Chapter 4

2.7K 135 8
                                    

I told Jade everything simula nung kinidnap ako ng mga dwende hanggang sa panloloko ng mga dwende saakin. Hindi ko sinabi yung engkwentro ng walang hiyang bampira na iyon saakin. Nagulat siya sa mga sinabi ko at hindi pa siya umiimik.

"Huy, Jade, tulungan mo naman ako.. hindi ako nagsisinungaling, pangako. Gusto ko ng umuwi dahil nasa peligro ang pamilya ko." Niyugyog ko pa siya.

"Hindi ako makapaniwala.." mahina niyang sambit. Kinuha ko ang wand ko at ipinakita sakanya.

"Eto ang wand ko. Yung walis ko ay nasa maleta ko. Dali na Jade, tulungan mo ako paano makauwi. Ikaw lang ang makakatulong saakin kasi ikaw lang naman ako kakilala ko dito."

"Ang ganda naman ng wand mo! Akala ko simpleng tangkay lang yun ng puno ang mga wand niyo."

-_-

"Tutulungan mo ba ako o lalaitin mo ang wand ko?"

"Eto naman hindi na mabiro! Oo na tutulungan kita. Kaso hindi ko lang alam kung bakit nagawa ng mga dwende yun saiyo." Muli kong naramdaman ang galit sa puso ko.

"Baka trip nila ako!" Huminga siya ng malalim.

"Millie, siguro ay may pinapagawa pa sila saiyo maliban sa scepter na yun." Taas kilay ko siyang tiningnan.

"O eh ano?" Nagkibit balikat siya.

"Hindi ko alam. Pero sige, ilalabas kita ngayon." Napangiti ako.

"Sure ka??? Ngayon???" Nakangiti siyang tumango. Wala sa sarili na napayakap ako sa kanya. "Jade! Salamat!! Makikita ko na ang mga magulang ko at mapipisa ko na ang mga pesteng dwende!" Nakatanggap ako ng batok sa kanya.

"Wag mong pagsalitaan ng ganyan ang mga dwende. Mababait sila. Siguro ay may plano lamang sila. Tara na nga!" Hindi na ako nag-impake dahil hindi ko naman damit ang mga iyon. Yung walis ko lang ang dala ko at ang wand ko.

"Teka, ano ang sasabihin mo sa kanila bukas? Baka magtaka sila Madam Aga na wala na ako."

"Ako na ang bahala doon. Tara na!"

Lumabas kami ng kwarto hanggang sa nakalabas na kami sa gate. Dere-deretso lang kami sa paglakad hanggang sa nakarating kami sa bukana ng gubat.

"Nasa dulo ng gubat ang portal. Hindi na ako makakasama saiyo dahil hindi ako pwede doon. Medyo malayo pa nga lang ang lalakarin mo. Huwag mo muna gamitin ang walis mo. Baka may makakita saiyo." Humarap ako sa kanya at ngumiti.

"Maraming salamat, Jade." Ngumiti siya at nagpaalam.

Naglakad na ako. Kailangan ay makalabas ako at makauwi. Tsaka ko na iisipin ang mga dwende. Kailangan mapuntahan ko at ang mga magulang ko at masigurado ko na nasa maayos na kalagayan sila.

Isang oras na akong naglalakad pero hindi pa rin ako nakakarating sa pinakadulo ng kagubatang ito. Tama nga ang sabi ni Jade mahaba ang lalakarin ko.

Napansin ko na may nakatitig saakin habang naglalakad ako. Luminga-linga ako sa paligid pero wala akong makita. Binilisan ko nalang ang paglalakad. Mahigpit ang pagkakagawak ko sa wand at walis ko.

Habang naglalakad ng mabilis ay doon ko napagtantong may sumusunod nga saakin dahil narinig ko ang paggalaw ng mga damo sa paligid. Tumakbo na ako pero kaagad rin akong huminto dahil may lalaking nakatalikod sa unahan ko. Kung paano siya nakarating dyan? Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung papaano ako dadaan. Dahan-dahang humarap ang lalaking nakatalikod saakin. His cold eyes again met mine. I saw his serious and furious face.

Napaatras ako ng lumakad siya palapit saakin. I have to escape dahil kung hindi, katapusan ko na! Kailangan pa ako ng pamilya ko.

Wala akong choice kundi ang sumakay sa walis ko at mabilis na pinalipad ito ng napakabilis papunta sa dulo ng kagubatang ito. I have to get out here! Kailangan kong makauwi!

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon