Captured

303 7 0
                                    

Keep Reading!

:-)

##########################
Chapter 53

Ayesha's POV

"Greg!" Balik sigaw ko sa lalaking tumawag sa pangalan ko. Halos tumayo na ako at nagpumilit na makakalas sa pagkakatali ng marinig ko ang boses niya.

Nakita kong nasa likuran siya nina Ren pero malayo ang distansya at hindi siya nag iisa at may mga kasama siyang mga nakaitim at may mga dalang baril din.

"Shit! Julio! May mga pulis! Nasundan yata kayo!" Narinig ko pang sigaw ni Ren, na sa oras na yun ay nagpa panic na.

Naputol ang pagpupumiglas kong makawala sa pagkakagapos ng may marinig na akong putukan ng mga baril. Napabaluktot ako sa sobrang lakas ng tunog niyon at hindi ko din maiwasang mag panic na at baka tamaan ako ng bala kaya kinalma ko muna ang sarili ko at nag isip kung anong pwedeng gawin. Nagpalingon lingon ako at ng makakita ako ng isang malapad na poste hindi kalayuan sa pwesto ko ay dali dali na akong gumapang papunta doon. Hindi ko din mapigilang mapahinto saglit ng ilang beses dahil sa mga naririnig kong malalakas na tunog ng baril. Nanginginig na din ako sa mga sandaling iyon sa takot.

Nang sa wakas ay nakarating na ako doon ay pumuwesto na ako agad sa likod nun, umupo na ako ng patalikod sa kanila. Hindi ko maiwasang mapabaluktot ulit sa tuwing naririnig ko pa din ang mga putok, gusto ko mang takpan ang tenga ko ay hindi ko magawa at nakagapos ang mga kamay ko. Pigil na pigil ko din na huwag sumigaw at baka may makapansin sa akin doon kaya kinakagat ko na lang ang mga labi ko. Ilang sandali pa at natigilan ako ng marinig ko ang boses niya ulit.

"Lori! Pakawalan mo na sila Ayesha! Wala silang kinalaman sa away natin! Please, spare Ayesha and her friend. I'll give everything you want just let them go!" Narinig kong sigaw ni Greg. Mukhang malayo pa ito ng konti base sa tunog ng boses niya. Hindi ko na din napigilan ang mga luha ko at napaiyak na ako sa sobrang pagka-frustrate sa sitwasyon at sobrang miss ko na din si Greg.

"Ano ako tanga?! Magkakamatayan na tayo dito Greg pero hindi ko siya ibibigay sa inyo!" Sagot naman ni Ren. Wala akong alam kung ano na ang mga nangyayari sa kanila at natatakpan ako ng malapad na poste.

Diyos ko po. Sana matapos na po ito at sana makaligtas po sila ni Greg at Myrna. Huwag Niyo po sanang hayaan na masaktan sila. Dasal ko sa isip.

"Lori! Don't be stub-" Hindi na natapos ang sasabihin ni Greg ng may pumutok na namang baril at hudyat na iyon na nagsimula na naman ang komosyon sa likod ko at wala na akong nagawa kundi ang tahimik na umiyak na lang ng doon at patuloy na nagdadasal sa kaligtasan nila Greg.

Tumagal pa ang putukan ng ilang mga minuto pero lumipas ang ilang sandali at katahimikan na ang bumalot sa paligid.

Tapos na?

Ano na kaya ang nangyari? Ligtas ba sila ni Greg? Nadakip na ba sila ni Ren? Tanong ko sa isip.

Natigilan at nanlaki na ang mga mata ko ng may sumigaw ulit ng pangalan ko.

"Ayesha! Ayesha! Where are you?! Aye-" Hindi na natapos ni Greg ang pagtawag sa akin ng dali dali na akong lumabas sa pinagtaguan ko at nagpakita na sa kanya. Nakita kong natigilan siya sandali pero agad ding nakabawi at tumakbo papunta sa akin.

"Thank God! Baby, are you okay? Hindi ka ba nila sinaktan? Anong ginawa nila sayo?" Sabi niya sa akin habang hawak ang aking mga pisngi at pinagmamasdan ako. Wala akong maisagot sa kanya at todo lang ako sa pag iyak.

Thank you po Lord at ligtas po si Greg! Pasasalamat ko sa isip.

"Sagutin mo naman ako. Anong ginawa nila sayo? May masakit ba sa sayo? Saka anong nangyari dito sa pisngi mo? Please baby, talk to me." Nag aalalang sabi pa niya.

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon