Chapter 18

2.1K 104 8
                                    

Habang tumatagal ako sa loob ng palasyo, nararamdaman ko ang inis ng ibang mga bampira lalo na ng mga councils at elders. As of me, nananahimik lang ako.

Kasalukuyan kaming may meeting at hinihintay namin si Azuro, ang kanilang Hari. Ewan ko ba at ang tagal-tagal nung lalaking yun.

"Bakit pa kasi siya ang pinagpapadesisyon ng mahal na hari?" Rinig kong bulung-bulungan nila habang wala si Azuro. Even though bulong lang iyon, I can still hear them. Hindi ko nalang pinapansin ang mga naririnig ko. Kaya ko pa naman magtimpi. Ayoko lang na lumala ang sitwasyon.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at tahimik na lumabas. Nasaan na ba si Azuro? Ang tagal-tagal niya. Naiinip na ako. Hindi niya ba alam na pinagchichismisan na nila ako? Hmp. So much for my beauty. I bet they can't take it. Hihi.

"Where are you going?" Tumalikod ako at doon ko nakita si Azuro na naglalakad na papasok.

"Hahanapin ka sana. Ang tagal-tagal mo." Naglakad na ako palapit sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang mainit nilang tingin sa magkahawak naming kamay. And as usual, deadma lang ako.

Saktong kakaupo lang namin ng biglang may pumasok. Mae entered with her different aura. Kakaiba ang kanyang mga tingin. Behind those expressionless eyes lies something more. And one of that more is anger. Tumingin siya kay Azuro at pagkatapos saakin. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o hindi.

"What are you doing here?" Malamig na tanong ng katabi ko.

"Mahal na Hari, inimbitahan po namin siya sa pagpupulong." Sagot ni Council Ronald. Nakangisi ang council at pinaupo si Mae. I don't trust his smile. It makes me wanna puke. Eww.

"Making decisions without my permission? I see." Madiin niyang wika. Nangilabot ang mga bampira sa loob sa tinig ng pananalita niya.

"P-pasensya na po, Mahal na Hari." Pagpapaumanhin nila. Wala namang reaksyon si Mae. Nakaupo lang siya at nakatitig kay Azuro.

"Begin with the discussion." Azuro said.

I wonder.. bakit ba parang ayaw makita ni Azuro si Mae? Kung noon excited na excited sila sa isa't isa pero bakit halos sumpain ni Azuro si Mae? Did something happened while I'm gone?

Natapos ang pagpupulong at nag-aayos na ang bawat isa ng kanya-kanyang mga papeles at dokumento. Ako na ang nag-ayos ng mga papers ni Azuro. Habang inilalagay ang mga papel sa puting folder, nagsalita si Council Fernand.

"Mahal na Hari, bali-balita sa bayan na nagkabalikan na kayo ni Binibining Mae. Totoo po ba ang usapan na malapit na inyong kasalan? Kung tutuusin po ay bagay na bagay kayo. Parehas nagmula sa makapangyarihan na pamilya ang angkan ninyo."

"Oo nga. Naaalala ko pa ang kabataan nilang dalawa. Mahilig silang maglaro sa hardin ng palasyo." Sabi ni Council Ronald.

"Bakit hindi tayo maghanda ng isang selebrasyon? Ano po sa tingin niyo, Mahal na Hari? Tiyak na matutuwa ang bayan nito lalo na't maraming may gusto na kayo ang magkatuluyan at hindi ang kung sinong salot lamang." Sabi pa ulit ni Council Fernand.

Parang kinurot ang puso ko sa narinig. Kanya-kanya ang komento ng mga councils at elders at ang saya-saya nila tungkol doon. Pinasok ko ang mga folder sa envelope.

"If you are going to talk about me, better shut your mouth. I don't need your opinion about my life. Can't you see I'm with another lady? Where's your manners?" Galit na sabi ni Azuro. Natigilan naman silang lahat.

"P-pasensya na po, Mahal na Hari." Nakayukong sabi ni Council Fernand. Matalas na tinignan ni Azuro si Council Fernand.

"Baka nakakalimutan mo ang malaking utang ng pamilya mo saakin." Namutla si Council Fernand at mabilis na yumuko. Hinila ako papalabas ni Azuro. Nagpatianod nalang ako.

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon