Chapter 24

1.8K 85 10
                                    

MILLIE'S POV

"Millie, kamusta ang pakiramdam mo?"

Paulit-ulit akong chinecheck nila Mama at Papa at halos hindi maalis ang tingin nila saakin lagi simula ng magising ako. Pati si Tita Kalumi ay lagi nang nasa palasyo.

"Maayos lang po ako. Hindi niyo na po ako kailangan icheck parati." Nahihiwagaan sila kung bakit naging kulay green ang buhok ko. Pinaliwanag ko naman sa kanila ang rason. Ikaw ba naman ang kainin ng mga halamang iyon ng ilang buwan, hindi ba magbabago kulay ng anyo mo? Wala naman akong nararamdaman na iba maliban sa buhok kong nag-iba ang kulay. Kahit pagtapak ko ay may tumutubong halaman sa tinatapakan ko. Feeling ko, masyadong naabsorb ng katawan ko ang katas ng mga halamang iyon kaya ganun pero sabi ni Lola ay napamahal saakin ang lugar na iyon kung kaya't prinotektahan ako nun.

Hindi ko naman inaasahan na buhay ang lugar na iyon!

>_<

"Nag-aalala lang kami." Sabi ni Papa.

"Alam ko po pero maayos naman po ako. Wala po kayong kailangan ipag-alala." Ngumiti pa ako para mapaniwala sila. Wala naman talaga akong nararamdaman eh.

Nagpaalam ako saglit para pumunta sa hardin. Gusto kong mapag-isa.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng pwedeng isumpa eh ako pa talaga ang binuntunan.

Umakyat ako sa mayabong na puno at umupo sa sanga. Sumandal ako sa katawan nito. Pasimple akong sumilip sa baba at yalos malaglag ang panga ko dahil lahat ng natatapakan ko ay literal na may mga tumutubong halaman kahit ang mga sanga at ang katawan ng punong ito.

Paano kung kailangan kong magtago dahil may papalapit na kalaban? Paano ako makakapag tago ng maayos kung bawat lakad ko ay may tumutubong halaman? Ayy ewan! Ang dami-dami ko ng problema dadagdag pa ito.

Ilang minuto na akong nakapikit sa kinauupuan ko. I want to be at peace for a moment.

"So beautiful." Napamulat ako at mabilis na tumingin sa likod ko kung saan nanggaling ang boses na iyon.

"K-kael? Anong ginagawa mo rito?" Ngumiti siya saakin at inabot ang buhok ko at hinalikan ito.

"Walang araw na hindi ka gumaganda sa paningin ko.." ngumiti naman ako ng pilit.

"Salamat." Inabutan niya ako ng rosas na kulay pula at mabilis na lumipat sa tabi ko.

"Tell me, Thea. Sasama ka ba saakin kapag pinawalang bisa ko ang sumpa?" Nakangisi niyang tanong. Bigla akong nanlamig sa kanyang sinabi. Ang lapit-lapit ng mukha niya saakin. Hindi rin ako makareact. "Answer me."

"P-paano mo nalaman ang t-tungkol doon?" Nahihiwagaan na talaga ako kung sino si Kael. Paano ba niya nalaman ang tungkol roon? "S-sino ka ba talaga?"

Mas lumapad ang ngisi niya at pagkatapos ay mabilis akong hinalikan sa noo.

"I will come back. And when I come back, akin ka na." Sandali niya pang hinaplos ang buhok ko at hinalikan ang mga labi ko. Sa paghalik niya, unti-unting lumalabo ang paningin ko at parang hinihila ako muli ng labis na antok.

I felt my body falling from the tree. I felt scared but someone caught me.

"Remember this, Thea. Akin ka."

Hindi na ako nakareact dahil nilamon na ako ng kadiliman.

**************

THIRD PERSON

Kalumi together with the grandparents of Millie walk and search for the black power they are sensing. Ramdam na ramdam nila ang lakas ng kapangyarihang ito.

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon