Stress ba guyys?
Eto pa.
Hahaha.
Keep Reading.
########################
Chapter 30Lorraine "Ren" Espina
"Fuck you Greg!" Sigaw ko ng babaan ako ng phone ni Greg. Sa galit ko naibato ko ang cellphone ko sa gilid ng sofa at napaupo ako doon.
Right now I'm in my condo. Nabili ko ito gamit ang pera na pinapadala ni Ayesha dati.
Oo, ito at marami pang bagay na pan-sarili ang pinag-gamitan ko ng pera ni Ayesha.
"That bitch." I whispered angrily.
Hindi ko akalain na makikita ko pa siya ulit at ngayon kaagaw ko pa kay Greg!
Tinuring ko naman siyang kaibigan.
Dati.
Noong hindi niya ako iniwan sa ere. Noong time na mas pinili niya ang mag-abroad kaysa samahan ako na mamuhay na lang ng simple pero magkasama kami. Mas inuna nito ang sariling pangarap at iniwan ako at galit ako sa kanya dahil doon.
I used to be being alone simula ng nasa ampunan pa ako. Wala akong kaibigan noon at sabi ng iba kong kasamang bata ay isa daw akong bully.
Well that's true. Bully ako, inggetera at kung anu-ano pa. Kaya ilag sila sa akin pero nagbago ako ng makasama ko si Sha sha.
Galing ito sa isa pang branch ng ampunan at na-transfer lang sabay ng ilan pa nitong mga kasama dahil nasunog ang ampunan na iyon at magka-edad lang kami nito.
Una ayaw ko sa kanya. Siya yung tipikal na bata na gustong gusto ng mga taga bantay namin doon. Masayahin kasi ito at madaling pakisamahan. Magaling din ito pag may mga activities sila dati lalo na sa pagkanta. Nagka-choir kasi kami dati sa mga simbahan.
In short insecure ako sa kanya.
Pero nag-iba yun ng isang beses na magka-usap kami. Maging mag-partner kasi kami sa isang activity noon. Pinagsabihan niya ako na walang magandang idudulot ang pang-aaway sa kapwa. Madami pa siyang sinabi na tumatak sa isip ko. Naging eye opener ko siya sa lahat ng bagay at natuklasan namin na may mga bagay kaming pagkakapareho. Isa na doon na gusto naming yumaman at simula noon naging mas close na kami sa isa't isa.
Noong nagtapos kami ng high school nagdesisyon kaming umalis na ng ampunan at nagsarili.
Nagsimula na akong magtrabaho sa mga factory, si Ayesha naman piniling mag-aral at magtrabaho ng sabay pero naglaon tumigil na din ito at nag full time work na rin.
Masaya kami kahit ganoon lang pero yun nga dumating ang araw na sinabi niya sa akin na nakapasa daw ito sa pag-apply pa-abroad.
Nagulat ako at hindi ko alam na nag-aaply na pala ito.
Bakit hindi nito sinabi sa akin? Mag-bestfriend kami. Bakit siya naglihim? Ayaw niya na ba akong kasama? Tanong ko dati sa sarili ko.
Hindi ko maiwasan noon na magtampo sa kanya. Wala na akong choice noong aalis na ito. Naiwan na naman akong mag-isa. Hindi na ako sanay na walang kasama kahit pa panay ang tawag nito sa akin at nagpapadala na din siya ng pera. Hindi pa din ako kontento.
Para makalimutan ko ang lungkot nagpupunta ako ng bar at disco. Doon ko nakilala ang mga bagong kaibigan ko. Matuto akong makipagsabayan sa lifestyle nila. Mga mayayaman kasi at wala akong pera noon pantustos sa luho ko kaya ginamit ko ang pera na padala lagi ni Ayesha. Galit ako sa kanya, so I lied to her. Sinasabi kong may negosyo kami at bahay, but it's the other way around.
Ano siya? Siya lang ba pwedeng magsaya doon sa ibang bansa?
Hanggang umabot sa point na nag-resign na ako sa trabaho at pagpa-party na lang ang inatupag ko.
Naputol ang pagbabalik tanaw ko ng tumunog ang cellphone ko. Kinapa ko ito doon sa sofa at tiningnan kung sino ang caller. Napangiti ako ng makita kung sino. Agad kong sinagot iyon.
"Hello darling. Nakauwi ka na? I miss you na. Kahit kakahiwalay lang natin kanina." I said in a seductive tone.
Yeah, hindi si Greg ang kausap ko. Kundi ang totoong lalaking mahal ko.
His name his Julio Villegas. Mas matanda siya sa akin ng 10 years.
He's a businessman. A dirty one. He do illegal stuffs, gambling, smuggling, drugs, you name it. At sa kanya ako natutong gumamit ng drugs. Well I'm not that junkie type. I just used drugs when I feel anxious and lonely.
I met him when I was barhopping one time. Agad kaming nag click and the rest is history and up to now we are still together. Alam niya din ang relasyon ko kay Greg and he's fine with it. Confident siya na sa kanya pa din daw ako babalik.
Well he's right. I'm only after Greg's money. Medyo kuripot kasi si Julio at laging bantay sarado ng asawa nito.
Yes, he's a married man but I don't care. His wife knows that he has a mistress. Kaya isang beses nakipaghiwalay ito sa akin. Cool off daw muna kami at nakakaramdam na daw ang asawa nito. Hindi nito kasi maiwan ang asawa at mawawalan siya ng access sa kompanya ng mga ito. So I agree with his decision kahit labag yun sa loob ko.
I was sad and hurt back then, and that's the time I met Greg. He approach me in the bar and asked if what's my problem. Syempre I lied.
Ano ako tanga? Para sabihin na kabit ako?
Mamaya mabuko pa kami ni Julio at ayokong magalit siya sa akin. So I told Greg a fabricated story. About my 'parents death' at naniwala naman siya and then we started to date constantly after that. At doon ko nalaman na mas mayaman pala ito kaysa kay Julio. Ang swerte ko lang. Simula noon ginamit ko na si Greg para ipagpatuloy ang luho at mga bisyo ko.
"Sobrang enjoy ako darling na makasama ka ng isang buwan." I pause.
"So, how's the wife?" I asked him.
Hindi ako totoong may model project katulad ng akala ni Greg. I was with Julio. Nagkaroon kasi siya ng vacation na siya lang kaya sinama niya ako. Mahal ko siya kaya sumama ako.
Nagsi-sinungaling na ako kay Greg, di lubusin ko na.
Nag-usap pa kami at ang sabi nito magla-lie low muna kami sa pagkikita at nakabalik na kami dito. Baka daw magduda ulit ang asawa nito. Wala akong choice so I agree. Nagpaalam na din ako.
"Bye darling. I will miss you." Sabi ko at binaba na ang phone.
Napaupo ako. Nag-iisip.
Hindi ako papayag na makuha ng tuluyan si Greg sa akin. Lalo pa ngayong wala muna si Julio sa buhay ko at kailangan nitong pagpa-'bango' muna sa asawa nito.
I need Greg's money. So gagawin ko lahat huwag lang siyang makuha ni Ayesha. Alam kong may advantage ako ngayon at galit si Greg kay Ayesha dahil sa mga kasinungalingan kong sinabi sa kanya.
I have to think a concrete plan and I need it fast.
#######################
Ayan na siya. Hehehe.
Goodnight guys!
BINABASA MO ANG
My Enemy's Boyfriend
General FictionPaano kung ang taong mahal mo ay may mahal ng iba? Saklap no? Pero wala ng kasing saklap kung yung taong mahal niya ay kaaway mo pa! Mag-bigti ka na! Joke lang😜 Tungkol ito sa isang babae na ang gusto lang sa buhay ay mahalin ng taong mahal niya..