Continuation po ng 48!
:)
Keep Reading!
##########################
Chapter 49Ayesha's POV
"Isa! Ayesha! Will you please calm down?! Nagtatanong lang ako at hindi mo kailangang magalit. Just answer my questions and we'll move on." Sabi ni Greg. We're standing now and facing each other.
"Anong nagtatanong ka lang? Greg nang-aakusa ka ng kung ano anong bagay na walang katotohanan! Si Aki? May gusto sa akin? Tsk! Hindi mo ba narinig kanina ang sinabi niya bago tayo umalis ng bahay nila Myrna? Kapatid at kaibigan lang ang turing niya sa akin at wala ng lalampas doon. Saka kung may gusto nga siya sa akin sa tingin mo kasama mo kaya ako ngayon? Sa tingin mo papayag si Aki na makuha mo ako ulit matapos mo akong saktan? Think again Greg! Mas matagal mo lang siyang nakasama pero hindi mo pa talaga siya kilala!" Pasigaw na sambit ko. Nawawalan na ako ng lakas na makipag usap sa kanya.
Mukhang natauhan naman ito at lumambot na ang ekspresyon. He tried to reach my hand, pero mabilis kong iniwas yun at umatras.
"Baby naman, huwag ka naman sanang ganyan. I'm sorry na okay. Selos na selos lang talaga ako sa pakikitungo mo kay Aki pero ngayon, I am confident na. Because, ako na naman talaga ang pinili mo. So please, let me hold you again. Okay?" Nagsusumamong sabi niya.
Inabot niya ako ulit pero umatras ako. Narinig ko siyang nagmura at napasuklay na sa buhok niya.
"We'll continue the talking Greg, but we need to keep a distance." Sabi ko.
"No! I can't do that! Ayesha it's torture to me!" Tanggi nito.
Umiling akong tumingin sa kanya.
Naglakad at umupo na ako sa kabilang dulo ng mesa. Senenyasan ko siyang umupo sa dulo din nun. Matagal muna siyang nakatayo pero ilang sandali pa ay lugo lugong sumunod na din ito.
"Okay, we'll continue on what we've started." Sabi ko.
"Greg, clear na ba sayo yung about sa issue sa amin ni Aki?" I ask him.
"You're too far away, baby. And I miss you already." Malungkot na sagot niya.
"Ano?! Nandito pa din naman ako ah! Saka ayusin mo nga ang sagot mo ha. Sige, gusto mo hindi kita imikan? Madali lang akong kausap Greg. Sabihin mo lang and I will ignore you." Banta ko sa kanya.
Bigla naman siyang napaupo ng tuwid at sumeryoso na ang mukha. Pinigilan ko ng matawa.
"You know my weakness already. Okay, I'll try not to get jealous of him, pero bawasan mo na ang pagsama sama sa kanya kung ayaw mong magselos ako. Deal with it or deal with it, Ayesha." Sabi niya.
May choice ba ako doon? Kaya tumango na lang ako.
"Deal, pero bawasan mo din yang pagiging seloso mo at ikaw lang naman ang lalaking mahal ko at mamahalin ko. So you don't have to worry. Okay?" Sabi ko. Nakita ko siyang ngumiti ng malapad. Hindi ko na din mapigilan ang ngiti ko.
Officially declared. Mga BALIW na kayo. Sabi ni Left brain.
"Are we okay now? Can I get closer to you? Baby, please." He pleadingly said. Umiling ako.
"Nah, hindi pa pwede. May itatanong pa ako at kung may itatanong ka din feel free to ask me." I pause.
"Okay, I'll start. Bakit ka naniwala agad sa mga sinabi ni Ren ha? At hindi mo na pinakinggan ang mga paliwanag ko? Alam mo bang ang sakit ng naramdaman ko noon? Tapos pinahirapan mo pa ako ng ginawa mo akong janitress. Alam mo ba ang plano ko noon? Two months lang at magre-resign na talaga ako at mag aabroad ulit. Tapos yun pang kay Mr. Lin, yun na ang pag asa ko para makaalis sa poder mo pero anong ginawa mo? Sinaktan mo na naman ako, ininsulto, pinagbintangan at kung ano ano pang masasakit na paratang ang ginawa mo sa akin. Kaya hindi mo din ako masisisi sa hindi ko pagsabi sayo ng totoo kasi nasaktan ako Greg, hindi mo kasi ako binigyan ng chance noon na magpaliwanag." Mahabang sabi ko sa kanya. Hindi ko na din mapigilang umiyak kasi naalala ko na naman ang mga nangyari dati. Nakita ko siyang tumayo at lumapit sa akin. Dali dali niya akong tinayo at niyakap ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
My Enemy's Boyfriend
General FictionPaano kung ang taong mahal mo ay may mahal ng iba? Saklap no? Pero wala ng kasing saklap kung yung taong mahal niya ay kaaway mo pa! Mag-bigti ka na! Joke lang😜 Tungkol ito sa isang babae na ang gusto lang sa buhay ay mahalin ng taong mahal niya..