Embarassing Moment

420 12 0
                                    

A/N

Alam kong nabitin kayo sa chapter 5. Kaya eto na agad-agad. Chapter 6 na.

Enjoy!!

#########################
Chapter 6

ONE WEEK LATER

Ayesha's POV

Sa isang linggong  pamamalagi ko sa bahay nila Myrna ay nabatid kong sobrang bait ng pamilya niya.

Wala ng tatay si Myrna kaya sila Tita Ann na lang at Mike, bunsong kapatid ni Myrna at siya ang magkakasama,  at ngayon apat na kami kasi kasama na ako.

Hihihi..

Sa isang linggong nakatira ako sa bahay nila, ako na ang "taga" nila.

Taga laba, linis, plantsa, hugas, at iba pang gawaing bahay at kahit na sinasabi lagi sa akin nila Myrna at Tita Ann na huwag na akong magkikilos masyado.

Ano ako? Imbalido? PAL na nga ako, hindi pa ko kikilos doon? Kaya kahit anong pilit nila makulit talaga ako.

Sa nakalipas na mga araw na yun walang mintis din akong naghahanap ng trabaho.

Sumubok na ako sa fast food, sales lady, call center, at iba pa na pwede pasukan. Pero palagi na lang nila sinasabi sa akin.

"Tawagan na lang po namin kayo."

Ganoon palagi ang set-up kaya palagi din akong bigo pag umuuwi.

Pero sa ngayon iba ang kutob ko. Mukhang may magandang mangyayari.

Ewan ko ba. Pag gising ko kaninang umaga ang gaan gaan ng feeling ko. Parang lahat ng positive vibes dumapo sa akin. Charot!

Kaya umaga pa lang ay gumayak na ako. Pero bago yun, kumain muna ako kasama sina Myrna at Tita Ann.

"Mukhang maganda ang gising mo ngayon ha." Pansin ni Myrna sa akin.

Ngumiti ako sa kanya with a bulky cheeks again.

"Iba ang pakiramdam ko ngayon Myrns. Parang may mangyayari sa akin na maganda. Alam mo yun." Sagot ko sa kanya.

Napangiti naman si Tita Ann.

"O sya. Lalakad ka na ba? Eto baunin mo. Para hindi ka na gumastos mamaya." Sabi ni Tita sabay abot sa akin ng baong pagkain.

Ang laki ng ngiti ko at nagpasalamat sa kanya. Ang bait bait talaga nila.Wala na kong masabi. Promise!

Bago ako umalis kinuha ko muna yung daily newspaper na nirarasyon kay Tita araw araw ng suki niya.

Flip..flip..

Scan..scan..

Ayon! Horoscope for the day!

Hahaha..

Ewan ko ba at gustong gusto kong palaging magbasa ng ganoon. Siguro masyado akong mapamahiin at naniniwala ako sa mga ganoon.

Aminin!

Most of the people now ganito din.

Basa...

Gemini:

"Humanda sa isang pasabog."

??_??

Ano yun? Parang hindi naman positive yun ah!

Shemay!

Erase erase!

Parang first time in the history na ayokong maniwala sa horoscope!

Naku!

Sana huwag naman akong malasin oh!

Naalala ko ulit yung sabi sa dyaryo.

Pasabog!

Shete! Parang death threat lang ah!

I took a deep breath before I go out. Nagpa alam na ako kina Tita at Myrna.

"Tita, Myrns. Aalis na ako. Salamat." Paalam ko.

"Sige ingat! Text mo ako pag may improvement sa apply mo ha." Sabi niya.

Tumango lang ako at umalis na.

TIME PASSES...

So far, so good!

Naka-limang submit na ako ng resume sa iba't ibang building doon na pinuntahan ko at mukhang may positive result yung isa. Sabi kasi sa akin, sa huling pinuntahan ko, tatawagan daw nila ako with in this day kung ano ang magiging result ng interview ko.

Oh! Yes!

Kahit alanganin pa ang sinabi nito, pero para sa akin positive na yun!

Sana Lord eto na po yun. Dasal ko.

Napatingin ako sa relo ko. Naku! Mag aala-una na pala.

Naglalakad ako nun sa tabi habang kinakain ko yung pinabaon sa aking sandwich ni Tita habang hawak hawak ko naman sa isang kamay ko ang isang dyaryo.

Classified adds naman. Tumitingin ako kung baka meron pang may mga available jobs na pwede sa akin.

Mostly kasi puro college graduate at degree holder ang kinukuha nila.

Eh anong panama ko dun?

Sipag? Haha!

Oo pwede na yun. Marami ako nun. Pero iba pa din sa realidad eh!

Hay Buhay!

Napahinto ako.

Shet! Wrong timing naman oh!

Nawiwiwi ako!

Oh my gulay! Saan ako pwedeng umihi? Puro building pa naman ang karamihan dito at yung iba ay bantay sarado ng mga masusungit na guards.

Shit! Shit! Shit!

Pa ekis na yung lakad ko at panay lingon ko kung saan merong public toilet.

Naku wala! Ano ba yan!

Nang may makita ako sa wakas na eskinita sa hindi kalayuan. May nakalagay na "one way".

Ting! Light bulb!

Wala na akong choice. Dali dali akong lumakad. Lingon lingon ulit. Buti na lang office hours na ulit kaya wala ng masyadong tao.

Paliko na ako doon sa may eskinita ng mapansin kong may malaking trash can. Yung may segregation style.

Haha! Maswerte pa din ako. May panharang na ako.

Ayon pwesto! May nakita din akong karton.

Bale ang pwesto ko.

Nasa gilid ako. Nakaharang sa right side ko yung trash can tapos pinanharang ko yung nakita kong karton sa harap at left side ko.

Oh diba?! Safe pa din kahit papaano.

Pero nakakahiya pa din! Shet! Paano na lang kung may makakita sa akin? Mabuti na lang talaga walang masyadong tao.

Nag start na ako.

I push my pants and panty off.

wiwiwiwiwi.....

Hahahaha!

Bushet!

Success! Sarap ng feeling!

Nag moment pa ko saglit. Saglit lang naman.

Wipe! wipe!

But when I was about to pull my undergarments on.

May narinig ako.

Vroom! Vroom!

OH EM GEEH!

O_O

I'm dead.

#########################

A/N

Hahaha...ano kaya yun?!!! Nakoo sha-sha! Patay kah!! Ready na ba kayo sa next chapter??? Votes and comments are free! Thanks!!

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon