DOROTHEA'S POV
"Millie!!!"
Hay. Here comes my suitors, again. Palagi akong kinukulit. Maganda kasi ako. Minsan nga hindi ko talaga alam kung witch ba ako o isang diyosa. Hay. Ang hirap talaga kapag sexy at makinis ang balat mo. Idagdag mo pa ang napakaganda kong mukha.
"Millie, let's play!"
Hehe. Choss! Mga bulilit witches sila. Sila ang mga tinuturuan nila Mama. Kinukulit nila ako kasi uwian na nila at gusto nilang makipaglaro. My Mom is a teacher. Pero totoo yung sinasabi kong maganda ako, ha!
"Millie!! Tara na! Let's play!" Sigaw pa ulit ng mga bata hawak ang mga wands nila. Tsk. Tong mga batang ito. Eh kung gawin ko nalang silang laruan para laruin na lang nila ang sarili nila and then hindi na nila ako maiistorbo. Oo nga noh.. tama tama. I nod with that thought. Kukunin ko na sana ang wand ko kaso may biglang humampas sa ulo ko. Aray naman!
"Hoy! Bilisan mo na dyan. Pauwiin mo na ang mga bata. Nakatunganga ka pa dyan. Kung anu-ano nanaman ang iniisip mo!" Napasimangot tuloy ako. I looked at the kids boredly.
"Uwi na kayo. Shoo! Wag niyo akong istorbohin. Shoo! Shoo!" Pagbubugaw mo sa kanila. Hindi nagtagal ay umalis na sila bitbit ang kanilang mga bags. Mabuti naman. Nakita kong nagluluto si Ate Dorreen.
That is my older sis, Meredith Dorreen V. Maeve. Although maganda siya pero mas maganda ako sa kanya, noh! Mas may utak ako. Hehe. Minsan nga ay binubugaw ko siya sa mga lalaki sa tabi-tabi kasi parang walang balak mag-asawa. Nagagalit siya kapag binubugaw ko siya. Heller! She's 25 years old na kaya. I'm being helpful lang sa kanya. Pasalamat siya at I'm helping her pa.
Nakatalikod siya saakin. Umaawit pa siya na parang ang saya-saya niya. Hello! I'm bored here! Tapos siya masaya? Unfair. Hayy. Buti pa ang mga gulay kinakantahan niya. Something pop in my mind. Hehehe. Tignan nalang natin kung makakanta ka pa sa susunod mong pagluluto. I smiled sheepishly. Kinuha ko ang wand ko at palihim na gumamit ng kapangyarihan. I chuckled as I saw my sister's shock face.
"Ahhhhh!" Sigaw niya ng magsimulang sumayaw ang mga carrots at ang mga repolyo na hinihiwa niya. Iyong mga isdang hinati niya ay nagsisisayawan rin at nagsisipagtakbuhan. Hinahabol ni Ate ang mga ito.
"Hahahaha!" Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. Pero agad din iyong nawala dahil nakatanggap nanaman ako ng hampas mula kay Mama.
"Millie Dorothea umayos ka!" Nagtitimpi niyang sabi saakin. Sumimangot lang ako. Inabot niya saakin ang balde. "Mag-igib ka ng tubig. Punuin mo ang lahat ng banga."
That's my fierce and ferocious Mama, Medea Viga-Maeve. Teacher siya ng nga bata sa lugar namin. Nasa likod ng bahay namin ang kubo na nagsisilbing classroom nila.
Kinuha ko ang balde na inabot niya at padabog na pumunta sa balon.
"Kainis!" Naiinis kong wika. May poso naman dito sa aming lugar pero malayo saamin at mabigat magbuhat ng balde na may lamang tubig. Mas okay na dito sa balon.
Habang nagsasalok ay may nakita akong dwende sa hindi kalayuan. I frowned. Anong ginagawa ng isang maliit na hampaslupa sa lugar namin? Habang hinihila ang tali paitaas, sinisilip ko pa rin ang dwendeng iyon. Nagulat na lamang ako dahil bigla siyang naghubad ng pantalon at pumwesto sa puno. Ewww! Hindi ba nila alam na witches like us love nature?!
"Hoy hampaslupa! Lumayas ka dito kung ayaw mong sabuyan kita ng tubig!" Nagulat siya at parang umatras ang ihi niya. Dali-dali siyang tumakbo. Napahilot ako sa sentido ko. Mga pasaway na unano.
Scarcity na ba ng gulay sa kanila? Dwarves loves vegies and fruits. Kapag harvest day nga sa kanila ay kulang nalang sambahin nila ang mga naharvest nila. Ganoon sila kasaya.
BINABASA MO ANG
The Witch and the Vampire
Fantasy"Hihihihi!!!!" Sakay ng aking walis ay lumipad ako pahimpapawid. I smiled ear to ear as I saw the beauty of our land. I am Millie Dorothea V. Maeve. A beautiful and sexy creature and a witch by heart. I sway my foot and drive my broom downwards. ...