Real Kiss

313 12 0
                                    

Keep Reading Guys.

Read more...Sleep less...

That's me.

Hehehe.

Thanks!

########################
Chapter 25

Ayesha's POV

Ang saya ko!

At sa wakas may lovelife na ako! Hahaha.

Sorry! Masyado lang overwhelmed ang lola niyo.

Nandito kami ngayon ni Myrna sa kwarto namin at naghahanda na sa pag-alis. Hindi na din ako masyadong busy kasi kumuha na si Greg ng ibang mag-oorganize ng outing namin.

Sa una hindi ako pumayag kasi trabaho ko naman talaga yun at ayoko na isipin niya na porke't girlfriend niya na ako ay hindi na ako pwede utos-utusan. Pero sadyang mapilit siya at sinabi na gusto lang naman daw niya na magkaroon kami ng time sa isa't isa.

Oh diba bongga? Imbes na ako ang mag-demand ay siya pa itong may gusto. Love na love niya talaga ako.

Eh? Sinabi niya ba yun sayo? Na love ka na niya? Sabi ni Left brain.

Napaisip ako. Oo nga pala. Hindi pa niya sinasabi yun. Ang alam ko lang gusto niya ako. Samantalang ako wala na akong tinago sa kanya.

Yes, I already confess to him. Kahit pa sinabihan ako ni Myrna na huwag akong padalos-dalos.

Pero wala eh. Kapag nandoon ka na pala sa sitwasyon na yun wala ka ng maiisip kundi sabihin kung ano ang nasa puso mo. Pero pasasaan ba't doon din naman mapupunta yun.

I'm still positive.

Naputol ang pag-moment ko ng kulbitin ako ni Myrna. Naka-ready na ito.

"Alam mo mukha kang tanga dyan. Kanina ngiting-ngiti ka tapos bigla-bigla ka na lang matitigilan. Ang totoo te? Ayos ka pa ba?" Sita niya sa akin. Nginitian ko na lang siya.

Alam na ni Myrna ang lahat lahat. Kagabi ng iniwan kami nila Aki at Greg sinimulan ko ng ikwento sa kanya.

Aa una nagalit siya sa akin at bakit daw ako bumigay agad. Ang sabi ko naman kung gusto mo ang isang tao at ganoon din naman siya sayo bakit pa patatagalin diba?

Mukhang na-convince naman siya pero hindi buo. Sabi pa niya sa akin huwag muna akong pakasiguro at marami pa daw na mangyayari.

Naku! Napaka-nega talaga ni Myrna. Pero sabi niya sa huli masaya na din daw siya at masaya daw ako. Basta kapag nagka-problema daw ako nandyan lang siya at handang umalalay sa akin.

Sobrang saya ko kasi okay na sa kanya at after naming mag-usap naglibot na kami sa resort.

Nag-night swimming din kami.

Hinintay ko noon si Greg na bumalik pero hindi na siya dumating. Inisip ko na lang masyadong importante yung pinag-usapan nila ni Aki at natagalan.

Pero noong umaga ko na siya nakita at napansin kong may benda siya sa kamay.

Anong nangyari sa kanya? Tanong ko sa sarili.

So I try to talk to him.

AYESHA AND GREG'S CONVERSATION A WHILE AGO...

Nilapitan ko siya at tinabihan. Nasa may coffee shop kami doon sa resort. Mukhang nagulat siya. Pero ngumiti din sa akin.

"Morning, baby. How's your night?" Tanong niya.

"Okay naman. Naglibot kami ni Myrna saka nag-swimming kagabi. Hinintay kita pero hindi ka na dumating. So, natulog na lang kami pagkatapos." Sagot ko. Medyo may tampo pa ako. Well medyo lang naman. Hehehe.

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon