Abducted

307 8 0
                                    



*_*

Keep Reading!

###########################
Chapter 50

THREE MONTHS LATER...

"Myrna, dala mo ba yung listahan ng bibilhin natin?" Tanong ko kay Myrna habang papasok kami sa grocery store.

Tumango siya sa akin at nagpatiuna na sa loob, sumusunod ako sa kanya pero napahinto ako ng tumunog ang cellphone ko at ng tiningnan ko kung sino ang caller ay napangiti na ako. Tinawag ko muna si Myrna at sinabing mauna na siya at sasagutin ko lang ang tawag sa phone.

"Sino ba yan? Si Greg na naman noh? Aba! Kakatawag lang niyan kanina sayo bago tayo umalis ng bahay ah. Na miss ka kaagad? Wah! Ang haba ng hair mo Sha, hanggang entrance na oh." Biro niya sa akin.

"Alam mo naman isang 'to. Masyadong seloso at dapat laging naka monitor ang mga galaw ko. Pero okay lang yun sa akin. Gusto ko din naman eh." Sabi ko sabay tawa. Pinandilatan niya lang ako.

"Sya sige. Hihintayin na lang kita sa loob. Huwag mong tagalan ha. Kailangan ko ng assist sa pagpili ng mga ingredients." Bilin niya sa akin. Tumango ako sa kanya at umalis na siya. Sinagot ko na ang cellphone kong kanina pa nagri-ring.

"Baby, bakit ang tagal mo namang sumagot? Kanina pa ako tumatawag ah. Nasaan na kayo?" Bungad niya sa akin.

"Nandito na kami ni Myrna sa grocery store at mamimili na. Bakit ka napatawag ulit? May problema ba?" Tanong ko.

"Meron." He pause. "I miss you already. Huli tayong nagkita nung pinakilala kita kina mama. Nami-miss na kita. Kaya pupunta ako mamaya sa inyo at doon na rin ako magdi-dinner." Sagot niya.

Ayi! Kinilig na naman ako! Wala sa sariling napahawak ako sa pisngi ko.

"Baby, kahapon lang nangyari yun ah. Namiss mo kaagad ako? Saka thank you ulit kasi pinakilala mo na ako sa kanila. Anong sabi ng mama at daddy mo nung umalis na ako doon? Nagustuhan ba nila yung niluto ko?" I hesitately ask. Kinakabahan ako. Baka bagsak ako sa standards ng parents niya.

"They love it, baby. Sarap na sarap nga sila. Saka sabi pa ni mama pwede ka na daw mag-asawa. Syempre ako yung mapapangasawa mo diba? So pwede na tayong magpakasal, baby. May basbas na tayo ng parents ko." Excited niyang sabi.

Ngumiti na ako. I felt relieved. Sa wakas tuloy na tuloy na talaga ang kasiyahan ko kasama si Greg.

"Baby? You okay? Hindi ka na nagsalita. Ayaw mo bang magpakasal sa akin? Baby, naman. Huwag ka namang ganyan. Wala ka ng choice kasi hindi na kita pakakawalan." Naghihinampong sabi pa niya.

"Ano ka ba? Syempre gusto ko ring magpakasal sayo. Speechless lang ako kaya ako natahimik. Saka akala mo, ako lang ang walang kawala sayo? Aba! Ikaw din noh. Wala ka na ring kawala sa akin." Natatawang sabi ko. Narinig ko din siyang tumawa sa kabila.

"Okay baby. I love you." Sabi niya.

"I love you too, Greg. O sya sige na, papasok na ako sa loob at kanina pa ako hinihintay ni Myrna doon. At ikaw naman magtrabaho ka na dyan. Hindi porke't ikaw ang may ari pa-petiks ka na lang ha." Sabi ko.

"It's my breaktime kaya okay lang. Alright, you take care okay? Itext mo ako pag uuwi na kayo at tatawag ako sayo. I'll see you later this evening. I miss you. I love you my baby." Sabi pa nito.

"Okay, you too. Ingat ka sa pag drive mamaya. Love you bye!" Paalam ko na at binaba na ang phone. Pumasok na ako sa loob ng store at hinanap si Myrna. Agad ko naman siyang nakita at nilapitan ko na.

My Enemy's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon