510 reads na po and counting in just a week.
Maraming salamat po!
Isang bagsak!
Para sa mga nagbabasa nito.
Keep reading.
############################
Chapter 16Ayesha's POV
Napatitig si Ayesha sa babaeng nasa may pintuan.
Ang ganda niya. Ang balat niya napakakinis pati yung mukha niya.
Napakunot noo ako ng pagmasdan ko siya ng lubusan.
May kamukha siya.
Yung mga mata niya, parang pamilyar sa akin.
Napaisip ako.
Sino ba?
Natigil ang pagmumuni muni ko ng sumigaw si Sir Greg.
"Ma!" Sigaw nito sa babae.
Napatingin ako ulit sa babae.
Ah. Kaya pala may kahawig siya. Mama pala ni Sir Greg.
Sukat doon binitiwan ko na ang natitirang bandage na hawak ko at napatuwid ng tayo. Bahagyang lumayo din ako kay sir Greg. Napatingin ako ulit sa mama niya. Wala na ang pagkakakunot noo nito at napalitan na ng maaliwalas na mukha.
Napabaling ang pansin ko sa taong nasa likod nito. May kasama pala ito.
Napangiti ako ng makita ko si Aki.
"Hi." Bati ni Aki sa akin.
"Hello po Ma'am, Hello Aki." Bati ko sa kanila.
Tumingin ako ulit kay Sir Greg, nakatingin siya sa akin. Mukhang galit.
Bakit na naman? Tanong ko sa sarili.
"Ituloy mo 'to." Nguso niya sa bandage na nakalaylay sa katawan niya.
Napatingin ako sa kanya. Hindi ako makapagsalita kaya dinaan ko siya sa titig. Na parang sinasabi ko na umayos siya at may mga taong nakatingin sa amin.
"Don't mind them. Just continue this." bale-walang utos niya ulit.
Napatingin ako sa dalawang taong nasa may pintuan pa din. Parang matutunaw na ako sa hiya!
Shete talaga 'tong si Sir! Ngumiti ako ng alanganin sa kanila.
Pansin ko na pareho lang ang makikitang reaksyon nila sa akin. Amusement was written in their faces.
Wala na akong choice kundi ipagpatuloy ang ginagawa kanina.
Lumapit ulit ako kay Sir Greg at yumukod. Shete! Eto na naman! Ang bango niya! Putek!
Focus Ayesha. Focus!
Sabi ko sa sarili habang ginagawa ko ng paikutin ulit ang benda.
"Mali. Hindi dyan, itaas mo pa konti." Narinig kong sabi ni sir Greg.
Ang hinayupak na lalaking to masyado pang pinapatagal ang mga pangyayari!
Tiningala ko siya at pinandilatan ng mata.
I heard him chuckled.
Bwesit na lalaki! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho. Nakatikim na to ng sapak sa akin.
Minadali ko na ang paikot ng benda sa kanya. Bahala na kung anong kakalabasan nun.
Umakmang aalis na ako ng hawakan nito ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
My Enemy's Boyfriend
General FictionPaano kung ang taong mahal mo ay may mahal ng iba? Saklap no? Pero wala ng kasing saklap kung yung taong mahal niya ay kaaway mo pa! Mag-bigti ka na! Joke lang😜 Tungkol ito sa isang babae na ang gusto lang sa buhay ay mahalin ng taong mahal niya..