Chapter 2

3.4K 154 11
                                    

Napasunod ako ng wala sa oras sa mga dwendeng ito kaya eto ako ngayon at binibihisan nila. Gone with my favorite black outfit. Nakasuot ako ng puting kasuotan na pangkatulong. Kanya-kanya silang asikaso saakin. Yung iba ay hinahanda ang damit na isusuot ko doon, yung iba ay hinahanda ang mga kagamitan ko. Nakasimangot ako all through out the process pero sila, masasaya sila.

"Ano ba kasi ang scepter na yan?" Naiinis na tanong ko. Natigilan ang isang dwende at humarap saakin.

"Iyon kasi ang life source naming mga dwende. Kapag nawala iyon, hindi na makakapagproduce ng magagandang pananim ang lupain namin." Malungkot na sabi niya. Naawa naman ako sa kanila. 

Hindi nagtagal ay pinalayas na ako sa lungga ng mga dwende. Syempre, bitbit ko ang wand ko at ang walis ko pati na rin ang pointed hat ko. Ayaw nga sana nila kasi baka mapaghalataan daw ako kaya ginawa kong mini ang walis ko at pinasilid sa maleta na hawak ko.

"Oo nga pala. Ikaw ay mamamasukan bilang isang bampira kaya mag-iingat ka. Tawagan mo agad kami kapag nakuha mo na ang scepter." Hindi ako umimik sa matandang dwende. Inis pa rin ako sa kanila.

Hays. Balak nila ako ipasok sa palasyo bilang katulong. Hay. Okay na sana kung isang duchess o isang prinsessa man lang. Tsk.

"Pumasok ka na sa portal."

"T-teka.. sandali naman! Paano ako nakakasigurado na nasa maayos na kondisyon ang pamilya ko?" Ngumiti ang gurang saakin.

"Kami na ang bahala. Pangako iyan. Kapag nakuha mo ang scepter, tutuparin namin ang mga kahilingan mo. " When dwarves make their promise, tinutupad nila iyon. Yun ang kinagandahan sa kanila. Yes! May wishes granted ako.

"Oo na. Siguraduhin mo lang dahil pipisain ko kayong lahat! Pasalamat kayo at may kaunting awa pa ako sainyo." Pumasok ako sa sinasabi niyang portal. Agad akong nahilo dahil sa pahampas-hampas ng malalakas na hangin. Anong klaseng portal ba ito?! Ang lala naman!! Bago pa ako makapunta sa mundo ng mga bampira eh lasog-lasog na ang katawan ko.

"Aaahhh!!" Napasigaw ako ng naramdaman kong tumama ang pwet ko sa matigas na bagay. Mas lalo akong napasigaw dahil bumagsak sa ulo ko ang maleta ko.

"Ouch.. ouch!" Feeling ko magkakabukol ako! Nyemas na unano!

"Are you okay?" Napahinto ako sa pagmasahe ng ulo ko dahil may nagsalita. B-bampira na kaya ito?? Tumalikod ako at nakita ang isang gwapong nilalang na may hawak na pulang rosas. Bakla kaya siya?

"Ikaw kaya ang mahulugan ng maleta sa ulo? Okay ka pa ba?" Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko. Tumingin ulit ako sa lalaking nagtanong saakin. Nakatulala lang siya sa mukha ko. "O ano? Hindi mo ako tutulungan? Tunganga nalang tayo dyan?" Bigla naman siyang natauhan at tinulungan ako sa maleta ko.

"Isa ka ba sa mga bagong katulong?" Tanong niya habang bitbit ang maleta ko. Ang ganda ng kastilyo nila infairness. Pakiramdam ko tumutulo ang laway ko. Hihi. Hindi naman pala actually black ang motif nila. Colorful at buhay na buhay ang lugar nila. Kyyaaaahh! Nakakainggit!

"Oo. Hindi ba halata sa damit ko? Eh ikaw? Anong trabaho mo dito sa palasyong ito?" Nakita ko ang bahagyang pag-atras niya pero agad ring nakabawi.

"I-ihahatid na kita sa magiging kwarto mo." Tumango na lamang ako.

Hinatid niya ako sa maid's quarter. Tatlo kaming naghahati sa kwarto. Hindi na masama.

"Makakaalis ka na." Sabi ko. Kumunot ang noo niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi ka ba marunong magpasalamat?" Sabi niya habang nakangiti.

"Thank you. Now, go." Pero hindi pa rin siya umaalis. Parang ang saya pa niya na nakikita ako. Bahala siya dyan. Tumalikod ako sa kanya at inayos ang mga gamit ko at inilagay sa katabing cabinet. Hindi nagtagal ay may dumating na isang babae. Nagulat siya ng makita ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang ngumiti at tumingin saakin.

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon