Chapter 46

1.2K 52 0
                                    

MILLIE'S POV

I'm quite happy today.

Masaya ang mga magulang ko dahil ligtas na si Ate sa kapahamakan. Maliban sa fact na niloko sila ng Ate ko dahil bago pa siya ikasal ay buntis na pala siya, I know they're excited about their future apo. Masaya rin ako at masaya na si Ate. Buti at hindi si Finn ang nakatuluyan niya. Pangit pa naman nun.

Masaya rin si Lola kahit papaano. Paano super pampered siya rito sa palasyo. Akala mo ay reyna. Hayy.

Masaya rin ang love story nila Zandro at Jade. Sus nakabinwit ng malaking isda si Jade. Naku. Lumalaki ulo ng katulong na yon. Simula ng maging magjowa yang dalawang yan, wala na silang oras para saakin. Hmp. Mag-iisip ako ng mga paraan para maghiwalay kayo. Akala mo besh ha?

Huminga ako ng malalim. Everyone's happy. I smiled. I'm happy that they're smiling. Pero napawi rin ang mga ngiti ko.

As the days goes by, I could feel my heart is weakening. It's still thumping but.. I could feel its deteriorating. We're still searching for cures and I'm hiding my pain with my brightest smile that I could give for them not to worry.

I smiled bitterly. If I'm going to die, much better to leave them while they are happy. I don't want to steal their happiness. It's also a good thing that my sister is pregnant para naman hindi nila masyadong damdamin ang pagkawala ko. Matagal ko na itong pinag-iisipan. It is better to go and hide until I die.

Hmmm. Mukhang sa kabilang buhay ko na gagantihan si Jade.

Huminga ako ng malalim at uminom sa tsaa. Nasa garden ako mag-isa. Umuwi na sila Mama sa mundo namin. Ayaw akong payagan ni Azuro umalis kaya hindi ako makakasama kahit gustuhin ko man. Besides, gagawin lang akong utusan ni Mama. No way!

Well, si Lola naman ayaw sana umuwi dahil sobrang saya ng buhay niya rito pero sasama siya kina Mama. Doon na muna siya sa aming bahay dahil wala ng kasama si Lola kapag uuwi pa siya sa kanila.

Everything's fine.

Well, except me.

But I'm sure they will forget this sickness. I hope.

"How's my Dorothea?" Buti nalang at ubos na ang tsaang iniinom ko dahil baka nabuga ko iyon sa gulat. I felt a tight embrace behind my back.

"Huwag ka ngang manggulat!" Singhal ko. Hindi niya ako pinansin. Idinikit niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Minsan natatawa nalang ako sa kanya dahil ramdam kong gusto niya akong lambingin pero parati kaming nahuhuli ni Lola. Kung hindi naman si Lola, sila Mama at Papa.

"You're sad." Sabi niya. Umiling ako. Umupo siya sa tabi ko at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.

"Hindi naman. Masaya nga ako kasi okay na ang lahat. Okay na si Ate at soon to be a mom na siya. Masaya na sila Mama. Medyo nakapag move-on na si Lola." Sabi ko habang nakangiti.

"But?" Dugtong niya. Pinigilan ko ang huminga ng malalim. Mas pinalawak ko pa ang ngiti ko.

I can't turn off this happiness. He mustn't know I'm sad.

"I know you, Dorothea." Ang hirap kapag may isang nilalang na mas nakakakilala saiyo ng lubos. Tumawa nalang ako.

"I'm happy." Saad ko. I make it sound convincing para naman maniwala siya. Nanahimik lang siya at hinaplos ang buhok ko. Nawala na rin ang ngiti sa mga labi ko.

If I leave, will I endure the pain leaving them?

Yes.. masakit man, I have to.

But I don't want to leave Azuro's side. I just can't handle the pain.

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon