Insult

263 8 0
                                    

Good day to all of you!

Godbless!

#########################
Chapter 35

Ayesha's POV

Napatingin ako sa paligid. Malinis dito at ang bango pa.

Wah! Ano yun? Kare-kare? Adobo ba? o Sinigang?

Shemay! Ang bango ng amoy at nakakagutom na!

Tumingin ako kay Aki na ngayon ay busy sa pagpili ng kakainin namin. Nandito kami ngayon sa karinderya sa labas ng building namin.

Hindi ko maiwasang ngumiti ng maalala ko yung nangyari kanina. Hinila ako ni Aki at dinala nga ako dito. Napatingin ulit ako sa kanya. Mukhang sanay na sanay na siyang um-order at madalas yata siya rito,base na din kasi sa mga reaksyon at pagbati nila kay Aki.

"Aki, sino yang kasama mo ha? Girlfriend mo na ba yan?" Tanong nung babaeng nasa cashier. Nagbabayad na kami. Pay before you eat kasi dito.

Napatingin ako sa babae, nakangiti ito sa amin ni Aki.

"Opo, girlfriend ko po siya." Sagot naman ni Aki. Nagulat ako at pinanlakihan ko siya ng mata. Hinampas ko din siya sa braso pero tumawa lang siya.

"Kaibigang babae. Yun ang ibig sabihin nun. Ikaw Ayesha ha, malisyosa ka talaga. Manang, kaibigang babae diba yung tagalog sa 'girl-friend'?" Tanong nito kay manang. Napailing na lang si manang at tumawa kay Aki.

Pagkatapos naming magbayad umupo na kami doon sa may two seater na mesa. Pansin ko din ang daming taong kumakain dito. Siguro masarap talaga ang pagkain rito. Noong nakaupo na kami tiningnan ko yung order namin.

Wow! Ang sasarap! Putek! Naramdaman kong nag-react din yung tiyan ko.

"Aki, hindi na ako mahihiya sayo ha. Hindi ako kakain. Lalapang ako at sa dami kong gutom baka mag extra rice pa ako ha." Sabi ko sa kanya.Tumawa lang ito at tumango.

"Wag kang mag-alala Sha, isipin mo ngayon na eat all you can ka." Sabi pa nito.

Naku! Invisible kiss para kay Aki! Hehehe.

Hindi na ko nagpa-tumpik tumpik pa. Sinunggaban ko na ang mga pagkain. Ang sasarap talaga. Nakita ko na din si Aki na nagsimula na din kumain.

Naka-ilang subo pa lang ako ng mapatingin ako sa may entrance ng karinderya.

O_O

Nanlalaki ang mata ko at nabitin sa ere yung kutsara ko ng makilala ko kung sino yung paparating.

Si Greg! At si Ren!

Anong ginagawa nila dito?

Hindi sila napansin ni Aki kasi nakatalikod ito sa may entrance side. Lalong nanlaki ang mata ko ng makita kong palapit sila sa pwesto namin at nakita ko yung mukha ni Greg.

Galit siya? Bakit?

Putek! Hindi ko maiwasang mataranta. Ang lakas din ng tibok ng puso ko.

Shet! Hindi pa ako handang makita siya ulit eh! Badtrip naman oh!

Napansin yata ni Aki na hindi na ako kumakain kaya napatingin siya sa akin at sinundan ang tingin ko. Napalingon ito at kumunot ang noo ng makita na din yung dalawa.

Sa wakas nakalapit na sila sa amin. Naririnig ko pa ang reklamo ni Ren.

"Greg what are we doing here? Alam kong magla-lunch tayo. But I'm not expecting na dito yun. This place is so filthy. We must go out now. Baka magkasakit pa tayo." Maarteng sabi nito kay Greg. Napatingin na din siya sa amin ng mapansin niya na kami. Tumaas yung isang kilay niya sa akin, tiningnan ko lang siya.

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon