Cat Fight

514 9 0
                                    

A/N:

Thanks pipz sa likes and comments sa facebook!!!

Excited na ba kayo sa susunod na mangyayari sa ating bidang girl???

############################
Chapter 4

Ayesha's POV

"Ang sakit nun ah." Daing ko ng makalayo na ako sa bahay ng epal/supladitang  yun.

Hinihimas ko ang aking ulo at inaayos ang aking nagulong buhok.

Putek!

Kaka-rebond ko pa lang dito at made in Taiwan pa tapos gaganunin lang ng bruhildang yun!

Lintek ang sakit pa!

Habang busy ako sa kaka-ayos sa sarili ko ay biglang may sasakyang huminto sa gilid ko. Dumating na yung taong tinawagan ko.

"Ayesha! Dali sumakay ka na!" Yaya sa akin ni Myrna.

Oo si Myrna. Kasi ang hinayupak kong bestfriend ay hindi na talaga makontak!

Napagtanto ko na din na niloko na ako ng best friend ko, (kung best friend pa ba ang maitatawag ko sa kanya dahil sa ginawa niya), pati nung taxi driver (haha! Hindi talaga nakaligtas si manong)

Sumakay na ako sa van nila Myrna at doon hindi ko na napigilan ang umiyak pagkasakay ko.

T__T

"Sha, ano bang nangyari? Saka bakit ganyan na yung ayos mo?" Sabi nito habang akbay niya ko at pinagmamasdan.

Tumingin muna ako sa pinsan nitong nagda-drive bago ko hinarap si Myrna.

Hingang malalim.

"Ganito kasi yun." Panimula ko habang sumisinghap ako.

FLASHBACK A MOMENT AGO....

"Kabet ka!" Sigaw sa akin ng babae habang hila hila pa ako sa buhok. Yung maid naman niya hinihila ang amo niya sa likod.

Te? Ang totoo umaawat ka ba o lalo mo lang pinapalakas ang puwersa ng amo mo?

"Shit! Shit! Huwag ang buhok ko baliw!" Sigaw ko din sa kanya habang kinakalas ko ang mga daliri niya sa buhok ko.

At nang sa wakas binitiwan niya na din ako.

Shemay!

May nakita pa kasi akong ilang buhok sa kamay niya. Gusto ko na umiyak.

Ang buhok ko!

"Humanda ka sa akin! Mag-antay ka dito." Banta ni epal at pumasok siya sa loob ng bahay niya at naiwan kami ng maid niyang shock pa din.

Pero ilang sandali pa ay nataranta na yung maid niya. Hindi na malaman kung susundan yung amo o hindi.

"Naku miss umalis ka na huwag mo nang hintayin na maging super sayan si ma'am! Tiyak re-resbak yun sayo." Pagtataboy niya akin ng mahimasmasan na siya, pagkatapos nun sinarado niya na ang gate.

Ano ako hilo?

Bakit ko pa hihintayin na mag-transform yun at maging kamag anak ni majimbo?

Nagmadali na akong umalis at lakad takbo na ang ginawa ko para mabilis akong makalayo doon. Siguro sinapian na din ako ni The Flash sa mga oras na yun.

Habang madali akong lakad takbo ay kinuha ko na ang cellphone at tinawagan ko na ang taong siguradong makokontak ko talaga at matutulungan ako.

"Hello. Tulungan mo naman ako. Please?" Hindi ko na kinaya at humagulgol na ako. Walang luha.

Parang tanga lang e noh? Eh walang luha e.

Sinabi ko kung nasaan ako at yun nga, to the rescue na kaagad si Myrna.

BACK TO PRESENT...

Lumuluha na ako talaga. Meron ng tubig this time, hihihi.

Habang kinukwento lahat lahat kay Myrna. Simula nung naghiwalay kami sa airport kahapon.

Putek! Ang malas ko lang wala pa akong 48hrs sa pinas andami ng nangyari.

MMK lang?

"Yah! Wag ka na umiyak at ayusin mo na ang sarili mo. Naku makakalbo ko talaga ang hilaw mong bestfriend na yun!" Gigil na sabi niya.

Napaluha pa ako lalo ng marinig ko ang bestfriend word.

REN...

Bakit? 100x

Ngayon ko lang talaga na realize. Kaya pala out of reach yung cellphone nun at hindi ko na makita.

Huhuhu. 100x ulit.

T__T

"Sabi ng tahan na e. Dun ka muna sa bahay habang wala ka pang matitirhan." Alok nito sa akin.

Si Myrna ba to? Ba't parang hindi? May sapi? Haha. Joke lang hindi kasi ako sanay. Ako kasi dati yung nagli-lift up sa kanya tapos ngayon na reverse na.

Hay.

Pero thankful pa din ako kasi nandito si Myrna ngayon. Hindi ko na kakayanin pa kung wala ito.

"Nakakahiya naman Myrns." I pause.

"Pero okay."

Hahaha..

O diba libre e.

########################

A/N

Ayan na!!! Alam na ni bidang girl na niloko siya ng bff niya...este Xbff...ano na kaya mangyayari sa kanya? Abangan!! Malapit na din magparamdam si bidang guy!!! Haha thanks!!! :)

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon