Begging

282 10 0
                                    

"They say old lovers can be good friends."

-I GO CRAZY-

My favorite line in that song.

Keep Reading!

###########################
Chapter 44

Ayesha's POV

Napa-ngalumbaba na lang ako at napabuntong hininga. Ang gulo ngayon ng utak ko at hindi ko na alam kung anong gagawin lalong lalo na sa usaping pag-ibig ko.

Inday, bigyan mo na ng second chance kasi. Malay mo diba? Sabi ni Left brain.

Hay, Brain. Kung ganoon lang kadali ang lahat pero hindi. Madaming magagalit at masasaktan kung saka sakali.

Isa na si Ren doon, siguradong magagalit yun at baka kung ano pang gawin niyang masama kina Myrna at ayokong mangyari yun, kaya kailangan ko pa ring isa-alang alang ang mararamdaman ng mga taong malalapit sa akin at mas pipiliin ko na lang na isakripisyo ang pagmamahal ko kay Greg.

Pero nagtapat na siya sayo ng pag-ibig. Hindi pa ba sapat yun na bigyan mo naman ang sarili mo ng kasiyahan? Kasi may katugon na yung pagmamahal mo sa kanya? Sabi ulit ni Left brain.

Gusto kong maiyak sa sinabi niya.

Ayun pa! Bakit kasi ngayon lang?! At kung kailan na marami ng nangyari. Naguguluhan na talaga ako. Kung kailan kasi naka-plano na ang lahat ng gagawin ko, doon naman siya nagtapat!

Lintek! Kaya umaasa na naman ako! Ayaw na ng utak ko at hirap na hirap na ako pero iba naman ang dikta ng puso ko. Sinasabi niyon na tanggapin siya at sumubok ulit.

Napayakap na ako sa tuhod ko.Nandito ako ngayon sa gilid ng kama ni Myrna at nakaupo lang. Tirik na ang araw pero tinatamad pa akong lumabas at gusto ko pang mag-isip.

"Oy! Sha, lumabas ka na dyan. Nandito na naman ang 'bwesita' mo. Ang aga niya na naman ha. Kung hindi lang kay mama hindi ko papasukin yun dito sa loob. Kaya lang alam mo naman si mudra, masyadong mabait at ayaw ng ganoon. Kaya bago pa tayo masabon dito lumabas ka na at harapin mo na yun." Bungad ni Myrna sa akin. Lumingon ako sa kanya.

"Sorry na Myrns. Sige susunod na ako." Sabi ko na lang.

"Dalian mo ha. Kakain na din. Kaya paalisin mo na din yun at baka mawalan pa tayo ng gana. Sya sige na." Sabi pa nito bago lumabas ng kwarto.

Napabuntong hininga na lang ako. Tatlong araw ng ganoon ang nangyayari.

Si Greg.

Simula ng huli naming pag uusap ay lagi na siyang pumupunta dito sa bahay nila Myrna at hindi siya pumayag sa desisyon ko na pakawalan na niya ako. Ang sabi niya naguguluhan at shocked pa daw ako dahil sa nangyari sa akin. Kaya pinag leave niya ako ng limang araw.

Pangatlong araw ko na ngayon at pangatlong araw na din siyang pabalik balik dito. Tatlong araw ko na din siyang pinagtatabuyan.

Shit! Ang hirap kaya nun! Minsan gusto ko na talagang sapakin ang sarili ko sa ginagawa kong pagtataboy sa kanya. Naawa na ako sa kanya at lagi siyang nakikiusap sa akin na balikan ko na daw siya, minsan naiiyak na ito sa pagmamakaawa at pag ganoon gustong gusto ko ng bumigay.

Pero hindi dapat yun. Naiisip ko ulit ang kahihinatnan kapag nagkabalikan kami. Kaya isa lang ang naisip kong gawin para matigil na ito at sasabihin ko ngayon ito sa kanya.

Tumayo na ako at lumabas na ng kwarto. Nakita ko kaagad siya sa may sala at siya lang mag isa doon, siguro nasa kusina na sila Myrna.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan muna siya. Naka-suit siyang itim at bagay na bagay sa kanya pag ganoon ang suot niya. Mukha talaga siyang model, pero model nga naman ito bago naging presidente ng kompanya.

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon