Chapter 47

1.1K 58 0
                                    

MILLIE'S POV

Everyone's happy. Lahat ng mga kaibigan ko ay nag-eenjoy sa outing namin dito sa waterfalls. The weather is great. Its not super sunny but not too windy. Just a right moment to swim with friends. The water is so clear, too.

Belinda and her friends are swimming. Si Madam Aga naman ay halatang masaya na nakikipag kwentuhan kina Jade. Si Azuro naman ay nakikipag-usap sa kanyang kapatid habang lumalangoy. It's a good thing that they are bonding.

Tahimik lang akong nakamasid sa kanilang lahat. I'm memorizing their faces. It's a good thing na nagyaya ako ng ganitong outing. Everyone's is enjoying and I love to see them all wearing their smiling faces. Sumipsip ako sa juice na iniinom ko at ibinaling ang tingin sa kweba kung saan ako natulog noon.

Tumayo ako at pinagpagan ang likod ko. I took a step going inside the cave, sa likod ng talon. Pagpasok ko, bumungad ang mga maliliit na bulaklak. Its beautiful and you can actually rest in here. Umupo ako sa damuhan at pinagpatuloy ang pagsipsip ko sa juice. Dito muna ako. Medyo malamig rito. Maybe because of the current of the water. Its nice.

Kaagad na lumubog ang puso ko nang maalala ang plano kong pag-alis. Nararamdaman ko na kasi eh. Malapit na akong mawala sa mundong ito.

Kakayanin ko kaya mawala sa piling ni Azuro? I wanted to hold his hand forever. I wanted to be in his side until we grow old. Gusto kong magkaanak kaming dalawa at bantayan sila hanggang sa lumaki. Marami akong gustong gawin but this curse is preventing me to do those things. Ang sabi noon na malaki ang gagampanan kong role in the future pero nagkakamali sila.

It's supposed to be my sister. Its her.

Siya dapat ang isinumpa.

But because I love her so much, inako ko ang sumpa.

It was a very sunny afternoon. Naglalaro kami ni Ate ko sa isang mabatong fish pond. Maliit lang itong fish pond na ito at hindi sobrang laki. Gustung-gusto ko kasi lumukso-lukso sa mga bato at manghuli ng mga maliliit na isda at pasimple kong ilalagay sa bulsa ni Ate. Hehe. Nakakatawa kasi kapag tumatalon siya. Parang kabayo.

"Ate, tara manghuli na tayo ng isda!" Sigaw ko sa kanya habang bitbit ko ang maliit kong lambat at ang balde ko. Tamang-tama at uuwi si Papa! Gusto kong bigyan siya ng makukulay na isda bilang surpresa. Hihi para bigyan ako ng pera dahil nag-iipon ako para lumayas.

"Ayoko, Millie. Ikaw nalang. Mauna kana. Susunod ako."

"Sige!"

Naglalakad ako habang bitbit ang mga kagamitan ko. Nag-iisip ako ng mga pwede kong ipanakot kay Ate. Kung palaka ba o bulate. Pwede ding linta kaso makati yun. Palaka nalang!

Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad nang may sumulpot sa unahan ko na isang matandang babae. Nakakatakot ang itsura niya at kulay violet yung mga mata niya.

"Ikaw ba si Doreen?" Nakangisi niyang wika. Kumunot naman ang noo ko. Ano kailangan niya kay Ate? At isa pa, ang pangit niya magsmile! Nakakatakot.

"Bakit? Anong kailangan mo?" Matapang kong sagot sa kanya.

Ngumisi siya ulit at lumapit saakin kaya umatras ako.

"Ang ganda mo naman." Sabi niya.

"Hehe salamat po." Natawa naman siya.

"Pero sagabal ka sa mga plano ko." Nagbago ang kanyang itsura. Mas nakakatakot na ang kanyang mga mata. Mahigpit niyang hinawakan ang maliit kong braso.

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon