Most po ng part na to may kinalaman kay Aki.
Hehehe.
Te Mavic eto na si Aki.
Hahahaha.
Keep Reading.
##############################################################
Chapter 27Ayesha's POV
Balik opisina na si Greg kaya busy na ulit ako. Kabi-kabila ang mga meetings niya kaya hindi na kami masyadong nagkikita. Pero okay lang naman sa akin yun kasi business naman ang dahilan. Kaya lang hindi ko maiwasan na talagang ma-miss ito lagi. Tuwing lunch na lang kasi kami nagkakasama pero minsan hindi na din kasi may mga meeting ulit ito. Kaya iniintindi ko na lang. Mahal ko eh.
Katulad ngayon wala ito sa opisina niya. May meeting ito sa labas at mamayang lunch na ulit ang balik nito. Ako naman busy sa mga ine-encode na proposal papers at sa kakasagot sa telepono. Hihintayin ko na lang siya bago ako kumain mamaya. Kahit late na itong dumating titiisin ko na lang ang gutom ko para makasama ko lang siya sa pagkain.
Subsob ako sa desk ko at nakatuon ang mga mata ko sa monitor ko ng may marinig akong nagsalita.
"Miss, is Greg in his office?" Tanong ng isang boses babae. Napaangat ako ng tingin.
At natulala...
AKI'S POV
Nandito ako ngayon sa loob ng office ko.
Nakatunghay sa maraming maliliit na monitor na nasa harap ko. Pero wala doon ang diwa ko at nasa isang babae na nag-ngangalang Ayesha.
Simula nung nangyari ang sa resort hindi ko na siya pinapansin.
Guiltiness is what I feel right now. Na sa sobrang guilty ko hindi ko siya kayang harapin, kaya I choose to ignore her kahit na mahirap yun sa part ko. Araw-araw ko siyang nakikita at alam kong sa tuwing magkakasalubong kami, she was trying to talk to me.
But I chose to run away.
Hindi pa ako ready sa mga tanong niya kung saka-sakali. Baka hindi na ako makapag-pigil at masabi ko na sa kanya ang lahat at ayokong mangyari yun. Ang gusto ko ay si Greg ang magsabi sa kanya ng lahat pero sa nakikita ko hanggang ngayon wala pa ding alam si Ayesha. Masaya kasi ito palagi.
Minsan nakikita ko silang dalawa ni Greg na magkasama at parehong masaya ang mga ito. Sa tagal ko na ding nakasama si Greg ngayon ko lang din siya nakitang ganoon. Iba sa nakita ko dati ng kasama pa nito ang isang girlfriend niya.
Napatiim bagang ako ng maalala ko na naman ang sitwasyon nila, kasi alam kong sa huli si Ayesha pa din ang mas mahigit na masasaktan at ayoko sana mangyari yun.
Kaya nag-plano na ako. Kahit labag sa loob ko na gawin yun, kakausapin ko si Ayesha. Sasabihin ko na sa kanya pero kukuha muna ako ng buwelo at tamang panahon para sabihin dito ang lahat. Wala na akong paki-alam kung matatanggal man ako sa trabaho.
May sarili na akong negosyo. Isang shooting range ang business ko. Nagte-train kami ng mga taong gustong matutong humawak ng baril. Only people who has liscensed are allowed to join. Malaking tulong ang training ko dati sa Japan para ma-apply ito sa aking negosyo.
Nagpapasalamat din ako sa mga taong tumulong sa akin para maitayo yun. Syempre sa pamilya nila Greg, lalong lalo na sa mama nito. Ito na kasi ang kumupkop sa akin simula ng naglayas ako sa poder ng umampon sa akin.
I'm a battered child. Simula ng inampon ako ng nakilala kong parents walang araw na hindi nila ako sinasaktan. Mapa-pisikal man at psychological. Tiniis ko yun.
BINABASA MO ANG
My Enemy's Boyfriend
General FictionPaano kung ang taong mahal mo ay may mahal ng iba? Saklap no? Pero wala ng kasing saklap kung yung taong mahal niya ay kaaway mo pa! Mag-bigti ka na! Joke lang😜 Tungkol ito sa isang babae na ang gusto lang sa buhay ay mahalin ng taong mahal niya..