

Ggggrrrr!

Galit ka na? Oo na. Teka lang. Ito na nga oh. Pipila na. Excited masyado. Kausap ko sa tiyan ko.

Namili na ako ng kakainin ko at nagbayad na.

Lumingon lingon ako ng wala akong makitang bakanteng mesa. Halos sakop na ng mga nagkukumpulang tao na magkaka-close ang buong area.

Dala dala ko pa ang tray ko at tiningnan kung may vacant spot pa.

Ano ba yan? Wala man lang bang two seater dito? Yung katulad sa mga fastfood? Paano ako kakain nito? Patayo? Naku! Hindi pwede!

Huhuhu.

Nagulat na lang ako ng may kumalabit sa akin. Lumingon ako.

Si Aki.

Oo nga pala. Dito na din siya nagtatrabaho. Siya ang in charge sa buong security system dito sa company.

Ang alam ko nasa may ground floor ang office nito.

Napangiti ako sa kanya at ganoon din siya sa akin.

"Are you alone?" Tanong niya. Tumango ako sabay pakita nung tray ko.

"Wala akong maupuan. Punuan na lahat eh." Sabi ko sa kanya.

"Ah ganun ba. Doon ka na sa amin maki-table. Kasama ko ang iba kong subordinates. If you don't mind?" Alok nito sa akin.

Naku! Sa estado ko ngayon kahit na may kasama pa itong ahas (literal na hayop) na pinakakatakutan ko ay okay lang at talagang sasama na ako. Gutom na gutom na ako talaga. To the highest level.

"Okay lang sige sasabay ako." Sagot ko. Syempre hindi ko sasabihin na gutom na gutom na ako. Mamaya ma-turn off pa siya.

Hahaha! Charot lang.

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon