Worries

249 6 0
                                    

No more tears, No more goodbyes.

:)

Keep Reading!

#########################
Chapter 51

Greg's POV

"Shit!" Mura ko na at kanina ko pa sinusubukang tawagan si Ayesha pero walang sumasagot. Napatingin na ako sa relo ko. It's already 7 PM and I'm currently driving to her friends house. Pero ng makarating na ako sa bahay nila sinalubong lang ako ng mama ni Myrna.

"Hijo, bakit ka naparito? Wala pa sila ni Ayesha. Nag aalala na nga ako kung bakit hindi pa sila dumarating at kanina pang tanghali sila umalis. Pero wala pa sila hanggang ngayon." Nag alalang sumbong sa akin ni Tita Ann. Napakunot noo na ako.

Hindi pa sila dumarating? Saan ba nagpunta ang mga yun?

"Tita, tinawagan niyo na po ba si Myrna?" Tanong ko kay Tita. Nakaupo na siya sa sofa habang ako naman nagpalakad lakad na sa sala at hindi na ako mapakali. Nagsisismula na din akong mag isip ng kung ano ano. Naaksidente ba ang mga ito? Na holdup? Na kidnap? O baka na traffic lang?

Traffic Greg? Mahigit anim na oras na silang hindi dumarating. Sabi ng utak ko.

Damn it! Nag aalala na ako at baka kung ano na ang nangyari sa kanila lalo na kay Ayesha.

"Tinatawagan na namin hijo, pero walang sumasagot. Baka kung napaano na sila." Naiiyak na sabi niya. Sumakit na ang ulo ko kaya tinawagan ko na si Aki.

"Aki, Ayesha and Myrna are can't be found now. Hindi pa sila dumarating simula kaninang tanghali. Parehong cellphone nila ang hindi ma-reach. Can you come over to Myrna's house now?" Sabi ko. Pumayag naman ito at pupunta na daw doon. Ilang sandali pa at nandoon na si Aki. Medyo magulo pa ang buhok niya at halatang nag motor lang ito.

"Greg, what happened? Where are they? Bakit hindi sila makontak?" Tanong niya agad sa akin. I know he's worried also.

"Hindi ko alam. Ang huling tawag ko kay Ayesha ay kaninang tanghali pa at ng bandang hapon ko na natanggap ang message niya na pauwi na daw sila. But after that I can' t reach her anymore." Paliwanag ko kay Aki. Nakita ko siyang napabuga ng hangin at tumingin ito kay Tita Ann na sa mga sandaling yun ay naiiyak na sa pag aalala.

"Tita Ann, huwag na po kayong umiyak at mag alala. Kami na po ang bahala sa paghahanap kina Myrna." He pause pagkatapos tumingin ito sa kapatid ni Myrna.

"Mike, pakidala na lang si Tita Ann sa kwarto niya. Kami na ang bahala dito." Utos nito. Agad namang sinunod nito si Aki at ngayon kaming dalawa na lang dito sa sala.

"Na-report mo na ba sa mga pulis ito Greg?" Tanong niya, umiling ako.

Sa sobrang pag aalala ko kanina hindi ko na naisip yun. Nakita kong may tinawagan si Aki.

"Hello? Can you do me a favor? Paki-check ako ng CCTV sa isang grocery store. Particularly yung camera sa entrance nun." He said to the one he's talking to his phone. Ilang sandali pa at madami na silang pinag usapan. Samantalang ako ay nakaupo lang doon at walang magawa. I feel so restless.

"Okay, thank you John. I owe you one. Bye." Yun lang at binaba na nito ang telepono.

"Greg, na-trace na ang taxi na sinakyan nila Ayesha kanina. Binigay na din sa akin ng kausap ko ang plate number ng sasakyan." He inform me. Parang nabuhayan ako ng pag asa bigla at agad na tumayo.

"What are we waiting for Aki? Let's go and find it already. Hindi na ako mapakali dito sa pag alala kung ano na ang nangyari sa kanila." Yaya ko kay Aki. Pero napakunot ang noo ko ng umiling siya.

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon