Say Yes

361 9 4
                                    

Come what may :)

Not so last chapter. Hehe

Comments and votes po!

Keep Reading!

##########################
Chapter 54

SIX MONTHS LATER...

Ayesha's POV

"Hito! Ano ba?! Bilisan mo naman! Alam mong dumidilim na at nakakatakot na dito tapos ang bagal bagal mo pang maglakad!" Sigaw ni Myrna kay Aki.

Natatawang lalo pang binagalan ni Aki ang paglalakad para inisin pa si Myrna na ngayon ay kuntodo na ang simangot at masama na ang tingin kay Aki.

"Ah ganoon? Anong gusto mong palabasin ha? Sige ipush mo pa yan at huwag na huwag ka ng makatuntong sa bahay at ayaw na kitang makita!" Sigaw ulit ni Myrna dito. Bigla namang tumuwid si Aki ng tayo at lakad takbo ng lumapit kay Myrna saka niyakap ito.

"Nana naman, hindi ka na mabiro saka sinasadya ko talaga yun kasi gusto ko na kapag natakot ka ay lalapit ka sa akin at yayakap kaya huwag ka ng magalit ha. Pa kiss nga." Sabi pa ni Aki at sabay nguso kay Myrna. Tinampal lang ni Myrna si Aki at pilit na kumawala sa yakap nito pero malakas si Aki at hindi siya pinakawalan.

"Kiskisin ko yang mukha mo ng steel brush eh! Puro ka kalokohan! Ayan oh! Ilagay mo na yung bulalak doon." Utos ni Myrna dito at agad namang tumalima si Aki pagkatapos bumalik din agad sa tabi ni Myrna at inakbayan na ito.

"Sha, sige na magsimula na tayo. Pasensya ka na sa loko lokong ito. Saka dumidilim na din kasi eh." Baling sa akin ni Myrna.

Natatawa pa din akong nakatingin sa kanila at kanina pa ang mga ito sa pagkukulitan alam kong masaya na sila sa isa't isa at dahil doon masaya na din ako para sa kanila. Botong boto din ako kay Aki para kay Myrna at alam kong hindi niya sasaktan ito at napatunayan na niya iyon sa nakalipas na anim na buwan.

Tumango na ako kay Myrna at bumaling na sa harap ko. Lumuhod ako at nagsindi ng kandila, nilapag ko na rin ang bulakalak na dala ko.

Kung nasaan ka man ngayon sana masaya ka na. Pinahalagahan ko ang mga panahong magkasama tayo pero sobrang nanghihinayang ako kasi sandali lang tayo na nagkasama, pero mananatili ang mga alaala mo habang buhay sa akin. I'm so sorry and I miss you.

Hindi ko na napigilan ang mga luha kong pumatak pagkatapos kong sabihin sa isip iyon. Hanggang ngayon kasi masakit pa rin sa akin ang nangyari.

Hinawi ko ang mga nagkalat na tuyong dahon na tumatakip sa puntod niya at saka ako tumayo, bumaling na din ako sa dalawa na nasa likod ko at ngumiti sabay punas ko sa mga luha ko. Nakita kong lumapit si Myrna sa akin at niyakap ako.

"Alam ko kung nasaan man siya ngayon ay masaya na siya sa nangyayari sayo Sha." She said.

"Uwi na tayo?" Yaya niya na sa akin. Tumango ako sa kanya at naglakad na kami papunta sa kotse ni Aki. Sumakay na kami at umalis na doon.

Bago kami pumunta sementeryo para dalawin siya ay galing pa kami ni Myrna ng trabaho at sinundo lang kami ni Aki.

Oo, may trabaho na kami ni Myrna. Kaya lang ang kaibahan lang nun sa dati naming trabaho ay kami na ang boss ngayon.

Hahaha! Ang saya lang diba!

May sarili na kaming pastry shop, ang 'MISHA bakery ATBP.' at mag iisang buwan na iyon, located iyon sa loob ng mall na malapit lang sa village nila Myrna. Sa ngayon ay so far so good ang status ng negosyo namin at sobrang saya ko kasi natupad na din sa wakas ang pangarap ko na magkaroon ng sariling negosyo at laking pasasalamat ko din kay Myrna sa lahat ng naitulong niya sa akin at sa pagiging hands on niya sa negosyo namin.

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon