New Contract

251 8 0
                                    

Keep Reading!

;-)

###########################
Chapter 37

Ayesha's POV

Kabado pa din akong umuwi noong araw na yun, pero at the same time super excited din ako.

Wah! May job offer ako! Eto na ba? Ito na ba ang sabi sa hula? Hahaha.

Nagpahula ka ba? Taong ni Left brain.

Tse! Hindi! Wag ka munang manggulo dyan!

Nasa bahay na ako nila Myrna at sobrang saya kong na kwento sa kanya yung nangyari at super happy din siya para sa akin. Sabi niya pa, good karma ko daw yun.

Ayi! Hehe!

Pero, hindi ko maiwasang maisip si Greg. Paano na siya? Kaya ko na ba siyang iwan? Saka mukha siyang galit kanina nung huli ko siyang makita.

Nako! Inday gusto mo ng cutter? Sabi ni Left brain.

Aanhin ko ang cutter?

Panlaslas. Suicidal ka na eh! Isipin mo yung mga ginawa niya sa'yo! Hindi siya yung isipin mo! Sabi pa nito.

Napabuntong hininga na lang ako.

Oo nga tama naman si brain. Bakit ko ba siya iisipin? Tama na yung mga masasakit na salita niya paukol sa akin. Tama na din yung gabi gabing pag iiyak ko.

Tama na.

KINABUKASAN...

As usual maaga akong pumasok at sa comfort rooms ako ngayon naka-assign at paduguan na naman ang peg ko. Sana makalusot ulit yung diskarte ko. Hehehe.

Busy na ako sa pag-aayos sa sarili ko at nasa locker na ako. Kasama ko yung iba pang mga kasamahan ko dito.

Naghubad na ako ng suot kong t-shirt kasi magpapalit na ako ng uniform. Hindi na din ako nahihiya na maghubad dito kasi puro naman kami babae.

Ilang sandali pa napatigil ako ng may marinig akong nagkakagulo sa labas.

Ah. Siguro yung mga lalaking utility yun. Maiingay kasi ang mga to minsan. Daig pa kaming mga babae.

Aabutin ko na sana yung pang itaas kong uniform ng may marinig akong boses sa may pinto. Nakatalikod ako doon kaya hindi ko alam na may pumasok na.

"Sir, teka lang po, may mga nagbibihis pa po dyan." Narinig kong boses ni Maam Liza. Parang may pinipigilan. Hindi ko na pinansin. Isusuot ko na sana ang damit ko pero nabitin yun sa ere ng marinig ko ang pamilyar na boses. Nanlaki na yung mata ko at napalingon.

"I need to talk to her. Where is she." Sabi ni Greg na nakapasok na sa pinto at ginala ang mata sa loob. Napatigil yung mata niya sa akin.

Bakit siya nandito? Tiningnan ko siya. Nakatingin siya sa mukha ko tapos biglang bumaba ang tingin niya sa katawan ko. Natulala siya.

Ohh Eemm Geehh!

Naalala kong top less ako!

At naka-bra lang!

Nakataas pa ang kamay ko!

Jusko po rudy!

Agad agad kong binaba ang damit ko at tumalikod sa kanya.

Shit...shit...shit...!

Ano bang kahihiyan yun?!

Parang gusto ko ng pumasok sa locker ko at magtago!

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon