DOREEN'S POV
Its been a day pero hindi pa rin ako pinapansin ni Linus. Palagi siyang wala sa bahay dahil may pinagkakaabalahan siya. Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang kinakain ko.
"Siya nga pala, kamusta kana, Hija?" Ibinaling ko ang tingin kay Aling Mena. Kinuha ko sa tabi ko ang aking lapis at papel dahil hindi ko naman nakakausap si Aling Mena sa aking isipan.
Maayos naman po.
Sinuklian niya ang ngiti. Naalala ko nga pala. Bago ako pumunta rito may anak si Lourdes na nandito sa mundo ng mga tao. Sumulat ako muli sa aking papel.
Aling Mena, kilala niyo po ba ang anak ni Lourdes? Mercedes ang pangalan niya.
Its Mercedes. I remembered. Siya yung nakita ko noon sa aking panaginip. The one in the picture holding a balloon. I think that's her. Tiningnan ko si Aling Mena. Ngumiti siya. Isang malungkot na ngiti.
"Hindi ko akalain na maaalala pa ako ng aking ina." Kumunot naman ang noo ko at mukhang naintindihan naman niya ang pagkalito ko. "Ako, Hija ang anak ni Lourdes. Mercedes ang buo kong pangalan." Napasinghap ako sa gulat.
Hindi pa ako nakakabawi sa gulat nang magsalita siya muli.
"Matagal nang panahon nang makaalis ako sa kabilang mundo. Isa kami sa mga pinapapatay ng mga taga palasyo sa kadahilanang si Ina raw ang pumapatay sa mga sundalo noon gamit ang kanyang kapangyarihan. Itinago niya ako rito sa mundo ng mga tao. Nangako siyang babalikan niya ako pero hindi na natupad ang pangakong iyon."
Parang nalungkot ang puso ko sa narinig. Isa rin pala sila sa mga hindi pinalad. The daemons do need a better ruler. Hindi yung nalalason ang utak katulad ni Kael.
Kinuha ko ang lapis at papel ko.
She misses you and she loves you.
Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. "Alam ko, hija. Salamat."
Umiling ako.
Ako dapat ang magpapasalamat sainyo. Dahil sainyo nabigyan ako ng pangalawang pagkakataon na mabuhay at lumaban. Kung hindi dahil sa tulong ninyo baka wala na ako sa mundo.
Nangilid ang mga luha ko habang nagsusulat ng karugtong.
Marami akong naranasang hindi maganda sa buhay ko. Ang gusto ko lang naman ay lumigaya ang pamilya ko kahit na ako na ang magsakripisyo para sa sarili nilang kaligtasan pero hindi ko pa rin nagawa ang nais ko dahil nawala ang kaisa-isa kong lolo.
Niyakap naman ako ni Aling Mena.
"May rason sa bawat pangyayari. Tibayan mo ang iyong loob at magagawa mo ang lahat ng nais mo." Tumango ako kay Aling Mena.
Kumalas siya sa pagyakap at pinahiran ang aking luha.
"Wag kang mag-alala. Hindi ka na nag-iisa ngayon. Kasama mo na si Linus." Ngumiti ako. Kinuha ko ang papel at lapis para ulit magsulat nang makaramdam ako ng presensya sa aking likuran. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Aling Mena.
Nanginginig na binitawan ko ang mga hawak ko. Humigpit ang ang hawak ni Aling Mena saakin. Lumakas ang tibok ng puso ko nang magsalita ang nilalang na nasa likuran ko. Hindi ako nagkakamali. Its him.
"Come with me, Doreen." Lumunok ako bago humarap sa kanya and there I see Kael with his soldiers. "Come with me or else that person will die." In an instance, may kawal na pumalibot saamin at mabilis na tinutukan sa leeg si Aling Mena ng kutsilyo. Nanginginig na umiyak si Aling Mena sa takot. Dinampot ko ang lapis at papel ko at nanginginig na sumulat.
BINABASA MO ANG
The Witch and the Vampire
Fantasy"Hihihihi!!!!" Sakay ng aking walis ay lumipad ako pahimpapawid. I smiled ear to ear as I saw the beauty of our land. I am Millie Dorothea V. Maeve. A beautiful and sexy creature and a witch by heart. I sway my foot and drive my broom downwards. ...