Chapter 53

1K 50 1
                                    


THIRD PERSON

Abel went down after fixing his things. Aalis na sila ni Millie. Tumila na rin ang ulan. Kagabi ay halos hindi siya makatulog kakaisip. Naghahanap siya ng mga lugar kung saan siya pwede makahiram ng libro tungkol sa sumpa ni Millie. Meron siyang alam pero imposible na makapunta siya roon. Mahina niyang hinampas ang sariling ulo dahil sumasakit iyon sa kakaisip ng mga bagay-bagay.

Mamaya niya nalang gigisingin si Millie kapag nakausap na niya ang kanyang tiyuhin. Pagkababa niya, ang HAri ng mga Bampira ang bumungad sa kanya.

"Coffee?" Pagyaya nito sa kanya. Muntik na siyang napaismid. He never thought that vampires can drink coffee.

"No, thank you." Hinanap niya ang kanyang tiyuhin pero wala ito rito.

"By the way, have you already saw the letter that Milda gave to you?" Doon napatigil sa pagkilos si Abel. Kumunot ang noo nito at bumaling sa bampira. Mukhang relax na relax ito sa pag-inom ng kape.

"What letter?" Seryoso niyang tanong. Sumimsim muna ang bampira sa tasa nito bago magsalita.

"Last night, I saw her walking towards the door. I thought she's a thief but then she introduced herself and then she asked me to tell you that she has a letter. Go on and look for it. It may be important."

Shit!

Mabilis na tumakbo si Abel sa papunta sa kwartong tinutuluyan ni Millie habang nagdadasal na sana nagbibiro lang ang Hari ng mga Bampira.

Bakit naman iyon gagawin ni Millie? Bakit siya aalis ng walang paalam?

Halos lumubog ang puso ni Abel nang makitang tama nga ang Hari ng mga bampira. Nakita niya rin ang sulat na sinasabi nito. Pinulot niya iyon sa ibabaw ng kama at inalis sa pagkakatupi.

Dear Abel...

Hindi alam ni Abel kung maiinis siya o malulungkot. Halu-halo ang emosyon na nararamdaman niya. Isa lang ang alam niya.

Iniwan nanaman siya.

His mind is blank as he walks down the stairs. Nakita niya ang bampira at hindi niya iyon pinansin. He'll just.. go home. Alone.

Lalabas na sana siya nang tawagin siya ni Mang Nestor.

"Abel, kumain muna kayo ni Milda ng almusal bago umalis. Marami kaming niluto." Umiling si Abel.

"She already left." Blanko na sabi ni Abel.

"Ha? Anong pinagsasabi mong bata ka? Halika na rito at maupo." Walang siyang karea-reaksyon ng hilain siya ni Mang Nestor.

"I'll just go." Malamig niyang sabi.

"Ano ba ang nangyayari? Ano ba yang hawak mo?" Tulala lang si Abel nang kunin ni Mang Nestor ang liham ni Millie. Pagkatapos nito magbasa, puno ng simpatya ang mga mata ni Mang Nestor sa kanya.

"Abel, dumito ka muna saakin." Sabi ni Mang Nestor. Lingid sa kaalam nilang lahat ay nilipad ng hangin ang liham at napadpad ito sa paanan ng Bampira.


************

Azuro felt sorry for Abel. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano niya sasabihin ang mga sinabi sa kanya ng babae kagabi. And to be honest, by just speaking to her makes him wonder who the hell is she? Bakit parang pamilyar ito sa kanya. Pero nakatago ang presensya nito at hindi niya mawari kung anong nilalang ito. But then since Abel's a wizard, she must be a wizard, too.

Tahimik lang siyang sumisimsim ng kape habang nag-uusap ang magtiyuhin. Abel doesn't have any emotions. Kung malamig ito noon, mukhang mas lumamig pa ito. That letter just gave him a scar in his heart. Perhaps, it adds another whole in him. Naaalala niya ang mga panahong nawala ang kanyang mga magulang and Dorothea helped her. She's different from the rest of the ladies he've met.

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon