Chapter 17

2.3K 97 12
                                    

Ngayon ang delivery ng mga binhi ng iba't ibang klase ng mga gulay at prutas. Kanina ko pa tinitignan ang mga sako na bumababa galing sa karwahe na puno ng mga buto. Excited na excited na ako magtanim!

"Seems like you are enjoying." Azuro said. Ngumiti ako at tumango.

"Super!!!" Tutulong ako sa pagtatanim. Sinisimulan na din ang mga titirhan ng mga manok at baka. Magkakaroon na ng supplies ng mga itlog at gatas. Sobrang saya ko.

"Mahal na Hari, magsisimula na po kaming magtanim." Sabi ng isang trabahador na si Kuya Benny. Tumango lang si Azuro. Kinuha ko ang sumbrero at mabilis na sumunod kay Kuya Benny. Tutulong din ako!

"And where do you think you're going?" Masungit na tanong ni Azuro.

"Ano pa eh di tutulong!" Hindi ko na siya pinatapos dahil mabilis na akong tumakbo at humabol kay Kuya Benny.

"O Millie, nandito ka pala. Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.

"Tutulong din po ako magtanim." Masaya kong sabi. Tila natuwa siya sa sagot ko. Kung alam niya lang na witch ako na mahilig sa nature. Inabutan niya ako ng maliit na sako.

"Buto ng mga pechay iyan. Doon ang taniman nito." May tinuro siyang lugar na nakabox. May mga hose ng tubig at mga kagamitang pangtanim rin.

"Sige po. Ako na rin po ang magtatanim ng ampalaya." Ngumiti siya.

"Hindi na kita pipigilan dahil madami-dami rin kaming itatanim, hija. Kumuha ka nalang rito ng mga binhi." Tumango ako at magpasalamat. Kumuha na rin ang ibang mga trabahador ng mga binhi at nagsimula ng pumunta sa.mga designated areas kung saan itatanim ang mga seeds.

Tamang-tama at makulimlim ngayon. Malakas din ng kaunti ang hangin. At least hindi mainit. Kinuha ko ang bag ng binhi ng pechay at masayang naglakad. Mahilig talaga ako magtanim ng mga halaman. Kapag kasi nakikita kong masagana ang mga bunga nila, lahat ng pinagpaguran ko ay worth it. Besides, its a gift of you can take care of a living thing.

I cultivated the soil using the rake. Nilagyan ko ng compost at ng fertilizer ang lupang kinucultivate para lumaking maganda ang mga halaman. Habang nagtatrabaho ay kumakanta ako dahil mas naeenjoy ako kapag kumakanta.

"Dorothea," Napatalon ako sa gulat. Matalim ang tingin saakin ni Azuro habang papalapit. "How dare you leave me there?!" Napameywang ako sa inasal niya.

"Kung makareact ka akala mo iniwan ka ng napakatagal. Syempre tutulong ako." Kinuha ko ang mga binhi at isinaboy sa lupa. Natigil ako dahil nakatingin lamang si Azuro. "Kung tumulong ka rin kaya?" Kinuha ko ang isa pang bag ng binhi ng pechay. "Isaboy mo yan banda doon tapos tabunan mo ng lupa." Hindi ko na nakita ang reaksyon niya dahil tumalikod na ako.

Habang nagdidilig, nagkatinginan kami sa isa't-isa. I smile at him sweetly. I am glad to be with him. Nakita ko ang pagpula ng kanyang mukha at umiwas siya ng tingin.

Who could have think that I would be back here again?

"Mahal na Hari, handa na po ang pagkain." Sakto dahil kakatapos lang namin. Tumigil ako at nagpunas ng pawis. Inabutan ko ng malinis na panyo si Azuro. Tinanggap niya naman ito pagkatapos ay hinila na ako paalis.

"Eat up. We're going after." Saan kaya kami pupunta? Ang alam ko dalawang araw kami dito. Hindi na ako nagtanong dahil gutom na rin ako.

Hinila na ako ni Azuro pagkainom ko. Masyado namang nagmamadali ito?!

"Hindi pa nga ako nakakapagpalit!" Hindi niya ako pinansin dahil patuloy lang siya sa paghila. Ano nanaman ang problema nito?

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at tumalon ng ubod ng taas. Pakiramdam ko umalis na ang puso ko sa dibdib ko sa gulat.

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon